~Seven~
A week after namin nagswimming, malapit na ang finals. If I know Kirk, tapos na nya lahat ng projects nya at nagsisimula nang magbasa ng notes yun. Hindi naman nya kailangan, malupit retention nya sa lectures eh. Isang bagay lang naman ang alam kong nalimutan nya...
Waaaaaah! Tama na, Seven! Wag na wag mo nang isipin yun. Matagal na yun.
Anyway, di na kami lumalabas ngayon. Nagkikita kami sa school, lagi pa rin kami magkasama dun. Oo, may guy friends si Kirk, pero he doesn't feel that comfortable with them. Yun ang sinasabi nya pag tinataboy ko sya. Ewan ko ba, ang labo ng friendship namin. Best friend ko sya, I think? Well, para sa akin, sya best friend ko. Mula pa naman noon eh. Ewan ko sa kanya kung ano tingin nya sakin. Grabe ah, sa dami ng babaeng galit sa akin dahil ako laging kasama nitong lalakeng to, he should cut me some slack. Class hours lang kami naghihiwalay sa school, kasi excited na syang makagraduate. Subjects na ng seniors ang tinitake nya, ako nasa 3rd year palang. Nerd. Psh.
Wala na tuloy akong nagiging boyfriend. Hay nako. Yes, may pumoporma sa akin sa classmates ko, pero none of them would approach me once we get out of the classroom. Dahil kay Kirk, perhaps? Bahala sila.
Marami na akong naging boyfriend, wala nga lang tumatagal. Madali kasi ako magsawa sa kanila, eh. They bore me. Kung hindi boring, nakakasakal naman. Like duh? Do I look like I'll be someone's property? So not.
Wala kasi parents and brothers ko, so ako lang mag-isa sa bahay. They don't really mind na marami na akong naging boyfriend. They know me naman eh. May occassional na maglilinis, maglalaba o magluluto, but I prefer doing those things on my own. Like Kirk, studying is not a problem for me. Pero unlike Kirk, hindi ko sinusubsob ang sarili ko sa pag-aaral.
One of the businesses na owned by our family is a clothing line. So every now and then, sumasama ako sa photoshoots. Sinasama ko rin si Kirk and si Anne, we don't need to be paid naman eh. Honestly speaking, our family's well off and ganun din yung kanila Anne. Hindi nga lang pumapayag si Kirk na isama si Anne pag may classes or school work sya. Or kung hindi nya masasamahan. Or kung daring yung theme ng photoshoot. Sobrang nakakatuwa talaga pag-aalaga ni nerd boy sa kapatid nya.
Complicated na tao si Kirk, kaya siguro ayaw nyang sumama masyado sa iba. Nerd sya, yes. Kasi matalino talaga, and disciplined sa pag-aaral nya. Idol nya yung tito nya eh, di ko maalala yung name. Pero hindi sya boring kasama. Actually, game naman sya sa kahit ano, eh. Fun-loving. Hindi sya yung typical nerd. Pero kung time nya mag-aral, aral talaga. Ang alam ko lang naman na weakness nya ay si Anne. Sobrang mahal nya ang kapatid nya. Hindi rin nila kasama parents nila. Same set-up lang din sa akin. I guess we like to feel the sense of independence. Pero may something sa kanya na hindi masyadong clear sa akin. I've known them almost all my life, pero may part si Kirk na he's guarding.
Gwapo naman si Kirk, actually, isa sya sa pinakagwapo dito. Peor he doesn't recognize it. Hindi ko rin alam kung bakit wala syang girlfriend. I mean, wala akong alam na naging girlfriend nya, EVER. I think naman he can get almost any girl he likes. He's smart, handsome, kind. Almost perfect. Hindi rin naman sya patpatin. May abs nga yun eh. He's hot. The likes of him ang mga naging boyfriend ko, pero I can't imagine na magiging boyfriend ko si Kirk.
"de Bree! Hoy! Kanina pa tapos yung class. Nakatulala ka mula kanina ah! Buti nalang hindi ka pinapansin ni ma'am." may kamay na nagwi-wave sa harap ko. Pagkatingin ko, si Sarah pala. Classmate ko. "Naghihintay na si Prince Kirk sayo. Grabe, sino ka para paghintayin sya?" Grabe, tuwang tuwa syang asarin ako kay Kirk. Alam ko namang may gusto ito kay Kirk eh, pero mas gusto ata nya yung isang friend ni Kirk. Ewan, di naman kami masyadong close, sakto lang.
"PRINCE Kirk? Prince? Tama ba yung pagkarinig ko? Yuck ah. Kelan pa naging prince yun?" Nag-aayos na ako ng gamit. Grabe, props ko lang yung libro ko kanina, di talaga ako nakinig. Basahin ko nalang mamaya yung topic sa book. Makatayo na nga, makikisabay pa ako kay Kirk umuwi. Ayoko magdrive eh.
Habang nagtatawanan sila dun, tumakbo na ako palabas. Asan kaya si Kirk?
~Kirk~
Ang tagal ni Seven. Kasama ko ngayon yung tropa. Wala, nakaupo lang kami dito. Hindi naman ako nagmamadaling umuwi, pero dapat tapos na ang class ni Seven eh.
"Pre, bat parang di ka mapakali dyan?" si Chase yan. Sya na siguro pinaka-kaclose ko sa tropa.
"Nagtanong ka pa, eh malamang si Seven ang iniisip nyan! Miss na nya yun, sigurado. Hahahaha!" pang-aasar pa nitong si Migs. Ex sya ni Seven, pero okay lang sila. Pati si Chase ex ni Seven. Halos lahat naman ata ng ex ni Seven kahit papano nagiging kaibigan nya pa rin. Akala ni Migs may something kami ni Seven, na hinahayaan ko lang syang magpapalit-palit ng boyfriend dahil alam kong hindi sila magtatagal. Seriously? Maganda si Seven, pero hindi naman ako magpapakahirap ng ganun para sa isang babae, kahit pa si Seven yun.
"Siraulo ka Migs. Kanina pa kasi..."
"Hoy nerd boy! Ano pang inuupo-upo mo dyan sa gitna ng mga ex ko?" Tignan mo tong Seven na to. Sya na nga lang nagpahintay sya pa ang mang-aasar at magmamadali. Sumisigaw pa ah.
"Under ka pre? Hahaha!" Sige nagtatawanan na tong dalawang to. Binatukan ko nga pagtayo ko tas pumunta na ako kay Seven. Hayaan mo yung mga yun, lagi namang ganito eh.
Naglalakad na kami ngayon ni Seven papunta sa sasakyan ko. Ewan ko, ginagawa akong driver nitong babaeng to. Hindi naman ako makatanggi, baka magsumbong pa ito kay Anne.
"Ang tagal mo Seven. San ka ba nagpupunta? Buti nalang may project ngayon sila Anne, medyo late sya uuwi."
"Ay grabe, tatay kita? Boyfriend? Kailangan alam ang lahat ng ginagawa ko?" Nambelat pa. Hay nako, di ko din alam kung bakita ang daming nagkakagusto dito. Siga eh. -____-"
"Sumakay ka na nga lang sa kotse. Bakit ba kasi ayaw mo pa magdrive?"
"Nakakatamad eh. Tsaka, nandyan ka naman, bakit ko pa kailangan magdrive?"
Sabi ko nga, mabait talaga sakin tong si Seven. Peaceful naman yung byahe namin pauwi. Minsan asaran, pero mas madalas tahimik lang. Okay na yung ganito. Hindi naman ganun kalayo ang bahay nila Seven sa school, pati yung bahay namin, pero mas comfortable naman nang naka-kotse ako.
"Hoy Seven, mag-aral ka ha! Wag mong impluwensyahan ng masama ang kapatid ko." Paalala ko lang sakanya pagbaba nya ng sasakyan. "ilan lang naman ang exam mo, diba? Si Anne din. Makakapaghintay na yung lakwatsa nyo."
"Yes boss. Ay! Oo nga pala Kirk. May pictorial daw in two weeks for a new ad. Hinahanap kayo. Miss na yung pretty face ni Anne, eh. Don't worry, nothing daring for Anne! Alam naman nila preference mo, eh. Mom called your mom about it na, sabi lang sakin to ask for your approval. Pumayag na si tito at tita."
"Fine. Basta tapos na exams ni Anne, okay lang sa akin."
"Yey! Thanks Kirk! Salamat din for the ride home. Sunduin mo ako bukas ah! See you!" ^__^
"Sure. Bye!"
Uwi na ako. Tinext na ako ni Anne na malapit na silang matapos, hatid na daw sya ng isang friend nya. Magluluto nalang ako ng dinner. Siguradong matutuwa nanaman yun sa pictorial, may bagong clothes nanaman sya after nun eh. Girls.
*ring ring ring ring ring ring ring ring*
Tinabi ko na muna yung sasakyan ko para masagot yung tumatawag.
"Oh, hi tito! Napatawag po kayo?"
***Paroca***
Hi! Facebook profile ni Seven sa external link. :) Ayun lang. :))))
