Seriously?!

22 2 0
                                        

~Kirk~

“Kuyaaaaaaaaa! Gising gising gising gising gising gising!”

Kung makapanggising naman tong si Anne oh. Bakasyon na. Unang bakasyon ko in years, actually. Dati kasi lagi akong may summer classes, pero ngayon relax muna ako. Masama pa? Psh.

“Kuyaaaaaaaaaaaaaaaa!” Sabay pa ng pag-alog sa akin. Hay. Fine, makadilat na ngaAAAAAAAAAAAA!

*boogsh*

Sino yung katabi ko? Putek, bakit may katabi ako? BAKIT LALAKE YUNG KATABI KO?!

Narinig kong tumatawa si Anne sa likod ko. Nakailag sya nung nahulog ako eh. Lintek, nakita ni Anne na may katabi akong lalake? Silipin ko nga uli.

“Anong ginagawa ni Chase dito, Anne?” Tama, si Chase nga yung katabi ko. Hindi ko din alam kung pano sya napunta dito sa kwarto ko.

“Hihihihi! You should have seen your face kuya!” Tuwang tuwa talaga? “Hinatid nya si Ate Ven dito kasi I invited her over for breakfast. I miss her na eh. Then I asked Kuya Chase na rin to eat here, kawawa naman sya na ginawang driver ni Ate Ven. So there, he’s asleep muna while they’re still preparing breakfast.”

They?

“Kung hinatid nya si Seven, eh nasan yung tibong yun?”

“She’s not a tomboy, kuya.” ^___^ “Why are you looking for her? You prefer na sya nalang katabi mo matulog?“ Okay, tuwang tuwa sya sa sinabi nya. -____-” Masama ba magtanong? Hay nako tong batang to.Kung hindi ko lang mahal eh. ^___^

“Sa pagkasiga nun, hindi sya tomboy? Psh. Ayoko yun makatabi, baka mabakla pa yun sakin.“

“Kanina you said tomboy sya, now a gay? Make up your mind kuya! Hahaha!”

“Ah, basta wirdo yun. ARAY!” Takte, lakas ng pagkabatok sakin ah. Gising na pala si Chase. Oo, dahil nga close kami neto, sinasaktan nya ako. Hay nako.

“Pare, hindi wirdo si Sev okay? At lalong hindi sya tomboy. Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikita na ang sexy nya at ang ganda nya?”

“Kailangan mo pang manakit para lang sabihin yan? Takte, mahal mo pa ata sya eh.” Kumg makapuri kasi ito, akala mo sila pa rin.

Takte, namula tong si Chase? Ha! Tama nga ako! Tsk.

“Anne, bakit mo pala ako ginising?“ Onga, bago ko makalimutan.

“Sila tito’s done cooking na. They asked  me to call you na to eat.” ^__^

“Osige, susunod na kami dun. Bubugbugin ko lang tong si Chase.” Inakbayan ko na tong si Chase ng mahigpit hanggang nasakal ko na sya. Hindi nyo ma-imagine? Bahala kayo.

Lumabas na si Anne.

“Tara na! Gutom na ko! Takte pre, binatukan lang kita, wag mo kong patayin!“ Sige na nga, pinakawalan ko na tong lokong to.

“Asan na ba yung si Seven? Akala ko hinatid mo sya dito?” Hindi pa nila sinasagot yung tanong ko eh!

“Nandun, nagluto. Takte, pre. Tinamaan ata sya sa tito mo eh.”

“Selos ka naman? Sus, iba kasi talaga si tito sa mga babae. Nabanggit nya sakin na kaya pala sya nagpunta dito bigla kasi naghiwalay sila nung girlfriend nya sa India. Tsaka, pakialam mo ba sa Seven na yun? You’re better off without her. Amazona yun eh.” Totoo naman diba?

“Kaya nga idol ko tito mo eh. Napa-amo nya si Seven. Pre, tignan mo sila, mukhang babae si Seven! Ayaw kasi maniwala ni Seven na mahal ko sya eh.”

“Sus, imahinasyon mo na yan pre. Tara na dun, nang makita mong wala lang yan. Praning ka lang.”

Lumabas na kami ng kwarto ko at nakita kong nagtatawanan sila Anne dun sa mesa on something that tito said.  Napansin ni Seven na nakalabas na kami.

Wire-rimmed glassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon