TLVL 1

52 0 0
                                    

"My, ayokong iwan sila Dette dito." Sabi ko kay Mama.

"Kailangan, Sam. Mahirap ang buhay dito." hinaplos niya ang buhok kong nakapusod gamit lamang ang isang pencil ni Dette.

"Ako na nagaalaga sakanya dito. Kaya ba siya ni Kuya? Eh, puro barkada yun!" Histerikal na sabi ko.

"Hoy! Narinig ko yon!" Sigaw ni Kuya na ngayon ay pumapasok na sa kwarto ko. Umirap ako at nagpatuloy sa pagaayos nang mga damit ko sa maleta. Katabi ko si Mama sa kama.

"Totoo naman, ah? Puro ka girlfriends! Ewan sayo."

Kumunot noo niya. "Sapakin kita dyan, makikita mo!"

"Sige daw!" Paghahamon ko at tumayo habang tinataas ang sleeve nang aking damit para mas astig tignan.

"Tumigil nga kayo, away nalang kayo nang away. At ikaw Chris, ikaw ang nakakatanda dapat-"

"Ako umitindi! Sus!" ginulo nito ang buhok nito at padabog na umalis nang kwarto ko. Bumehlat pa ako kaya kinalabit ako ni Mama.

"Tapusin mo na to, kausapin ko lang yung kuya mo." ngumiti siya at umalis na nang kwarto ko. Bumuntong hininga ako.

Ginala ko ang mata ko sa masikip kong kwarto. Tumayo at hinaplos ang pinto nang aking banyo. Tinignan ko ang loob nito at halos maluha na ako. Naglakad ako pabalik at tinignan ang kisame na puno nang sticker na stars.

Sobrang mamimiss ko tong kwartong to.

Pinahid ko luha ko at sinarado na ang malaki kong maleta na bili ni Papa saakin kahapon. Flight na namin mamaya, eh. Alas kwatro pa kasi ngayon nang umaga at alas otso flight namin.

Naligo na ako para hindi na hassle mamaya. Matagal akong naligo, isang oras akong nagbabad sa tub nang kinukuskos ang aking buong katawan para mawala ang libag. Diyos ko naman, bakit pa kasi nauso tong mga libag na to.

Lumabas na ako at napiling sumuot nang isang puting shorts at isang itim na damit na may check sa gitna. I also used nike cup habang inaayos ang sintas nang shoes ko. Hindi na muna ako nagpabango, mamaya nalang. Pinatuyo ko ang mahaba kong buhok na hanggang pwet na.

"Ate? Ate..." Tawag ni Dette. Napangiti ako sa kapatid ko.

Lumuhod ako. "Halika, Bernadette."

Tumakbo siya saakin at umiyak. Hindi niya ako niyakap. Nakatayo lang siya at pinapahid ang kanyang luha. Tumawa ako at pinahid na rin iyon. Masyadong maliit ang kanyang daliri.

"Magpapakabait ka dito, ha? Sumbungin mo saakin kung sinasaktan ka ni Kuya."

Napanguso siya at tumango.

"Ikaw talagang babae ka, ano ano sinasabi mo kay Dette!" Sigaw nanaman ni Kuya. I rolled my eyes at tumayo. Lumapit siya saamin at kinarga si Dette na nakanguso parin. Napangiti ako sa sobrang kulot niyabg buhok.

"Halika na, lumayo na tayo sa witch!" Umakto pang babae si Kuya habang tinatakot si Dette.

"Witch?" nanlaki mata ni Dette at niyakap si Kuya nang di man lang nalalaman na ako tinutukoy ni Kuya.

"Baby, come here, gorilla will eat you!" agad kong kinuha si Dette na kumapit din saakin.

"Gorilla?" Takot na tanong niya. Hinaplos ko ulo nito. "Yes."

Napatingala ako kay Kuya tutal matangkad naman to siya. Nanliit ang nata niya saakin.

"Dette, come here na." Tawag ni Papa sa bukana nang aking pinto. Binaba ko si Dette at agad naman siyang tumakbo kay Papa.

"Malapit na tayo aalis, humanda ka na." Sabi ni Papa saakin. Tumango ako at huminga nang malalim.

"O? Nandito ka pa?" Umiling ako kay Kuya na nakatitig lang saakin.

Nagulat ako nang niyakap niya ako! First time in my 18 years of living!

"Ingat ka doon." Kumawala siya at ni-pat ang aking ulo. Kinuha niya ang maleta ko at hinila na pababa.

Nakaawang parin ang labi ko sa ginawa niya. Oh, God. Nasaniban ba siya?

Inayos ko muli ang sarili ko at bumaba na nang aking kwarto. Hinalikan ko pa ang pinto ko pagkasera nito. Dali dali akong bumaba nang sala at nakitang kinakausap ni Mama si Kuya habang pinapatawa naman ni Papa si Dette. Ngumiti ako. What a family.

"Oh! Alas syete na pala..." sabi ni Papa at binaba muna si Dette. Tinignan ko ang phone ko. 7:02 na nga.

"Tara na? Malelate na tayo. Baka traffic pa." Sabi ni Mama at nilapitan si Dette. May sinasabi siya kaya umiiyak na si Dette. Nakausap na siya ni Papa kaya si Papa naman kumausap kay Kuya.

Tumungo muna ako sa kusina at uminom nang tubig.

Bumalik din agad ako. "Say goodbye na kay ate." Tinulak nang bahagya ni Mama si Dette na namumula ang pisngi at labi.

Tumakbo siya saakin at niyakap ako. Hinalikan ko ang noo niya. "Kiss ate."

Nagigil ako sa pisngi niya kaya kinagat ko ito. She pouted.

"Tara na." Sabi ni Papa at naunang lumabas dala dala ang maleta niya at ni Mama. Si Kuya at bumubuhat saakin.

"Chris, yung mga bilin ko, ha? Alagaan mo si Berna. Diyos ko, malalagot ka saakin kapag may nangyari masama sakanya! Alagaan mo! Tatawag kami araw araw."

"Oo na nga." Inis na sabi ni Kuya. Sumunod naman ako sa kotse namin.

Si Papa magdadrive pero pauwi si Kuya na. Nasa front seat si Mama at sabak sabak si bubwit. Katabi ko ang unggoy sa gilid ko. Nasa likod ang mga bagahe namin na dadalhin namin patungong hawaii.

Smooth lang magdrive si Papa and I'm sure kung si Kuya to mamamatay ang kaluluwa namin.

"Wag kang magboyfriend, ha. Binabalaan kita." Biglang nagsalita nang pabulong si Kuya na kami lang makakarinig.

"Kuya naman. Let it be! 18 na ako at wala pa akong naging boyfriend nang dahil sayo." Umurap ako sa kawalan.

"Basta! Sinasabi ko sayo, makikita mo." Giit niya. Humalukipkip ako at nagiwas nang tingin. Bahala ka dyan.

Ilang minuto din ay nakarating na kami sa airport. Halata sa mata ni Kuya na naeexcite siya dahil sa wakas, sakanya na ang sasakyan pero may bahid parin nang lungkot. Ayaw niya lang aminin, it's what he calls pride.

Well, boys... Ipinagkibit balikat ko nalang.

"Sakto pala, tinatawag na flight natin." Sabi ko. Narinig ko ang tawag sa flight namin.

Tumango si Papa at hinalikan si Dette. Ganon din ginawa namin. Hinalikan ako sa ulo ni Kuya at sinuntok ko naman ang matigas niyang tiyan.

"Abs ko... Dad oh!" sumbong niya.

"Abs ka dyan." Humalakhak kami ni Papa.

Pumasok na kami sa airport at kahit malayo na kami ay rinig na rinig ko parin ang iyak ni Dette mula dito. Sumulyap ako at halos mahulog ang puso ko nang makitang kinakarga ni Kuya si Dette na umiiyak. Umiiyak din si Kuya! Shit!

Tumango siya saakin at wala ako ibang nagawa lalo na nang may sinabi niya.

He mouted. "I love you."

"Okay ka lang?" tanong ni Papa nang inakbayan ako. Napansin niya ang paglingon ko. Namumula din mata nito.

"Oo...Opo..." Ngumiti ako at tinignan muli si Kuya pero hindi ko na siya makita.

And that was the last day I ever saw the both of them. Dahil sabi ni Papa at Mama, bakasyon lang. Kaya pumayag ako.

Hindi ko inasahan na mananatili na kami doon.

Ang pansamantala naging permanente...

The Last Virgin LivingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon