TLVL 02

40 0 0
                                    

"Mama, mauna na po ako." Sabi ko kay Mama. Tumango siya habang nagtatype sa laptop niya.

Inayos ko ang bagong gupit kong buhok. Pinalayers ko ito at pinakulot sa gitna pababa.

Nakasuot lang ako nang simpleng sleeveless shirt at pants. Pumara na ako nang masasakyan patungo sa bake shop na pinatayo ni Mama at Papa nang makarating na kami dito. At ako ang inatasan nila dahil may aasikasuhin daw silang bagong negosyo. Okay lang naman, masaya naman akong magtrabaho.

Hindi ko na pinagpatuloy ang college ko dahil wala kaming sapat na pera. Nakikitira lang kami sa tita ko, kapatid ni Papa.

"Goodmorning, Maam!" Bati saakin nang isang empleyado habang naglilinis gamit ang mop.

Ngumiti ako. "Goodmorning, Fiona."

"Sana kasing ganda ko kayo, Maam." bumuntong hininga siya habang tinitignan ang aking mukha. Humalakhak ako.

"Maganda ka naman. No need to be anyone else."

"Hugot!" sumayaw pa siya katulad nang steps na sinasayaw sa bubble gang. Umiling ako at tumungo na sa cashier.

Inayos ko ang buhok ko at tinignan ang kabuuan nang bake shop. Maayos naman. Malinis kaya okay na. Kanina pa ito bukas at may apat pa lamang costumer.

'Ting' hudyat na may costumer.

"Goodmorning, Sir!" Bati ni Fiona. Napailing ako sa pagiging jolly niya. Tapat siyang magtrabaho, kailangan daw para sa pamilya niya.

Lumapit ito saakin at tinignan ang mga nakadisplay na cake sa glass view.

"Can I take your order, Sir?" tanong ko nang nakangiti. Tinanggal niya ang kanyang sun glasses. Kahit di niya pa ito natatanggal, he really is handsome. Makisig siya at nakakatindig balahibo ang titig. Just the usual guys na nakikita ko dito sa hawaii. Everyday. So, nothings new.

Ngumiti siya. "Wag ka nang magenglish, pinoy ako."

Nalaglag ang panga ko. "Di nga? Mestiso naman ikaw..." tinignan ko ang mukha niya. Wala akong makitang kahit anong dugong pinoy. Matangos na ilong, malalalim na mata at kulay blue pa! Makurbang labi, matangkad at mamuscle. Pinoys are not like that. They are settled with simplicity.

"Half, though. Matapang lang ang dugo nang tatay ko. He's half also. But half german and half spanish. My mom is pinoy."

Napasipol ako nang wala sa oras. "Anyway, may ioorder ka ba?"

"You."

"Ha?"

"How about you? Ano sa tingin mo ang masarap?" Bawi niya agad. Napalunok ako sa katangahan ko.

Tama nga naman. Why would he order me? Tssk!

"May bago kaming cake Sir-"

"Calvin. Call me Calvin miss..." tinignan niya ang left breast ko kung saan nakalatay doon ang pangalan ko.

Err...

"Samantha?" Tanong niya. Tumango ako.

"So, creamy apple cake? Good for you?" Tanong ko sakanya. Nagtaas ang kilay niya.

"Yes, please."

Tumango ako at nagsimulang kinuha iyon sa malaking ref kung saan ang mga fresh cakes na kakagawa lang ni Alden na kusinero namin sa kusina, siya ang nagbebake nang cakes. They are trusted kaya okay lang na ibahagi namin ang recipe namin sakanila.

Tinali ko iyon nang mabuti at nilagay sa harapan niya habang nagtatype sa cashier.

"245, Calvin."

Nilahad niya ang gold card niya. Niswipe ko ito at binalik sakanya. Pinatong ko ang resibo sa taas nang box.

"Thankyou, Calvin. Pleade come again."

"Surely." kumindat siya at lumabas na nang shop.

"Bye, Sir!" sigaw ni fiona at bumaling saakin. "Ikaw na, Maam! Ako unang nakikita pero sayo naman tumatagal ang titig." Sumimangot siya at nagpatuloy sa pageentertain sa mga costumers.

Tumawa ako at nilagay ang takas na buhok saaking tenga.

"Fiona, ikaw muna bahala dito. Bibili lang ako."

Tumango si Fiona at nakangising nilagay ang kamay sa noo nito. "Aye, aye! Captain!"

Tinampal ko ang kanyang balikat at nauna nang umalis. Ngayon lang ulit ako nakaalis sa kwarto ko sa bahay. Umiyak ako dahil nalaman kong dito na ako titira. Nung medyo okay na ako, wala naman akong pera pambalik sa manila, naging okay din ako. Nakikisalamuha na ako kina Papa at Mama and here I am.

Naghulog ako nang coin sa isang vending machine para makaorder nang isang soda nang biglang may tumampal saaking pwet!

"Tangina-" napalingon ako at kasabay nun ang paghulo nang soda galing sa machine.

"You're a virgin?" Tanong nang lalakeng nakablonde na may kaakbay na babae.

Nanlaki ang mata ko. Hell! Katabi niya ang girlfriend niya na parang wala lang! At yung tanong niya!

"Anong..." nanliit ang mata ko.

Tinignan nang babae ang aking balakang kaya tinakpan ko ito.

"You are! A virgin... How?" she asks.

Nalaglag ang panga ko lalo na nong hinawakan nung blonde guy ang dibdib ko at minsahe. Puta!

Kinuha ko ang soda at tinapon iyon sa mukha nang lalake. Nagulat silang pareho.

"Fuck! What is wrong with you?" tanong niya habang hinahaplos nang babae ang noo nito.

"Gago!" sabay takbo palayo doon. Kapos ako sa hininga pero tumakbo parin ako makalayo lang sakanila. Who would do that, right? And I'm not even sure what place is this!

Hinahawakan ko pa ang bewang at dibdib ko and heck! They're looking at it too! Lalo na mga lalake! Ganito ba talaga dito? No privacy?

May nadaanan pa akong dalawang nakasandong mga lalake na parang nagjajogging.

Sumipol sila at binaba ang glasses nila sabay tingin sa bewang ko. "Virgin, eh?"

Umiling ako at pumara nang masasakyan para makauwi na agad. Nakahinga naman ako nang malalim habang nagtitipa nang pangtext para kay Fiona.

Ako:

Umuwi ako. Ikaw na bahala dyan.

Nagreply naman siya agad.

Fiona:

Aye, aye, Captain! :D

Tinago ko na ang phone ko at binayaran ang driver sabay labas nang sinasakyan kong kotse. Bumaba ang kanyang window glass. Lumusot ang ulo nang driver. Napalingon tuloy ako.

"Hey! You're a virgin?"

Fuck!

Tumakbo ako papasok sa loob nang bahay at tumambad saakin si Tita na nagluluto.

"Oh? Diba mamaya pa ang serado nang shop? Wala pa parents mo..." wika niya. Nagmano ako at naghanap nang tubig na maiinom. I need to calm myself.

"Namumutla ka. Anong problema? Greedy costumers?" hinawakan niya ang aking noo. Inubos ko ang tubig na inom ko.

"Tita, is this hawaii?" Pagaalinlangan kong tanong. Im shaking! Gosh! Who wouldn't? Sa nangyari saakin kanina? Pwede akong matrauma! And I would lock myself in my room to death!

Nahulog ang panga niya at kinagat ang labi. Bigla siyang humalakhak nang malakas kaya kumunot ang noo ko. Bakit? Anong nangyari? Bakit siya tumatawa?

"This is not hawaii, niece!" Tumawa siya at tinalikuran ako.

What! Where am I?!

The Last Virgin LivingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon