TLVL 12

23 0 0
                                    

Nagising ako sa puti na kisame. Nilibot ko ang mata ko sa buong paligid, I'm sure this is my room. Tumayo ako at hinawakan ang aking ulo.

"Ano bang...nangyari?" hinilot ko ang ulo ko.

"You lost conscious." Isang malalim na boses ang sumagot saakin.

Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat. "M-multo!" malakas na sigaw ko nang nakita si Calvin na nasa harapan ko at sinusuri ang mukha ko. Pinulupot ko ang kamay ko sa tuhod ko.

Lumapit siya. "W-wag kang lumapit! Tulong! Tita! May multo! Waaa!" Sigaw ko habang pilit na tumatayo pero tinaas niya ang dalawang kamay niya para pigilan ako.

"Hindi ako multo, okay?" sinubukan niyang hawakan ang aking kamay na nanginginig sa takot at kaba.

"Ano ka..." iling ko habang tinitignan ang buong katawan niya. Hindi ito ang suot niyang damit nang nasa morgue siya. Maayos na ang lagay niya at mukhang kakashower lang dahil sa basa nang kanyang buhok.

Pumikit ako at sinabunutan ang sarili ko para magising ako sa panaginip na to.

Naramdaman ko ang mainit niyang palad saaking kamay. Tinulak ko siya.

"Hindi panaginip... Sino ka? Ano ka? Paanong?" naguguluhang tanong ko nang di mapakali.

"I didn't die." he admitted. Nagiwas siya nang tingin at bahagyang umupo sa dulo nang kama kaya medyo umuga ito. Nilayo ko ang paa ko sakanya habang niyayakap ang kumot ko.

"Ano?"

Huminga siya nang malalim. "Hindi ako namatay, it's all..." kinagat niya labi niya.

"Anong 'it's all' ang pinagsasabi mo?" mahinahong tanong ko. Kahit kita ko na ang lahat, hindi parin nareregister sa utak ko ang nga nangyayari.

"It's all a big joke. Set up ang lahat. Ang call, ang morgue, lahat..." pagaamin niya at tumingin sa sahig.

Nahulog ang panga ko. Hindi pa agad ako nakagalaw at halos hindi pala ako nakakahinga. Umiling ako at marahas na pinahid ang luha ko.

How could him!

Tumayo ako kahit nahihilo pa rin ako. All I remembered ay yung nagsalita siya nung sinabihan ko siya na mahal na mahal ko siya at ang pagdilim nang paligid.

Hinawakan niya ang aking braso. Sa sobrang laki nang kanyang palad ay parang magkadikitan na ang mga daliri nito around my arm. Agad na dumaloy ang kakaibang kuryente saaking katawan and I hated that feeling.

Pinaharap niya ako sakanya kaya nagkaroon ako nang pagkakataon na sampalin siya. Umigting ang panga niya sa ginawa ko pero nanatili parin ang kamay niya sa isang braso ko.

"Pinagmukha mo akong tanga, Calvin!" sigaw ko. Ramdam ko ang init nang aking mga luha. Tinignan niya ako gamit ang blangkong expresyon.

"You made me believe na namatay ka na! Na patay ka na! Alam mo ba ang ginawa mo?" nanliit ang mata ko sakanya. Tumango siya kasabay non ang pagiisang linya nang kanyang labi.

"Nanloko ka! Masama iyon, Calvin! You can joke and make fool of me pero yung ganon? Namatay ka? Para ano? Sabihin mo nga, para ano-"

"Para mapaamin kang mahal mo rin ako!" sigaw niya pabalik saakin.

Kinapos bigla ang hininga ko sa sonabi niya. Is he kidding? He made all of that set up para lang masabi ko sakanya na mahal ko rin siya?

"That's bullshit..." wika ko sakanya at matalim siyang tinignan.

Huminahon siya and tinuro ang labi ko. "Don't curse."

"Wag mo akong paiiralin." umiling pa ako at binigyan siya nang nandidiring expresyon. Napansin niya ito kaya mas naging maamo ang kanyang matang nanunuya saakin.

"Hindi mo dapat ginawa yon para lang malaman mo na mahal din kita-"

"Yan ang problema sayo, eh. Kahit anong gawin ko, hindi ka aamin. Puro na pride, you're too afraid to risk love because you're scared na baka matapakan ego mo. Dahil pinapairal mo to," Tinuro niya ang gilid nang noo ko. "Na dapat ay ito." turo niya sa heart area ko.

Tinampal ko ito. "Mahal din kita. Mahal na mahal kita na kaya kong mamatay para lang sayo! I love you so much! Ikaw lang ang mahal ko! Ayan! Nasabi ko na, ano? Magpapakamatay ka ulit? Set up ulit? Tangina, sana namatay ka nalang!" tuloy tuloy na sabi ko. Napatuptop ako sa nasabi ko.

Hindi nagbago ang mukha niya at napalitan nang pagkabigo. "Really? You want me to die...instead?" Mahina ang boses niya.

Halos may tumusok saaking puso nang nakita ang kanyang luha na dumadaloy pababa sakanyang pisngi. Napalunok ako pero hindi ko iyon pinahalata. Niloko niya ako. Yun ang mahalaga. Siya ang nauna, laya magdusa siya. I will stand on my rights.

"Ganon ba kahirap umamin na mahal mo rin ako?" Napapaos na tanong niya nang hindi ako nagsalita. Pilit kong ibuka ang aking bunganga pero walang boses na lumalabas. Parang sinasabi saakin na makinig muna ako.

"Mahal kita, hindi pa ako nagmahal nang ganito, Samantha." hikbi niya at hinawakan ang dalawang kamay ko. Hinayaan ko. Ramdam niya ang panginginig nang aking kamay sa galit kaya hinaplos niya ito. Medyo pawis ang kanyang palad.

Pinahid niya muna ang luha niya gamit ang shirt niya. "Wala palang kwenta ang niset up ko." mura niya at bahagya pang tumawa. Tinititigan ko lang siya.

Sinandig niya ang noo niya sa balikat ko. Ramdam ko ang paghagulhol niya.

"Ang sakit lang...malaman mula sa taong mahal mo na gusto niyang mawala na ako..."

Kinagat ko ang labi ko at pumikit. Halos gusto ko na siyang halikan at humingi nang tawad sa nasabi ko. Hindi ko iyon sinasadya pero kahit anong pilit kong magsalita, hindi siya lumalabas.

"Pero patawad...baby, kasi sabi din saakin nang taong mahal ko kanina sa morgue, ayaw niyang mawala ako at mahal niya ako, at yun ang panghahawakan ko."

Randam ko ang init nang hininga niya sa collarbones ko. Pinagsiklop niya ang aming mga daliri at hinalikan ang noo ko bigla. Napapikit ako sa lambing niya. Ang malambot nang kanyang labi na parang iniingatan niya ako.

One fucking kiss and everything is okay! Damn!

"Pero wag kang magalala..." tinignan niya ang mata ko at pinahid ang luha ko.

Napaawang ang labi ko nang hinalikan niya ako bigla. Randam ko ang pananabik at ang pagmamahal niya sa halik na yun. At wala akong nagawa at hinalikan siya pabalik pero lumayo siya agad. Para akong tanga na inaabot ang labi niya pero lumayo siya. Talagang layo, umatras siya yung tipong di ko na siya mahawakan.

"Hindi na ako manggugulo. Huli na to." mariing sabi niya bago niya ako tinalikuran at iniwan sa kwarto.

Umiyak ako buong magdamag. Halos sabunutan ko ang buhok ko sa inis sa sarili ko. Hindi ko alam kung kasalanan ko ba to. Nadala lang naman ako dahil niloko niya ako para mapaamin. Pero bakit kahit alam kong siya ang may kasalanan, parang ako parin? Bakit mali ako?

Dammit! Humingi ako nang huling pagkakataon sa Diyos na mabalik ang panahon para mapatunayan ko sakanya na mahal ko rin siya pero nang dumating na, tinaboy ko naman. Ang bobo ko talaga! Andun na, eh! Pinakawalan ko pa!

"Calvin..." hikbi ko at napahiga sa kama ko. Hindi ko kayang magayos at wala kong lakas para habulin siya. Kailangan kong matulog.

At sa paggising ko, hahanapin ko siya. Aamin na ako. Wala nang paligoy ligoy. It's now or never.

The Last Virgin LivingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon