TLVL 09

19 1 0
                                    

Buong gabi ako umiyak. Hindi alam nila Mama at Papa maskin si Tita. Hindi ko kayang ikwento ang kababuyang naranasan ko. Hindi ko matanggap ang pangyayaring iyon.

Biglang tumunog ang phone ko. Pinahid ko muna mga luha ko at sinagot ang tawag ni Calvin.

"Hey! Nakauwi ka na ba? Kakatapos kang nang inaasikaso ko." Masayang salubong niya.

Ni hindi ako makangiti. "Okay lang."

Isang mahabang katahimikan bago siya nagsalita. "Umiiyak ka ba?"

Umiling ako at kasabay non ang pagtulo nang mga luha ko. Okay lang, tutal di niya naman ito makikita. Kaso natatakot akong magsalita dahil baka mapaos ako.

"Umiiyak ka." Sabi niya sa isang malamig na tono.

Umiling ulit ako. "H-hinde." I choke. Dammit!

"Wait there." Aniya at pinatay ang tawag. Napatingin ako sa phone ko. Anong ibig niyang sabihin? Wait there? Bakit?

Halos di ko na maproseso ang mga naririnig ko. Laging bumabalik sa isip ko ang nangyari kanina.

Isang mensahe ang biglang dumating saakin.

Calvin:

Im outside.

Nanlaki ang mata ko at halos di ko na naayos ang sarili ko. Nakaspagetti strap na damit ako at isang cotton short. Namumugto pa mga mata ko at pulang pula ang ilong ko. Sobrang gulo nang buhok ko pero dali dali akong tumakbo pababa.

Binuksan ko ito. Sumalubong saakin si Calvin na magkasalubong ang kilay at hinihingal pa.

Agad niya akong niyakap nang nakita ang kalagayan ko. I burst my tears out. Ni wala akong lakas na yumakap pabalik.

"Ano ba kasing nangyari?" mahinahing tanong niya. Ramdam ko ang mga labi niya sa braso ko na pabalik balik niyang hinahalik. Pumikit ako at mas diniin ang sarili ko sakanya.

"Shh. Wag ka nang umiyak, shit." Umiling siya at pilit na hinaharap ako pero iniiwas ko ang mukha ko sakanya at dinidikit sa dibdib niya.

Naintindihan niya kaya hinayaan niya akong magmuni-muni muna sa kanyang dibdib.

"Nasaan ka ba nung nangyari yun..." Iyak ko. Hinagkan niya ang aking balikat.

"Anong nangyari? Please, sabihin mo na. Kanina pa ako di mapakali-"

"I was almost raped." I blurted out. Umiiyak parin ako sakanyang dibdib pero nang naramdaman ko ang pagkalas niya saakin, hinarap ko siya. Nakatulala siya saakin.

"A-anong..." Nanliit ang mata niya at nagsisimula nang mangilid ang kanyang luha.

Tumango ako at mabilis na pinahid ang mga luha ko habang nagkakatinginan kaming dalawa.

"You we're almost fucked?!" sigaw niya at agad na sinuntok ang sasakyan niya kaya lumubog ito. Hindi pa siya nakuntento at sinipa pa ang kanyang gulong na parang bibigay na.

"Tama na! Tama na..." Sabi ko at pinigilan siya. Napaluhod siya sa gilid nang kanyang sasakyan at yumuko. Hinarap ko siya at nakitang umiiyak siya. Umiiyak siya nang tahimik.

"Ayos naman a-ako. Muntik lang naman, Calv." Mahinahong sabi ko.

Umiling siya at pinahid ang luha niya. "It's not the point, Samantha. The point is wala ako nong kailangan mo ako! Fucking shit!" Mura niya.

Pinatayo ko siya kahit mabigat siya. Pinahid ko ang luha niya. "Wag ka nang mabahala, n-naiintindihan naman kita."

"Samantha?" Biglang may tumawag saakin mula sa loob nang bahay. Si papa! Napatingin ako sa phone ko. Ala una na pala!

"Bukas, ipapakilala mo saakin kung sino nagligtas sayo." Mariing sabi niya kahit may luha parin ang kanyang mata.

Napangiwi ako. "Tungkol nga pala don-"

"SAM!" sigaw ulit ni Papa. Hinalikan na ako ni Calvin sa noo at mabilis na sumakay sa sasakyan.

Kinagat ko ang labi ko. Ni hindi ko man lang nasabi na ang kapatid niya ang nagligtas saakin.

"Samantha? Anong ginagawa mo dyan? Madaling araw na, ah!" Galit na sigaw ni Papa. Nakasuot siyang sando at isang boxer shorts na hello kitty. Umiling ako, si Mama talaga.

Pumasok na ako at iniwan si Papa doon. Tinignan niya ang labas para tignan kung sino ang pinunta ko. Mabuti nalang at nakapasok na ako sa kwarto bago niya pa ako paulanan nang mga tanong na ayaw kong sagutin. Mas lalo siyang tatanong nang marami kapag nalaman niyang si Calvin yun.

Napabuntong hininga ako.

Kahit may nangyaring masama saakin, hindi ko parin matiis na mapangiti at magpasalamat sa Diyos. Dahil binigyan niya ako nang mapagkatiwalaang kaibigan...kaibigan? Kaibigan.

"Kaya wag na wag ka nang uuwi nang gabi kung di mo ako kasama." Bilin saakin ni Calvin nang sumunod na araw. Kumakain kami ngayon sa shop ko mismo, hinihintay si Arthure.

"Oo na." Tumawa ako. Kanina pa siya pangaral nang pangaral saakin. At halos buong magdamag siyang nakatitig saakin na parang binabantayan ako. Hindi naman ako marerape sa ganitong lugar at umaga pa.

"Nasan na ba yung nagligtas sayo?" Pangungulit niya saakin habang umiinom nang shake. Kumibit balikat ako at nicheck ang phone ko para tignan kung anong oras na.

"You have his number?" Tanong niya.

Ngumuso ako.

"Wala. Tinignan ko lang anong oras na."

Huminga siya nang malalim at tumango. Inayos niya ang collar nang kanyang pink na polo at sumipsip ulit nang shake. Tinaas niya pa ito para mahanap ang sago at tinutusok gamit ang kanyang straw. Para siyang bata, napangiti tuloy ako.

"Goodmorning, Sir!" Bati ni Fiona. Napalingon ako at kumaway kay Arthure na lumilinga sa buong shop. Binaba niya ang shades niya nang nakita ako. Tipid siyang ngumiti at lumapit saakin. Nakatalikod si Calvin kaya di niya ito kita.

Lumingon na rin si Calvin nang nakitang may kangiti akong iba.

"Bro? Anong ginagawa mo dito?" Tumayo si Calvin at nagkamayan sila, bro shake ata.

"I'm here for Samantha." Tumingin siya saakin at ngumiti ulit nang tipid. Ang hirap naman to siyang ipangiti. Tipid lagi.

Teka, nagtagalog si Calvin, naintindihan niya? Nagkahirap hirap ako mag-ingles sakanya kaya naman pala niya ang lenggwahe namin.

"Nakakaintindi ka nang tagalog?"

Tumango siya saakin. "Yes, but I can't speak."

"Siya ang nagligtas sayo? Kapatid ko?" tinuro ni Calvin si Arthure na cool na umuupo sa tabi namin.

"Oo."

"Bakit di mo sinabi agad?" Nalilitong tanong niya at umupo na rin. Nagorder ako nang makakain ni Arthure habang kinakausap tong si Calvin na hindi mapakali. Anong problema nito?

"I tried kagabi. Lagi mo namang iniiba ang topic." Umirap ako sakanya. Kinagat niya ang labi niya at ginulo ang buhok.

"Damn..."

The Last Virgin LivingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon