TLVL 13

20 0 0
                                    

Nagmamadali akong nagising nang gabing iyon. Naligo ako at nagsuot nang isang dress. Wala na akong pakealam kung mabastos ako. Wala na akong pakealam dahil ang importante ay makausap ko si Calvin.

"Tita, aalis lang po ako." Paalam ko sakanya. Hinalikan ko ang pisngi niya.

"Kakain na tayo nang dinner." Aniya.

Umiling na ako at dumeretso sa labas nang bahay para makasakay nang taxi.

"Bar, please." Sabi ko sa driver. Tumango ito at mabilis na nagtungo doon.

Para akong batang ligaw na linga nang linga. Nagbabakasakaling mahuli nang aking paningin ang kanyang kotse o kahit anino niya. Alam ko kasing nagbabar siya tuwing masama ang aura niya.

"Thankyou." Nagpasalamat ako at nagbayad na sa driver. Pagpasok ko palang ay hinarangan na ako nang bouncer at pinasadahan nang tingin ang buong katawan ko.

"You're not welcome here. You're a virgin."

"That's not even an excuse. I need to enter." Sabi ko at sinubukang pumasok pero masyadong malaki ang kanyang katawan at hinarangan ako.

Tumulo luha ko pero pinahid din agad. "I need to be there!" turo ko sa loob nang bar.

"You're a virgin!" giit niya.

"I dont care-"

"Samantha?" biglang may nagtawag saakin mula sa loob nang bar. Kumunot ang noo ko habang kinikilala ang taong tumawag saakin.

"Arthure! Arthure! Tulungan mo akong makapasok!" hikbi ko at pinagsiklop ang aking kamay na parang nagdarasal.

"Let her in, she's with me." sabi niya sa bouncer at tinapik ito sa malaking braso na may mga tattoo. Nagbehlat ako sa bouncer at agad kumapit sa braso ni Arthure para makapasok na sa loob.

Medyo mausok kaya naubo ako. "Why are you here, anyway?" malakas na tanong niya. Mabuti nalang at narinig ko siya sa lakas ba naman nang hiyawan dahil sa magandang tugtog. Smokes and alcohols are all over the bar.

"Nandito ako para kay Calvin. Is he here?"

Napalunok siya at nagkamot nang batok. Hinuli ko ang tingin niya pero umiwas parin. Kinalabit ko.

"Uy, bakit? Andito siya? Saan?" pinalibot ko ang paningin ko sa buong bar. Puro usok ang nakikita ko, sumasakit na nga ang aking mata.

"We need to get out of here-"

"Bakit? Saan nga si Calvin?" giit ko at niyugyog ang kanyang braso kung saan ako nakakapit.

Tinignan niya ako at dahan dahang tinignan ang sa likod ko. Agad akong tumalikod para tignan anong nasa likod.

At doon lang naman si Calvin na may kahalikang babae. Ang kamay niya at nasa buhok nang babae at ang isa ay nasa hita. Dinidiin nila ang katwan nila sa isa't isa. Maganda ang babae. Sobrang puti, blonde ang buhok nito at maganda ang mga make up sa mata. Nakahighwaist shorts ito at isang pulang tube. Nahiya ako sa suot kong zibrang dress.

That's his types.

"C-calvin?" Tawag ko, naninigurado pero hinawakan ni Arthure ang braso ko at pinipigilan sa paglapit.

Tumulo na ang luha ko at natutulak na nang mga tao sa kakasayaw pero wala ako ibang makita kundi ang paghahalikan nila. Pareho silang nakapikit at parang sarap na sarap sa sarili.

Napailing ako at pilit na ngumingiti. Mahal niya ako, eh. Kaya yan! Mahal niya ako! Baka napupuling lang siya, baka iniisip niya na ako yun. Pwede naman ganon, diba? Baka lasing lang! Oo! Tama, lasing lang siya! Ang alam ko kasi, kapag lasing ka, ano anong imahinasyon ang naiisip mo.

The Last Virgin LivingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon