TLVL 18

22 0 0
                                    

Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako dahil kame na ulit ni Calvin o magiging malungkot dahil nawala na ang pinakaiiningatan ko. Sabi ko kasi sa sarili ko, pagkatapos nang kasal ko ay doon ko palang ibabahagi ang hita ko pero iba pala kapag nandyan na, hindi mo na mapigil lalo na't ang taong mahal mo ang kaharap mo.

Nagising ako sa malakas na ingay nang phone ko. Dinampot ko ito at sinagot.

"Goodmorning, gorgeous!" boses ni Calvin. Napamulat ako at ngumiti.

"Goodmorning..."

"Musta ka?" tanong niya gamit ang isang malambing na boses. Simple things pero napapakilig ako.

"Ano ka ba, okay lang." humalakhak ako.

"May iniwan nga pala akong regalo sayo sa baba, kunin mo nalang." Aniya.

Napaupo ako sa kama at napahawak sa ulo ko. Medyo nahilo kasi ako. "Para saan naman yun?" natatawang tanong ko habang sinusuot ang slippers kong pambahay.

Lumabas ako habang nasa linya pa siya. Sa sala, nakita ko ang isang malaking box na may ribbon sa itaas at isang bulaklak sa gilid nito. Binuhat ko ito patungong kwarto.

"Well, you can already use that." Sabi niya. Tumango ako at niloudspeaker ito at pinatong ang phone sa maliit na table sa gilid nang kama ko.

Binuksan ko ito at nakitang nga shorts at sleeveless. Tinignan ko ang price tag pero wala ito. Tinignan ko nalang ang brand.

"Calvin! Ang mahal naman nito!" reklamo ko sakanya. Narinig ko ang mahihinang tawa niya.

"Sorry, naexcite lang ako. Ang gaganda kasi. Sukatin mo..."

Umiling ako at kinuha ito. Maganda nga ito, hapit na hapit saaking balakang at legs. Maganda siya tignan lalo na't mahaba at maputi ang legs ko.

"Baby, aalis na ako." sabi niya. Tumakbo ako galing banyo patungo sa phone ko. "Sige, salamat."

"I love you." buntong hininga niya.

"I love you too." sagot ko at binaba na ang linya. Hinubad ko na ang shorts na binigay niya at nilagay ang mga bulaklak sa isang malinis na vase.

Walang trabaho ngayon kaya naisipan ko nalang din bilhan si Calvin nang mga damit pambawi sa binigay niya saakin. Sinuot ko ang shorts na bigay niya at nagdamit nang floral. I used shoes at nilugay ang buhok ko. This will do.

Bumaba ako nang kwarto at naghanap nang tao pero wala ata sila. Kumibit balikat nalang ako at nilock na ang pinto habang palabas nang bahay at agarang nagsakay nang taxi.

Hindi tulad noon, hindi na masasama tingin nila saakin. Ganito pala ang feeling na walang may pakeaalm sayo. You just felt the freedom that I didnt expirience the first time.

Tinext ko muna si Calvin, baka magkita kami doon at hindi na suprise.

Ako:

Nasaan ka?

Matagal bago siya nagreply. Baka busy. Mga limang minuto.

Calvin:

Nasa gym, kasama ko ate ko. :)

Tumango ako at hindi na nagreply. Baka mabuko pa ako at malamang pupunta ako sa mall. Nakangiting aso pa ako nang nagbayad na ako sa driver at masayang lumabas nang taxi. Walang tumitingin saakin. Sulyap lang pero hindi na tumatagal sa balakang. Ngayon, sa mukha na. Damn.

Taas noo akong pumasok sa loob nang mall. Nililibot ko ang paningin ko sa mga male boutiqes. Saan kaya maganda, no?

Sinubukan kong pumasok sa isang mamahaling shop. Magaganda ang mga disenyo nang mga shirts. Hinawakan ko tito, mmatibay siya at 100% cotton. Nahuli nang tingin ko ang isang shirt na napakaganda nang disenyo.

The Last Virgin LivingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon