TLVL 08

29 1 0
                                    

"Fiona, halika nga..." Tinawag ko si Fiona na nakaupo habang naghihintay na costumer na pwedeng mabati. Maagap siyang lumapit saakin sa counter.

"Bakit, Maam?"

Umubo muna ako. "Ano ibig sabihin nang..." halos di ko makapa ang salitang dapat kong bigkasin.

"Nang?"

"Yung 'more than friends'?" nanliit ang mata ko. Alam ko naman ang ibig sabihin non, kaso naninigurado lang ako. Masyado ba naman kasing dry tong lablayp ko kaya ayun.

"Sus! Maam, naman! It means na type ka non! Kumbaga ayaw niyang friends lang kayo!"

"Like, bestfriends?"

Sumimangot siya at kinati ang braided niyang buhok. "Maam, kapag ayaw nang lalake maging kaibigan kayo, yun ay dahil gusto niyang maging ka-ibigan kayo! Tadaa!" pumalakpak siya na parang bilib sa sarili.

Napatango ako at ngumiti na sakanya kaso masyado lang talaga siyang madaldal at chismosa.

"Bakit, Maam? Sino nagsabi non? Si Sir Calvin, ba? Ha?" sumundot pa siya at tinaas baba ang dalawang kilay nito.

Umiling ako at napatawa na rin. "Bumalik ka na doon, Fiona."

"Sus, mala-showbiz ka rin, Maam." tinalikuran niya na ako at umupo muli sa inuupuan niya sa tabi nang glass door.

Biglang pumasok si Alden na pawis na pawis. "Oy! Late ka! Lintek na bata to!" pabiro pang tinampal ni Fiona ang pwet ni Alden na namumutla.

Mas matanda kasi si Fiona saaming dalawa pero mas matanda saakin si Alden. Lumapit siya saakin.

"Sorry, Maam. Sorry late ako." yumuko siya. Ngumiti lang ako at tumango. Medyo naaamoy ko na ang amoy pawis niya pero di ko pinahalata. Ayaw ko namang masaktan siya.

"Sus! Bawasan mo nang sweldo, Maam!" Malakas na sigaw ni Fiona kaya napatingin mga costumers na umiinom nang kape.

Napatingin ako kay Alden na nakatayo parin sa harapan ko. Medyo naamoy ko na talaga siya.

"Okay lang, pumasok ka na." pasimpleng bugaw ko.

"Salamat." aniya at nagmamadaling pumasok sa kusina.

Huminga ako nang malalim at nicheck ang phone ko. Halos kapusin ako nang hininga nang nakitang may mensahe si Calvin.

Calvin:

Hindi kita maiuuwi mamaya, may aasikasuhin lang ako. :)

Napangiti ako habang nagtitipa nang reply.

Ako:

Okay lang. You're not my driver anyway.

Nagulat ako nang nagreply siya. Akala ko busy siya ngayon. Halos mapunit ang labi ko sa sobrang lapad nang ngisi ko.

Calvin:

Im willing...

Kinagat ko ang labi ko at nilagay ang palad ko sa mukha. Masyado nang mainit ang mukha ko. Shit, I can't help but to feel the butterflies in my stomach! Ano ito?

Naalala ko pa nung highschool ako. May kababata akong may gusto sa isang lalake. Puro siya kilig at lagi niyang sinasabi na may butterflies daw sa tiyan niya. Nagtataka pa nga ako paano iyon. I didn't know na hindi talaga yun ang ibig sabihin.

Ito na kaya ito?

Hinaplos ko ang tiyan ko.

"Buntis ka ba, Maam?"

The Last Virgin LivingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon