TLVL 07

30 1 0
                                    

"Bakit ka pa kasi lumabas, ha? Yan tuloy." Sigaw ko sakanya nang nakitang pinagpapawisan ang gago.

Pinahid niya ang pawisan niyang noo at hinawakan ang kamay ko.

"Ano ka ba!"

Hindi niya ito binitawan. Hinawakan niya lang ito at pumikit. Nanlalamig ang kamay niya at pagdilat niya, pumungay ang kanyang mga mata.

"Pasok na tayo." aniya.

Wala akong nagawa kundi ang tumango at pumasok na. Nasa gilid ko si Calvin na halatang di mapakali. Bakit ba? Kakain lang naman siguro nang dinner. Wala namang meaning. Hindi naman siya boyfriend ko.

"Mama." Tawag ko. Lumingon si Mama at ngumiti saakin. Nagmano ako at pinakita si Calvin.

"Oh! Bagong kaibigan? Tara dito..." nauna si Mama sa loob nang kusina. Naabutan ko si Tita na tumatawa habang kausap ang kanyang kapatid na aking ama. Natigil sa pagtawa si Papa nang nakita si Calvin na parang basang sisiw sa gilid.

"Tita." Nagmano ako kay Tita. Nagtrapo siya nang basang kamay sa kanyang damit at masayang naglahad nang upuan kay Calvin sa harapan mismo ni Papa.

Umupo ako sa gilid niya, si Mama naman ay kay Papa.

"Kaibigan mo, Sam?" tanong agad ni Papa nang kumuha ako nang kanin. Ako na naglagay kay Calvin na parang tanga na hindi gumagalaw.

"Opo, Pa." Kumuha ako nang ulam at nilagyan si Calvin. Nakatitig lang sina Mama at Tita na parang hindi alam anong gawin. Nakangiti nang hilaw si Tita.

"Wala bang kamay si Calvin, Sam?"

"A-ah! Hehe, sorry po..." nataranta si Calvin at kinuha ang ulam mula saakin at siya na mismo naglagay para saaming dalawa. Nagsalin pa siya nang juice kahit nanginginig ang kamay niya.

Napabuga ako nang hangin. "Dad..."

Kumibit balikat si Papa at kumain na. Tahimik kaming kumakain.

"Saan kayo nagkakilala?" Tanong ni Mama nang nakangiti.

"Sa s-shop po." Sagot niya. Tumango si Tita at ngumiti nang makahulugan.

"Paano?" si Papa.

"Ha?"

"Pa, nagbili siya nang cake. Yun na." iritadong sabi ko. Nakakainis na kasi ang pagiging strikto ni Papa. Ganyan siya sa mga pinapakilala kong mga kaibigan kaya halos ayaw nang bumalik nang bahay ko ang mga naipakilala ko kay Papa.

"Kailangan na po niya umalis." Tumayo ako bigla. Tumingin saakin si Calvin at uminom agad nang juice sabay tayo.

"Opo." Tumango si Calvin at tumiklop sa sinabi ni Papa. "Balik ka, ha."

Hinila ko na si Calvin palabas nang bahay. Pagkalabas nang gate, agad niya akong niyakap.

"Oy!" nabigla ako. Nanginginig siya kaya hinarap ko siya at handang ipahid ang luha niya sa takot kay Papa pero iba ang nadatnan ko. Nakangisi siya.

"Salamat! Napakilala mo na ako sa pamilya mo!" Sigaw niya at sumuntok sa ere.

"Bakit ka masaya? Para lang don?"

Napakamot siya sa batok. "Ah, diba doon naman nagsisimula?"

"Sa? Sa kanin?"

Kinagat niya ang labi niya. "Hinde, sa kaibigan." kumindat siya at pumasok na sa kotse. Bago pa ako makasagot, bumusina na agad siya.

The Last Virgin LivingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon