TLVL 15

19 0 0
                                    

Sinampal ko siya nang malakas. May napatingin saaming mga tao pero binalewala din. Nanatili siyang ganon ang mukha, walang bahid na galit.

"Anong halik ang pinagsasabi mo?"

Tumawa siya nang mapakla. "Hindi ka na pala malandi...sinungaling pa."

Sinampal ko ulit at nagsimula nang umiyak. Hindi niya ako pinigilan, hinayaan niya akong sampalin siya.

"Walang hiya ka!" iyak ko sakanya. Nakikita ko ang pagiigting nang kanyang panga habang tinitignan ang mga luha ko sa pisngi.

"Akala mo hindi ko kayo nakita sa parking lot kagabi? Hindi ako tanga, Samantha. Nakita ko-"

"Oh? Talaga? Paano mo naman kami makikita kung may milagrong nangyayari sa higad mo-"

"She's Elleine, Samantha." Giit niya.

Umusok ang ilong ko sa galit. Ginulo ko ang buhok ko at pumasok sa cubicle. Narinig ko ang pagsunod niya pero hinde na sa loob kasama ako. Sa labas lang siya. Pinahid ko ang luha ko at pumikit. Ang sakit, shit. Hindi ko alam paano ko siya haharapin. Wala na akong ganang magexplain. Ayaw niya saakin? Pwes, ayaw ko rin sakanya.

Sawa na akong nageffort sa lalakeng binabalewala ito. Might as well give it to someone who is more deserving.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan nang cubicle at nakitang wala na ni anino niya. Nakahinga ako nang malalim at naghugas nang kamay.

"Looking for me?" narinig ko ang pagbukas nang isang cubicle at nakitang nakahalukipkip doon si Calvin.

I rolled my eyes at him as I close the faucet. Naghanap ako nang pampahid sa basang kamay nang biglang tumikhim ang kasama kong unggoy. Tinignan ko siya sa salamin sa harapan namin.

"You can use my shirt..." Aniya.

Hindi ko siya pinansin at lumabas nang banyo nang bigla niyang hinawakan ang braso ko. Galit ko siyang tinignan kaya tumawa ito.

"Easy..." ngumisi siya. Tinulak ko siya sa dibdib. Tinignan niya ang dibdib niya kung saan ko tinulak at binalik ang tingin saakin. Asshole!

Tinalikuran ko siya pero hinawakan niya muli ang braso ko.

"Ano ba, Calv! Dont act like nothing happened!" Sigaw ko sakanya. Hindi nawala ang ngisi sakanyang labi. How could he do that reactions matapos niya akong sumbatan kanina?

"Anong nangyari saatin? Anong ibig mong sabihin?" malainosenteng tanong niya saakin at ngumunguso.

Nagiwas ako nang tingin sakanyang labi. "Get lost, Calvin. Because I'm quitting on you." bulong ko.

Humigpit ang hawak niya sa braso ko at pilit na hinuhuli ang tingin ko. Nakangisi siya pero bakas sa mata niya ang galit, nagaapoy na galit.

"Don't ever say that, because we're not in the same page." Aniya at iniwan ako sa banyo. Galit akong tumingin sakanya na niyayaya nang umuwi si Elleine. Kumunot noo nang babae at tumango nalang at sumama kay Calvin na seryoso ang tingin sa paligid. Iniiwan si Elleine sa likod.

Nang umalis na sila, tumungo na ako kay Arthure. "Sorry, natagalan."

Ngumiti siya. "Did you guys talk?"

Tumango ako at tinignan ang cake ko na may dalawang kagat palang. Ubos na ang cake niya at tanging tubig nalang ang iniinom niya.

"Arthure, pwede mo ba akong samahan magbar?"

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Kumibit balikat ako sakanya. I just want to forget. Matapos nang nalaman ko kay Calvin na nakipagtalik sa great love niya, gusto ko lang makalimot. Pagod na akong magmakaawa nang atensyon sakanya. Uhaw ako sa atensyon pagdating sakanya, hanggang ngayon pero hindi na ito ang tamang pagkakataon. I need to let it go.

The Last Virgin LivingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon