Prologo

11.7K 183 51
                                    

Tunghayan ang iyong KAPALARAN.

    “Parating na ang katuparan sa napagkasunduan….”

      Pakiramdam ni Iya ay nasayang ang pera niya sa pagpapahula sa matandang mukha na-good time lang siya. Ganoon pa man, gusto pa rin niya magsaya kaysa manghinayang sa pera niya dahil ginaganap ang Haliya, ang pagdiriwang ng Syaka para sa mga babaylan. Naniniwala ang mga taga-Syaka na noong unang panahon, niligtas ng mga babaylan ang mundo mula sa mga pagkawasak nito, kaya pinagdiriwang ang Haliya bilang paggunita sa kanilang ala-ala. Ngayon din ang ikalabing-walong kaarawan niya. Linghid sa kanyang kaalaman na magkakatotoo na pala ang hinula sa kanya.

     Ang turo sa atin ng mga guro natin, kathang-isip lamang ang mga engkanto, aswang, mangkukulam, manananggal at tikbalang. Hindi sila totoo. Eh bakit pala nila hinahabol si Iya?

     Tuwing isang-daan at labing-isang taon, ipinapanganak ang Dayanghirang, ang pinakamalakas na Babaylan. Dumating na muli ang Mutya ng Liwanag at Dilim, ang susi sa pagkaligtas at pagkagunaw ng sangkatauhan!

DayanghirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon