Yey! Nakapag-update na ako sa wakas! (Jump jump :-D ) Una, salamat po sa tiwala ninyong lahat! Ang galing, 10k reads na tayo! Masaya ako na kahit minsan ay tumatapak ng #1 ang Dayanghirang pero nothing rewards me more; basa, boto at komento lang ninyo solved na ako.
Sorry sa super late update. I really caught myself sa trabaho kaya salamat po sa matindi ninyong pag-intindi sa sitwasyon ko. Kaya alay ko sa inyo ang isang mahabang update. Kaibigan kong nicnicnicnic, dahil masaya akong makita na nag-update ka na sa Daraga, this update of mine is for you as well. Hope you like it.
Mananahimik na si Kuya Lawrence. Ito na ang update, enjoy! :-)
----
“May katanungan pa ba kayo?” pahabol ni Lupe kina Haliya, Rosendo, Bidasari at Venus.
“Uulitin ko lang ang napag-usapan natin,” umpisa ni Bidasari. “Nais ninyong pumuslit tayo sa Tawalisi ngayon, dalawang araw bago ang paglusob ng puwersa nila dahil sa pangamba ninyo sa tatlong bagay: ang mga mananawal sa pamumuno ni Orasyones Zita, ang puwersa ng Kayumanggi sa pamumuno ni Heneral Kasimira at ang kanyang kanang kamay, si Saturnina Tresmaria, ang nakakatanda ninyong kapatid na isang babaylan ni Loos Klagan.”
“Tama ka, Prinsesa Bidasari,” pagkumpirma ni Guadalupe.
“This will be difficult,” na may kasamang pag-iling ni Rosendo habang nakakusot ang kanyang noo at magkasalubong ang mga kilay.
“Mahirap, pero hindi imposible,” pahabol ni Ara. “Sasama kami sa inyo, kagaya ng ating napagplanuhan.”
“Wala na ba talagang ibang paraan kundi ang lumaban?”
Nabagabag ang mga damdamin ng mga Tresmaria sa mga salitang namutawi sa labi ni Haliya. Ninais sumagot ni Laguna subalit naunahan siya ni Guadalupe na lubhang mataas ang timbre ng boses na may bakas ng galit at inis.
“Dayanghirang, may mga pagkakataong hindi mapapakinabangan ang mga negosasyon at pagpupulong. Matagal nang nais ng pangulo ng Tawalisi, si Marcus, ang pagkakataong ito. Magsisilbing bingi ang kanyang tenga sa kahit anong apela para sa isang mapayapang pag-uusap. Kung wala na kayong nais pang sabihin, makakaalis na kayong lahat upang maghanda. Mga kapatid ko, may dapat pa tayong pag-usapan. Maiwan muna kayo dito.”
Mabigat ang dibdib ni Haliya habang naglalakad siya palabas ng silid ng mga Tresmaria. Nabatid ito ni Rosendo subalit kahit ang binata ay walang magawa. Sang-ayon siya sa nais ni Guadalupe. Maging si Bidasari at Venus at walang pagtutol sa plano ng ni Lupe. Marahil inosente ang dayanghirang; o marahil, buong puso lamang niyang pinagdadasal na kung maiwasan ay huwag sanang patunugin ang kanyon ng gera’t digmaan.
----
“Case number 29. Subject: Bertud. There has been a lot of theories and debates regarding the existence of the parapsychophysical phenomena elicited by the bertud. Ang sabi ng iba, the bertud is the resulting and binding agreement between a babaylan and his or her corresponding lakan or lakambini. However, further research shows that there is more to it that meets the eye. Marahil ang bertud ay nagawa din upang may magamit na sandata ang mga babaylan na lubhang nakaasa ang mga kapangyarihan sa kanilang ka-kasunduan. Subalit paano nga ba nabubuo o nagagawa ng isang lakan o lakambini ang isang bertud? Maraming paliwanag, subalit ang nananatili at pinaniniwalaan kong dahilan ay ang puso, ang damdamin ng babaylan. Marahil, ang bertud ay bunga ng damdamin ng isang babaylan during the time na kaharap niya ang kanyang lakan o lakambini. Maaring nagawa ang mga bertud sa wangis ng pangangailangan ng babaylan sa mga oras na nakatagpo niya ang kanyang ka-kasunduan. Marami pa akong nainis idagdag sa aking pananaliksik at sa ngayon ay--”
BINABASA MO ANG
Dayanghirang
Fantasy=Book 1 of 2 of the Babaylan Duology Parating na ang katuparan sa napagkasunduan.... Ihanda ang daanan ng dayanghirang.... Ang pangako ng mga babaylan ay maisasakatuparan.... Lakan at Lakambini, magbigay-galang!