Hi guys! Ang galing, 59k na pala ang reads ni Dayanghirang! Salamat sa nagbabagang suporta ninyo kahit nagngingitngit na sa sobrang nakakanginig na eksena ang aking akda! Sana 'wag kayong magsawang magpamalas ng pagsuporta hindi lamang sa akin; sana pati sa mga kabaro ko na His-Fic writers ay ma-extend din ang support ninyo. :)
Inaalay ko ang update ko kay @88season_lovers88 ang update na ito. Masasagot ko na ang mga tanong mo sa nakaraang kabanata ko. Sana mag-enjoy kayong lahat! :)
-Kuya Lawrence :p
----
“Can you buy me five minutes?” tanong ni Lilagretha kina Simeon at Selina.
“Hindi ko maipapangako na malulubos mo ang limang minuto, Lily. ‘Wag mong kalimutan, miyembro ng Konseho si Sa-O.” paliwanag naman ni Simeon sa rani ng Minolo.
“Work your ass already. Stop complaining.” banat naman ni Selina na maagap na pumikit at itinaas ang mga kamay sa langit. “Alam mo na ang gagawin, Simeon.” utos ng babaeng babaylan na tiwalang naintidihan ng doktor kung ano ang kanyang ibig sabihin.
Matapos magbilin ni Selina kay Simeon, biglang sumama ang panahon sa Nybes. Biglang umulan ng malakas na niyebe sa paligid at mabilis nitong pinababa ang temperatura ng kapaligiran. Binagyo ng yelo ang maitim na kaulapan na ginawa ni Sa-O mula sa binasag na banga ng kibaan. Napabagal ng atake ni Selina ang pamumuno ng usok bilang isang halimaw. Lubhang malakas ang buhos ng niyebe kaya’t halos wala nang makita ang batang miyembro ng Konseho na nabigong makita kung ano ang pinaplano nina Lilagretha at Simeon.
Biglang nagwala ang lupa matapos magsilabasan ang mga matatalas na ugat ng Piedras Platas na kulay kristal. Hindi nakita ni Sa-O na pinalabas pala ni Simeon ang mahiwagang puno upang gamitin na pang-atake. Hindi pa nakuntento ang lalaking babaylan at kumumpas gamit ang kanyang kanang kamay. Mula sa pinakatuktok na bahagi ng mahiwagang puno ay tumalsik ang mga malalaking bunga na kasinglaki ng mga bala ng kanyon na pabulusok na lumipad patungo sa batang kibaan.
“MAHINA.” yamot na sambit na Sa-O na nagliyab sa pula ang mga mata at masamang tumitig sa itim na usok na nagmula sa binasag niyang banga. Namuo ang usok at naging isang nilalang na gahigante sa laki. Kulay itim at pula ang halimaw na may tatlong matatalas na sungay sa ulo, tatlong dilaw na mata, dalawang bibig na puspos ng matatalim na pulang pangil, maskuladong itim at pulang pangangatawan at tanging usok ang kalahati ng katawan simula bewang pababa. Nagtataglay ng ubod na laki na pakpak ang halimaw na butas-butas at kawangis ng pakpak ng paniki. Kumumpas lamang ng malakas ang halimaw gamit ang mga kamay nito na tadtad ng makakapal na balahibo na nagsilbing nitong baluti laban sa atake ni Simeon.
“I’m not done with you yet!” galit na sigaw ni Selina na marahas na pinalakpak ang mga kamay at madiin na piniga ang mga ito. Sinundan ito ng mabilis na paninigas ng mga niyebe sa katawan ng halimaw sa banga na kumulong dito nang walang kalaban-laban.
“HANGAL.” bagot na pahayag ni Sa-O na pinitik lamang nang malakas ang kanyang mga daliri sa kaliwa niyang kamay; sinundan ito ng mablis na pagkalusaw ng halimaw sa banga mula sa loob ng yelong kulungan! Nawalan ito ng laman! “ATAKE.” na sinabayan pa ng pagpitik niya muli ng kanyang kamay at biglang nabuo muli ang katawan ng halimaw sa banga na mabilis na lumusob kay Selina.
“You’re not the only one with tricks up your sleeves!” bulyaw ni Selina kay Sa-O. Buong-lakas na sinuntok ng halimaw sa banga si Selina ngunit hindi man lang nasaktan ang babaeng babaylan! Nayanig ang lupa sa sobrang lakas ng atake ngunit bakit walang pinsala ang babaylan ni Amansinaya.
Naiinis na nagkomento si Sa-O matapos niyang mapagtanto ang dahilan kung bakit nabigo ang kanyang halimaw. “Salamin.” sambit ng batang kibaan.
Nalahad na sa masusing pagtitig ni Sa-O sa imahe ni Selina, isa lamang repleksyon ng babaeng babaylan mula sa salamin na gawa sa yelo ang nasuntok ng halimaw sa banga. Huli na noong lumingon ang batang kibaan sa kanyang kaliwa; natanggap ng matambok niyang pisngi ang nagngingitngit na sapak ni Selina mula sa kanyang kanang kamay na balot na balot sa matigas na yelo.
BINABASA MO ANG
Dayanghirang
Fantasy=Book 1 of 2 of the Babaylan Duology Parating na ang katuparan sa napagkasunduan.... Ihanda ang daanan ng dayanghirang.... Ang pangako ng mga babaylan ay maisasakatuparan.... Lakan at Lakambini, magbigay-galang!