Hiya! Ang galing 20k reads na pala tayo! Allow me to thank every commentator, voter and reader for getting Dayanghirang this far. This is nothing without all of you, so thank you very much (bows down)!
Sorry kung nahuli ang update ko, naipit kasi ako sa trabaho ko kaya't medyo mahaba nag update na ito upang makabawi ako sa matagal ninyong paghihintay.
Mga mahal kong mga mambabasa, magsimula po ngayon ay mga PAPATAYIN na ako na tauhan sa aking kuwento. Bakit? Para may growth tayo sa story, at siyempre, para hindi over-populated ang inyong isipan sa mga pangalan nilang lahat. Bukod sa lahat, ang pagpatay sa ibang tauhan ay nagbibigay sa kanila ng significance o mahalagang contribution sa story, one way or another.
Inaalay ko ang aking kabanata kay @sally3612, sana maibigan mo ang aking update!
Tama na satsat, ito na!
-Kuya Lawrence
----
Mailalarawan ang sitwasyon sa Calamian sa isang lonang pininturahan ng dugo at iginuhit sa galit at pighati. Ang pulutong ng mga mananawal at sundalo ng Tawalisi ay sumusugod patungo sa susunod na bayan at walang makapigil sa kanila. Ang mga Tresmaria ay abala kay Saturnina; sina Rosendo, Venus at Bidasari ay hindi makaalis sa harang na ginawa ni Orasyones, at ang dayanghirang ay sinasagupa si Kasimira. Nagmamasid mula sa kaligtasan ng kalayuan ang may pakana ng buong digmaan, si Marcus. Masayang nanonood sa digmaan ang pinuno gamit ang teleskopyo, at wiling-wili siya sa mga kaganapan na kanyang natutunghayan.
“Mahusay, Kasimira. Magaling, Orasyones at Saturnina.” tuwang-tuwang komento ni Marcus habang naliligalig sa mga nakikita niya gamit ang teleskopyo. Kasinglaki ng aparador si Marcus, lubhang mataba ang pangulo at mula sa mga gusot ng kanyang pisngi ay mababakas ang kanyang katandaan. Sargo ang kanyang ilong at may dalawang malalaking bukol siya sa kanyang noo. Kahit anong sipag pagtakpan ng pabango ay hindi maitago ang mabahong amoy ni Marcus. Nagkikiskisan ang kanyang mga ngipin kakangisi, dala na din marahil ng kanyang kasiyahan hingil sa estado ng mga pangyayari sa digmaan.
“Ayon sa lahat ang mga kaganapan,” habang kumakain ng pritong hita ng manok at mabilis na lumulunok si Marcus, “Kaunti na lang; akin na ang Calamian, ayon na din sa utos ng Banwa. Kahit ang dayanghirang ay walang nagawa sa akin, lalo na sa aking manika! Hahahaha!” sabay lunok sa kaawa-awang nalalabing piraso ng pritong manok.
Nakadama ng malupit at matalas na presensya si Marcus. Gumuhit ang malabakulaw na espiritwal na presensya mula sa direksyong patungo ang kanyang hukbo. Napatayo siya ng mabilis mula sa upuan at kahit bumara pa ang kanyang katawan sa makitid niyang trono, dala na din ng takot at pangamba. Dumating ang maaaring makasira sa lahat ng kanyang plano.
“ANONG GINAGAWA NG BABAENG IYON DITO!” galit na sigaw ni Marcus na nadurog ang buto ng manok na kanyang tutop sa kanyang kanang kamay.
At mayroong malaking tore ng liwanag na bumagsak mula sa kalangitan.
----
Napukaw ang atensyon nina Saturnina, Orasyones at Kasimira sa lakas ng kidlat na hinukay ang isang bundok at ginawa itong lambak. Gamit ni Haliya ang halmista ni Kidu ngunit hindi sa kanya nanggaling ang atake. Matapos mapawi ang usok na ginawa ng alikabok mula sa pagkakaguho ng bundok, naaninag ang isang babaeng nakasuot ng pulang blusa na may simbolo ng kidlat at asul na pantalon na may simbolo ng hangin. Hanggang sakong ang kanyang mahaba at maalon na itim na buhok. Mapanuya siyang nakangiti habang pinagmamalaki niya ang kanyang dalawang biloy sa mga mananawal at sundalo ng Tawalisi. Pagdilat ng babae ay nabakas ng mga kalaban kung gaano kasungit tignan ang kanyang mga mata. Itinaas niya ang kanyang kamay at mabilis itong hinawi pababa. Ilang sandali lamang at bumuhos ang mga kidlat mula sa himpapawid. Siya ay si Lilagretha, ang rani ng Minolo.
BINABASA MO ANG
Dayanghirang
Fantasía=Book 1 of 2 of the Babaylan Duology Parating na ang katuparan sa napagkasunduan.... Ihanda ang daanan ng dayanghirang.... Ang pangako ng mga babaylan ay maisasakatuparan.... Lakan at Lakambini, magbigay-galang!