Chapter 23: Family?

41 2 0
                                    


ETHAN ZAC's POV

"Sh-Sharleen??" Nauutal kong Tanong.

"Oh?" Sabi nya habang busy sa pag dadrive.

"A-Anong? S-saan tayo pupunta??" Parang nalunok ko yata yung dila ko.

"Bakit? Gusto mo na bang bumaba? Ihihinto ko." Sabi nya.

"Don't Ate Shar. Continue driving. Don't mind him." Singit naman ni Nate.

"Pasalamat ka May cute kang bata na kasama!" Pag susungit nya sakin.

Napangiti naman ako. Namiss ko yung ganto kami. Yung walang ilangan.

"Hey! Can I sit in your lap? I wanna see her driving." Tanong sakin ni Nate. Ayaw nya pa din akong tawaging tito. -____-

"Tara." Sabi ko. Saka naman naupo na si Nate sa lap ko.

"Hey! Daddy Zac? Bagay sayo. Hahaha." Ayan nanaman yung tawa nyang ibang iba sa tawa ng ibang babae.

"Ohw, such a beautiful lady." Nate said.

"Thankyou baby boy." Sabay haplos pa sa pisngi ni Nate.

Ilang minuto pa ang nakakaraan, tumigil na yung sasakyan.

Bumaba na kami agad.

Para syang park? Na pasyalan. Medyo May karamihan yung tao. Pero, malawak pa din naman at hindi magulo.

I can see couples, friends and families na namamasyal sa lugar na to.

May nagtitinda ng balloons, streetfoods, cotton candy, stuffed toys at kung Ano Ano pa.

May iilang rides ata yun? May Parang ilog pa sa kabilang banda. Tapos May playground para sa kids.

May restaurant pa, kaso sarado? Bakit Kaya? Sayang naman.

Pero,

Ang ganda nga talaga sa lugar na to. Sooobra.

"Wow. Nice place. I wanna spend my first day in the philippines here." Manghang sabi ni Nate habang Nag lalakad lakad kami.

Hawak hawak nya yung kaliwang kamay ko.

Si Sharleen naman, nasa kabilang gilid ni Nate. Pero, seryoso lang syang Nag lalakad.

Nang naupo kami sa Isang set na table na bato. Si Nate, busy kakalingon sa mga bata at mga palaruan.

"Alam mo, sayang ka pala." Bungad ni Shar. Hindi ko Alam kung seryoso ba o pabiro eh.

"Huh?" Tanong ko.

"Daddy kana pala eh. Ang laki na ng anak mo Oh! Landi mo talaga!" Sabi nya. Medyo seryoso na hindi?? Ewan!

"Shar, hindi ko anak si Nate, Okay? Anak sya ni kuya Drew. Yung kuya namin ni Nicole. Ngayon ko nga lang yan nakilala eh. Inaasar lang nila akong anak ko daw. Kamukha ko daw at sa pangalan ko pa nga yata naisunod eh." Paliwanag ko.

"So? Hindi talaga?! Seryoso?! Hindi ka pa ama?" Sunod sunod nyang Tanong.

"Hindi pa." Sagot ko.

Ngumiti sya.

"Pero, seryoso. Mukha talaga kayong mag Daddy eh. Magkamukha, magkatunog yung names nyo, tapos May mga kilos pa kayong pareho lati nga pananalita nyo eh." Pagkwento nya.

"Hey! I wanna play there!" Nate na naepal sa usapan namin.

"Sure baby, play everywhere you want." Shar said.

"I want to play with you two." Sabi ni Nate na nakapout.

"Uhh! Paano ba naman kita matatanggihan eh nagpapacute ka?" Sabi ni Sharleen saka binuhat si Nate.

I Thought You're Just NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon