Chapter 44: Field Trip

20 1 0
                                    

JAIMS's POV


"Ano? Nakaempake na kayo?" Tanong ni Melody.


"Yup. Kumpleto na lahat. Yung bus na lang kulang." Sagot ni Ethan.



"Mabuti naman. Ayokong mawalan ng upuan." Sabi ni Melody.


"Hindi naman talaga tayo mawawalan ng upuan e." Nakangiting Sabi ni Drake hawak hawak yung pinakuha samin ni Spade na reserved bus seats sa Bus #1 pa. Iba din talaga kapag may kapit! Yooohooo!



"Ate, mga kuya. Balita ko kasama ng section nyo yung section A ha?" Tanong ni Nics.


"Kaya nga Nicole, mag ready kana." Sabi ni Drake.


"Ay, bakit ako? Di ba dapat si Kuya?" Nagkatinginan naman kaming lahat.


"Teka? Bakit ako?" Patay malisya nyang sagot.


Hinayaan nalang namin sya at nag punta na sa Bus namin.


Papunta nga pala kami ngayon ng Ilocos. Fieldtrip kasi ng college, tatlong araw kami doon mag stay. Dapat sa bus na to isang course lang ang magkakasama. Pero, dahil kay Spade Kaya nandito sina Melody at Nics.


"Excited na ako, Hayme." Masayang Sabi ng katabi kong si Nics.


"Matutulog lang ako ng matutulog dun. Hays. Boring yan panigurado." Kumento ko.


"Grabe ka naman Hayme! Syempre dapat sama sama tayo mag bonding kasama sina Ate Melody pag dating dun." Sabi nya.


"Matulog kana lang muna. Para hindi ka mapagod. Ang daldal mo e." Pabiro ko sakanya. Sinamaan nya naman ako ng tingin na nakapag pangiti sakin. Haha. Ang cute nya talaga.


"Bahala ka nga sa buhay mo!" Inis na Sabi nya Saka nag headset.


"Edi ako nang bahala sayo." Sabi ko Saka pumikit na din.


Narinig ko naman sa Di kalayuan na may nag tatalo. Specifically, sa harap namin ni Nics.


"Hoy! Ayusin mo nga yang pag kain mo! Natatapunan ako." Inis na Sabi ni Melody.


"Hindi ko kasalanan na makalat akong kumain!" Dipensa naman nung isa.


"Eh sinong may kasalanan?! Ako?!" Inis na Tanong nung isa.


"Oo! Kasalanan mo yan! Tinabihan mo ko, Kaya mag tiis ka!" Sagot naman netong isa.


"Hoy! Kayong dalawa sa harapan ko! Napakaingay nyo! Mag patulog kayo!" Parinig ko sakanila.


"Wag kang mangialam dito Jaims!" Sabay na Sabi nilang nanlilisik ang mga mata na nag effort pa talagang humarap sakin.


"Sa-Sabi ko nga. Tu-tuloy nyo na!" Utal utal kong sabi. Grabe! Katakot sila. Woooh!



Tuloy pa din sila sa pag sasagutan, nang may marinig akong seryosong nag uusap sa likod ko. Medyo tsismoso lang ang peg.


"Paano kapag nakita mo sya pag dating natin dun?" Seryosong Tanong ni Spade.


"Edi.." mukhang iniisip pa nya yung isasagot.

Makalipas ang ilang segundo bago sya nag salita.



"Normal na lang." Sagot nya.



"Kakausapin mo sya?" Tanong nung isa.


"Hindi na siguro." Sagot nya.


I Thought You're Just NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon