Chapter 60: Superhero

28 1 0
                                    


JAIMS's POV

Matapos ang bangungot ng buong tropa nung nakaraang araw, hindi ko na napigilan pa ang sarili kong umiyak ng umiyak sa tuwing maiisip ko ang mga nangyare. Ngayon, hinang hina na ako.

Paanong hindi ako maiiyak? Tatlong kaibigan ko ang nag aagaw buhay ngayon. Na walang kasiguraduhan ang pag gising nila. Hindi ko naisip na pwedeng mangyare ang bagay na ito. Hindi ko yata makakayanan ang biglaang pag kawala nilang tatlo. Isa pa nga lang, sobrang nalulungkot na ako. Paano pa kaya kapag silang tatlo ang sabay sabay mawawala?

Nang maisip ko nanaman yon, naiyak nanaman ako.

"Tumigil ka nga Jaims! Kalalaki mong tao!" Inis na sabi ni Melody. Alam kong hirap na hirap na din syang mag pakatatag ngayon pero pinipilit nyang kayanin para kay Nicole na tulala ngayon. Kakatapos nya lang din umiyak.

Si Nicole kasi ang nakakita nang iligtas ni Ethan si Sharleen. Nakita nya kung paano mabangga ng kotse ang kuya nya. Iyak sya ng iyak nung gabing iyon pero salamat nalang kay Melody at sya ang pinaka nagkaron ng lakas para labanan ang sakit ng ganitong pangyayare at pinakalma si Nicole.

Si Maxine at Sharleen naman, dumalaw lang dito at umalis na rin agad. Kinamusta lang sila at sinabing kami na daw muna ang bahala dahil iuuwi nya daw si Sharleen na mukhang kakagaling lang din sa pag iyak.

Pero ang nakapag tataka, ni isa samin hindi nya pinansin. Inakala kong galit sya pero sabi ni Maxine, wala daw maalala si Sharleen sa mga bagong pangyayare sa buhay nya mula nung maaksidente sila sa kotse nung James. Lahat lang daw ng naiwang alaala kay Sharleen ay yung bata pa sya hanggang 4th yr hs lang sya.

Hindi na muna kami nakapag usap ng maayos dahil parepareho kaming stressed sa mga nangyare. Kaya hinayaan na muna namin silang maunang umuwi sa Pilipinas.

Lumipas ang ilang araw pero hindi pa rin nagigising sina Spade at Drake. Ang sabi ng doctor baka daw macomatose yung dalawa. Si Ethan naman nagising na.

"Umuwi na tayo." Sabi nya.

"Manahimik ka nga, hindi ka pa nga magaling!" Inis na sabi ni Melody.

"Magaling na ako." Sabi nya.

"Sina Spade, hindi pa nagigising." Malungkot kong saad.

Nagulat naman sya at sinabing intayin na lang ang pag gising na at sabay sabay na kaming babalik sa pilipinas.

Pero, isang linggo lang ang nakalipas at tinawagan na kami ni Mrs. Garcia. Pinapauwi na kami dahil nahihirapan na sila kay Sharleen. Hindi daw ito kumakain, minsan lang daw at kakaunti pa. Wala na rin daw itong sapat na tulog dahil naririnig nila itong iyak lang ng iyak. Nang marinig yun ni Ethan, kitang kita naman namin sakanya ang pag aalala.

"Ethan." Bungad ko.

"Huh?" Sabi nya na parang wala sa sarili.

"Bro, alam kong nahihirapan ka ngayon sa mga nangyayare. Kaya, puntahan mo na si Sharleen. Kailangan ka nya. Mas kailangan ka nya ngayon." Sabi ko. Napatingin naman sya sakin.

"Oo, tama si Jaims. Mauna ka ng bumalik ng pilipinas. Nandito naman kami e. Kami nang bahalang mag alaga sakanila." Sabat ni Melody.

"Kuya, sayang ang pagliligtas mo kay Ate Sharleen kung papabayaan nya lang din sarili nya ngayon. Kaya puntahan mo na sya." Pag sang ayon din ng kapatid nya.

"Pero, paano kayo?" Tanong nya.

"Wag mo kaming alalahanin. Mas mag aalala kami kapag hindi mo pa puntahan si Sharleen." Sabi ni Melody.

Nginitian nya naman kami at isa isang niyakap. Alam naman namin kung gaano kahalaga sakanya si Sharleen, at kahit na usapan naming sabay sabay kaming babalik sa pinas kapag gumaling na sina Spade. Pero, kapag ganito na ang sitwasyon at kailangan ng pumili ni Ethan kung kami ba o yung mahal nya, hahayaan namin syang piliin ang mahal nya. Wala mang kasiguraduhang masasaktan sya o hindi. Kasi alam naming mas masasaktan sya lalo kapag hindi namin sya inintindi. At tsaka bilang kaibigan nya susuportahan namin sya, kapag nasaktan naman sya lagi lang kaming nasa likod nya. Alam kong kahit sina Spade ang nasa sitwasyon namin ngayon ganito din ang gagawin nila.

I Thought You're Just NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon