Chapter 40: Cloud's Chance?

23 1 0
                                    

SHARLEEN's POV

Ano kayang magandang bilhin ngayon? Pagkain, gamit o damit?

Magugustuhan nya naman kaya? Ano nga bang gusto nya? Hays!

Tanungin ko kaya si bestie?

Ay! Shunga kana naman Sharleen. Hindi mo nga ipapaalam tapos tatanungin mo?!

*1messagereceived*

Agad ko naman tinignan yung phone ko.

FROM: Bebe Nicole

Hi to all my beautiful Ates and handsome Kuyas. :") Pwede mag favor? Uh, help me naman oh. Mag organize tayo ng party for Kuya Ethan's 19th birthday. Sabi kasi ni Papa, call the troops. Then he'll pay all of us naman e. Meeting place: sa Mall, specifically sa restaurant tayo nila Kuya Spade. 3pm. Punta kayo ha!

~

O___O

Nanlaki yung mata ko sa message na natanggap ko.

May party? Tsk. Kahit naman meron Sharleen hindi ka naman dapat pumunta. Okay?!

Replyan ko kaya si Bebe Nicole na hindi ako makakatulong?

Eh! Kukulitin lang naman ako ng batang yun! Pipilitin hanggang sa mapa-oo nalang. Aysh.

Kung hindi naman ako mag rereply baka isipin nila masyado akong masama?

Ay ewan!

"Tulala kana naman!" Sabi ni bestie na nakapag pabalik sakin sa Earth.

"Ah, inaantok lang ako bestie." Pag papalusot ko.

"Inaantok nanaman?! Bestie! Gising!" Sabay alog alog sakin.

"Tama na! Gising na gising na ako!" Sabi ko saka ako binitawan.

"By the way, nareceive mo yung text ni Nicole?" Tanong nya. Tumango naman ako bilang sagot.

"Ano pun--" Pinutol ko na yung sasabihin nya.

"Hindi." Tipid kong sagot.

"Bakit naman bestie? Kahit tumulong lang tayo, wag na lang tayo umattend." Sabi nya.

"Kung gusto mo, ikaw na lang! Matutulog na lang ako kesa magpagod dyan." Sabi ko. Sabay higa sa kama at talukbong ng kumot.

"Sayang naman effort ko Pag punta dito. Psh! Makauwi na nga!" Pag susungit nya. Saka lumayas. Binagsak pa yung pinto nung kwarto ko.

Baliw talaga yung babaeng yun.

*1messagereceived*

FROM: Torpeng Drake

Shar, samahan mo naman ako sa mall. May bibilhin lang. Lilibre kita ng kahit anong pagkaing gusto mo.

~

Pagkabasa ko nyan. Napangiti nalang ako. Haha. Alam talaga ng torpeng yun yong kahinaan ko! Hay.

TO: Torpeng Drake

Kelan? Anong oras?

~sent!

Tamang tama, para makapili na din ako ng balak kong bilhin.

*1messagereceived*

FROM: Torpeng Drake

Ngayon na. Dali.

~ Siraulo talaga to! Agad agad. Makapag bihis na nga!

TO: Torpeng Drake

Ge. Bihis lang ako. Text kita pag nasa mall na ko.

I Thought You're Just NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon