Chapter 28: Patama

38 1 0
                                    

DRAKE's POV

Matapos ang nakakagimbal na eksena sa aming outing nung nakaraan, salamat naman at nakauwi kaming ligtas.

Hays. Pero, kawawa talaga Si Ethan e. Kaya pala una pa lang hindi na maganda yung pagkakilala ko sa ugly monkey na yun! Kase karibal sya ng kaibigan ko. Tsk!

"Hoy! Ang aga mo ah." Bungad ng kakarating lang na Si Melody. Nandito pala ako sa room, konti pa lang na estudyante ang nandito Kaya tahimik pa. Wala pa ang barkada, kase Nag inom sila kagabe.

"Hindi ako pinatulog ng bespren mo! Sobrang ingay nya. Pati ni Jaims. Tsk." Sabi ko.

Paano ba naman kase.. madaling araw na Wala pa ding balak magsitulog! Ako tuloy yung problemado.

"Oo nga pala? Bakit nandito ka?! Di ka naman namin classmate ah?" Tanong ko.

"Sabi kase ni Spade, dito muna ako. Makisit in Wala kasi kaming first subject." Paliwanag nya.

"Eh, nasan sina Ethan, Jaims, Nicole at Spade??" Tanong ko.

"Sinamahan ni Nicole dun sa canteen, nagkakape." Sabi nya.

Maya maya, dumating na sina Sharleen at Maxine.

"Hi sainyo." Bati ni Melody sakanila.

"Oh, Melody. Bakit nandito ka?" Tanong ni Maxine nang makaupo sila.

"Makikisit in." Nakangiting sagot ni Melody.

Tapos pumasok na sina Nicole, Jaims at Spade.

"Nasan Si Ethan?" Tanong ni Melody.

"Susunod daw sya." Sagot ni Spade.

Nag pasukan na yung ibang classmate namin, madami dami na kaming nasa room, wala pa din Si Ethan. At mag start na first subj namin Wala pa sya. Tsktsk.

"Goodmorning class." Bati samin ng isang napakagandang dyosa este.. babae.

"Alam kong nagtataka kayo, kung Bakit hindi Si maam Jonah ang nakita nyo. Mag papakilala muna ako. I'm Jea Sy. J.E.A. It's not Jeya, It's Jaye. Okay? Uh, substitute professor ako dahil May mga inaasikaso Si maam Jonah personally. I guess ako na yung makakasama nyo for the whole sem." Paliwanag nung bagong prof namin.

"Maam, ang ganda nyo po."

"Maam, May boyfriend na ba kayo?"

"Mukha kayong dyosa maam."

Ilan sa mga kaklase kong babaero.

"Hahaha. Thankyou." Nakangiting sagot ni Maam.

"Mag start na tayo ng lesson. Yung mga huling naituro sainyo ni maam Jonah pwede nyo bang ishare sakin?" Tanong nya.

At biglang bumukas yung pinto.

Si Ethan. Tsktsk. Late sya. Medyo Mukhang istrikta pa naman Kahit na maganda yung bagong prof.

"Ohw? Late. Tsktsk." Nakatingin sakanya Si maam. At nang makita din sya ni Ethan, nanlaki nalang bigla ang mga mata nito. Hahaha. Baka nagandahan siguro.

Pero, parang iba yung itsura nya? Bigla kasing kumunot yung noo nya. Ano kayang nasa isip nya ngayon?

Nilapitan nya yung prof.

May sinabi ata sya Pero Walang nakarinig Kahit isa.

"Maupo kana. Nagsisimula na Akong magturo. Next time ayoko ng malelate ka." Sabi nung prof habang naglalakad palapit samin Si Ethan.

Nang makaupo sya. Parang ang lalim ng iniisip nya.

"Okay guys.. blah blah blah." Hindi ko na inintindi yung prof kase Si Ethan ang pinapakinggan ko.

I Thought You're Just NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon