Chapter 41: Mahal mo ba ako?

25 1 0
                                    

DRAKE's POV

"Bakit ang tagal nyo naman?! Kanina pa ako nandito. Nakakaboring pa yang prof na yan." Bungad ko sa kakarating lang na sina Jaims, Ethan at Spade.

"Ang tagal kasi ni Ethan." Sagot ni Spade nang makaupo na sila.

"Si Jaims kasi e, dinaldal ako." Pag pasa naman ni Ethan kay Jaims. -____-

"Ewan ko sainyo." Sabi ko nalang saka tumunganga sa nag didiscuss na prof sa harapan. -_____-

Maya maya may kinausap yung prof namin sa labas.

"Who's Ethan Collins?" Tanong ni maam.

Tumayo naman si Ethan.

"Tawag ka ni Ms. Sy sa faculty." Sabi nung prof namin.

"Tawag kana naman nung babae mo. Ang tibay nya ah." Bulong ni Jaims.

Di na pinansin yun ni Ethan, lumabas na agad ang loko.

"Nasan sila Melody?" Tanong ko.

"Hindi yata pumasok. Magkasama sila ni Nics kanina kila Ethan nung umalis kami." Sagot ni Jaims.

"Hindi tayo gagala?" Tanong ko.

"Tinatamad ako. Tambay na lang tayo kina Ethan." Sabi ni Spade.

.

.

Matapos ang klase namin, kumain muna kami sa canteen bago pumunta kina Ethan.

"Oh? Ano nanaman pinagawa sayo nung babae mo?" Tanong ni Spade kay Ethan.

"Wala. Miss nya lang daw ako." Walang gana nyang sagot.

"Ts. Halos araw araw kang nasa faculty dahil sakanya." Sabi ko.

"Baliw yun eh!" Sabi nya saka Nag kalikot sa phone.

"Ano balak nyo?" Tanong ni Jaims.

"Ang boring naman kapag wala yung mga girls. Haaay." Sabi ni Ethan habang busy sa phone nya.

"Tara sainyo. Tambay muna." Aya ko sakanila. Agad naman silang pumayag Kaya pumunta na kami kina Ethan. 

Nang makarating kami kina Ethan. Nadatnan namin sa living room sina Melody.

"Oh, anong ginagawa nyo dito?" Tanong ni Melody.

"Bakit? Sayo tong bahay?!" Pag tatanong ko din.

"Magsisimula nanaman kayo e." Awat agad ni Jaims at hinila ako paupo sa couch.

"Kuha lang ako ng pagkain." Sabi ni Ethan Saka nag punta sa kitchen.





"Bakit hindi kayo pumasok?" Tanong ni Jaims kina Nicole.

"Nakakatamad e." Sagot nya.

"Kaya nanood nalang kayo ng mga korning palabas?" Walang reaksyong tanong ni Spade.

"Maganda kaya yan. Panoorin nyo kasi." Sabi ni Melody na nakatitig na sa screen.

Kaya nakinuod na din kaming tatlo. Wala e, Wala na din naman kaming magawa.

"Kawawa naman yung babae, iiwan na sya nung lalaki." Sabi ni Nicole.

Yung nangyayare kasi sa pinapanood namin ganito.

Umiiyak yung babae, kasi aalis na yung lalaki. Nasa airport sila. Nag mamakaawa yung babae Pero Nag mamatigas yung lalaki.

"May dahilan yan kaya aalis!" Kumento ni Jaims.

"Pero, dapat sinabi nya pa din sa babae yung dahilan." Kumento din ni Melody.

Ngayon, pinipilit nung babae na wag umalis yung lalaki. Pero, Wala lang reaksyon yung lalaki.

I Thought You're Just NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon