Chapter 46: Still

31 1 0
                                    

THIRD PERSON's POV

Nang makaakyat na ang grupo nila Spade sa room 202, room nila. Si Maxine naman ay nakikipag usap sa isang malapit na kaibigan habang si Sharleen naman ay nag lalakad na papasok sa elevator, dahil nasa 5th floor ang room nila.

Pag pasok nya ng elevator, pinindot nya na yung designated floor nya. At nang pasara na yung elevator, may pumigil dito gamit ang kanyang kaliwang kamay. At dahan dahan ng bumukas yung elevator.

At sa hindi inaasahang pagkakataon, ang lalaking nakatayo sa harapan nya ngayon ay walang iba kundi si..

Ethan.

Pumasok naman si Ethan na parang normal lang ang lahat. Ngunit hindi kayang ihandle ni Sharleen ang pagkailang nya.

At nang tuluyang magsara ang elevator, napuno na ng katahimikan ang bawat sulok nito. Hindi sila nag uusap. Pareho silang nag papakiramdaman sa isa't isa.

Ngunit biglang nakaramdam sila ng kaba nung isang segundong Pag loloko ng kuryente.

Agad namang nag labas ng phone si Ethan, masyado syang nakaramdam ng pangangamba kaya tumawag sya kay Melody.

Ilang pag tunog pa lang ay nasagot na ito agad.

"Inaantok nako! Ano ba?!" Iritang Sagot ni Melody.

"Na-nasa.. elevator ako." Nautal na sabi nya dahil sa phobia nya sa mga maliliit at saradong lugar.

"Oh, tapos?" Tanong ni Melody.

Magsasalita na sana si Ethan nang parang nag loko yung elevator kasabay ng Pag patay sindi ng ilaw.

"Sh*t! Na-natatakot ako!" Nautal ulit na medyo iba na yung pakiramdam ni Ethan.

Si Sharleen naman kalmado lang. Iniisip kung Bakit ganun yung reaksyon ni Ethan.

Bigla nalang namatay yung ilaw at tuluyang pagkatigil ng elevator.

"Sh*t!" Kasabay ng Pag shutdown ng phone ni Ethan.

Wala sila parehong makita. Si Sharleen ay tahimik lang.

Pero si Ethan, nakaramdam na ng kasikipan, init at medyo hirap na pag hinga.

Minsan ay kaya nyang kontrolin. Pero, sa sitwasyon na ito, unang beses nyang mararanasan ay hindi siguro ganun kadaling kontrolin yun.

Ilang segundo ang lumipas, ni Wala man lang kaluskos na marinig si Sharleen.

"Zac?" Mahinang tawag ni Sharleen sa pangalan ni Ethan.

"Ayos ka lang ba?" Tanong nya na halatang nag aalala sa kalagayan ni Ethan.

Hindi sumagot si Ethan. Nag aalala na sya. Pero pinipigilan nya yung sarili nya.

Pero bumukas naman bigla Yung ilaw. Nakita nya ang itsura ni Ethan na tulala, nag hahabol ng hininga. Hindi nya maisip kung gaano na sya nilalamon ng kasikipan.

"Zac." Malumanay nyang pagtawag dito. Ngunit parang hindi sya naririnig ni Ethan.

Dahan dahan syang lumapit, tinabihan nya si Ethan at kinuha nya yung kamay saka inintertwine yung kamay nila.

Unti unti namang nakakalma si Ethan.

"Wag kang mag isip ng kung ano ano, nandito ako. Wag kana matakot." Pag papakalma pa ni Sharleen.

Hindi naman na nag salita si Ethan.


SHARLEEN's POV

Maya maya may nag salita, oh! Speaker lang pala.

I Thought You're Just NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon