Chapter 24: Give and Take

48 1 0
                                    


SHARLEEN's POV

Masaya akong pumasok sa bahay. At pagpasok na pagpasok ko, nakaupo sa sofa si mama na ang sama ng tingin saakin.

Nalaman nya Kaya??

"Wag kana mag palusot. Sinabi sakin ni Maxine na magkasama daw kayo ng Zac na yon. Totoo ba?" Ahhh. Patay ka Sharleen!

"Ahm, ma. Galit ka ba? Kilala mo naman na si Zac Di ba?" Sunod Sunod kong Tanong.

"Kilala ko sya? Isang beses pa nga lang sya Nag punta Dito sa bahay. Saka ayoko na ding maulit yun." Seryosong sabi ni mama.

"Ma, kaibigan ko si Zac. Saka kung sakali man gusto ko syang bigyan ng pagkakataon." Sabi ko kay mama.

"Hindi. Hindi pwede. Ayoko. Simula ngayon, lalayuan mo na ang lalaking yun!" Maawtoridad na sabi ni mama.

"Pero, ma! Pati ba naman Ikaw!?" Sabi ko saka na Nag tatatakbo papunta sa kwarto.

Iniyak ko na lang yung sakit na nararamdaman ko ngayon. Lagi na lang. Lagi nalang akong umiiyak!

Sinabi ko naman na kasing kakalimutan na kita! Pero, kasi nga gusto din kita! Paano ko gagawin yun Di ba?! Tsk.

Bakit ba ang daming hadlang?! Bakit yung mga Tanong importante din sakin Ang Nag papapili sakin!? Bakiiit!?

Ang gusto ko lang naman, maging masaya eh. Maging masaya sa piling nya. T______T

Ganun ba kawalang tiwala sakin si mama?! Sana naman kahit ngayon lang yung kaligayahan ko naman ang maisip nila. Sana naman intindihin din naman nila ako!

Iniyak ko lang lahat!

Yung chance na binigay ko sakanya? Paano na?

Yung saya sa Mukha nya na Nag dulot din ng saya sakin, babawiin ko nanaman! At makikita ko nanamang masasaktan sya sa araw araw na magkikita kami sa school.

.

.

Ngayon papasok na ako sa school. Panibagong umaga at araw. Pakiramdam ko, sobrang hinang hina ako ngayon.

"Tandaan mo, iwasan mo na yung lalaking yon, kundi malalagot ka samin ng papa mo!" Sabi ni mama.

"Sige na, pumasok kana." Dagdag pa nya.

Wala akong kagana gana na Nag lalakad.

"Bestie! Oh May problema ka?" Tanong nya.

"Ahh, Wala." Saka ko sya nginitian ng pagkalaki laki.

Nginitian nya din ako saka na kami pumasok sa school.

Eto na. Haharapin ko nanaman sya na Parang Wala lang ang lahat saamin. Haaays! Ang sakit pa din sa puso ko.


"Hey! Goodmorning ladies." Bati ni Drake saamin.

"Goodmorning din Drake." Bati sakanya ni bestie

"Ah, Shar samahan mo ko sa canteen Oh." Pag aya ni Drake na Alam ko na yung pahiwatig nya.

"Wait lang bestie." Paalam ko kay bestie.

"Sige lang." Sabi ni bestie habang binabasa yung lesson namin.

Nang makalabas kami ni Drake.

"Oh? Anong nangyare kagabi? Inamin mo na ba? Nililigawan kana ba nya? O Kayo na ba?" Excited na Sunod Sunod na Tanong ni Drake.

"Drake, Hindi pwede eh. Nag kausap na kami. Pero, kakausapin ko din sya ulit mamaya." Sabi ko na naiiyak nanaman.

"Hey! Oh, Shar Okay ka lang?" Tanong ng.. ng lalaking gustong gusto ko yakapin ngayon.

I Thought You're Just NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon