CHAPTER 48: BOYS AREN'T ALLOWED

22 1 0
                                    

NICOLE's POV

Yehey! Ngayon na yung araw ng bonding namin nila Ate Sharleen. Ang saya saya saya! Makakasama ko na ulit yung future sis in law ko. Kyaaaaaah!

Sayang lang hindi makakasama sila kuya. Haaaays. Bawal suwayin yung utos ni Ate. Nakakasad naman. Pero, Okay na yun! Ako naman ang kasama ni Ate. Pipicture-an ko nalang si ate tapos ipapakita ko kay kuya. Yiiieehaaaah!

Ano kayang magandang suotin ngayon? Hmm.

Bahala na nga. Kung anong makuha
ko sa damitan ko.

.

.

"Ate Sharleeeeeeeeen!" Bati ko nung makita ko silang parating. Agad agad ko naman syang niyakap.

"Hahaha. Masyado mo naman akong namiss bebe. Parang nung nakaraang linggo lang mag kasama tayo sa field trip." Masayang sabi ni Ate Shar.

"Eh, doble yung yakap ko e." Nakangiti kong Sagot sakanya.

"Huh?" Naguluhan naman sya.

"Haha. Wala ate Shar. Tara na, pasyal na tayo." Aya ko sakanila. Magkakasama kasi kami ngayon nila Ate Melody at Ate Maxine.

Nag lakad lakad kami. Nililibot yung buong mall. Hahaha.

"Sine tayo, girls." Aya ni Ate Melody nung mapadaan kami sa cinema.

"Ano namang papanuorin natin?" Tanong ni Ate Maxine.

"Horror!" Suggest ko. Na tinitigan naman nila ako na parang taga ibang planeta ako.

"Romcom?" Suggest ni Ate Sharleen.

"Korni." Kumento ni Ate Maxine.

"Action nalang!" Sabat ni Ate Melody.

"Horror comedy tayo!" Sabay sabay na Sabi naming tatlo nila Ate Maxine at Ate Sharleen Saka nag lakad papumta sa bilihan ng ticket.

"Teka? Anong problema sa action?" Naguguluhang Tanong samin ni Ate Melody na sumusunod samin. Hindi namin sya pinansin. Hahaha.

"Ate Sharleen, ako na sa ticket. Kayo na ni Ate Maxine sa foods." Nakangiting Sabi ko. Sumangayon naman sila at pumila na din sa popcorn at drinks.

"Nicole? Ano bang problema sa action?" Ulit na tanong nya sakin.

"Hahaha. Ate Melody naman eh. Boooring kaya nun!" Sagot ko sa Tanong nya nung makuha ko na yung ticket namin.

"Ayy. Sayang naman." Nalulungkot nyang pahayag. Natatawa talaga ako sakanya. Hahahaha.

"Tara na." Aya samin nila Ate Sharleen nung makabili na sila ng madaming popcorn at drinks. Wooohoooh!

Nang makapasok na kami ng sinehan. Nag ring yung phone ko.

"Mga Ate. Wait lang ha. Natawag si kuya Drew e." Pag papaalam ko sakanila Saka ako pumunta sa pinto nung exit.

"Hello. Bakit kuya?" Tanong ko.

"Nasan ka?" Tanong nya.

"Hindi ba sayo sinabi ni kuya Ethan na may lakad ako ngayon?" Sabi ko. Hays. Si kuya talaga.

"Wala din dito si Ethan! Sige na nga. Umuwi ka ng maaga. Hindi ka nag paalam kay papa." Sabi nya sa kabilang linya saka binaba.

Pabalik na dapat ako sa loob ng may nabangga akong lalaki.

"Ay!" Nang mabangga ko sya.

"Nicole/Kuya?!" Sabay na sabi namin na parehong nalaki ang mata.

I Thought You're Just NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon