Chapter 50: Quarrel

36 1 1
                                    

JAIMS's POV

Dalawang araw nang hindi pumapasok si Ethan. Ano na Kaya nangyare sa bugok na yun?


Hindi naman namin sya mapuntahan dahil sa dami ng ginagawa ko. Aral sa umaga, training sa hapon. Si Spade naman, may pinaasikaso sakanya yung Papa nya. Si Drake? Pumapasok naman, pero bigla bigla nalang nawawala.




Yung mga girls naman. Si Melody, may trabaho na kasi sya kaya busy din pag tapos ng klase. At ang pinakamalapit, si Nics. Hindi ko sya maabutan sa school. Dalawang araw ko na din syang hindi nakikita. Haaaays.




Mukhang nag sarili sarili na ang lahat ah? Namiss ko na sila kasama. Kaya eto ngayon...



"Jaims!" Sigaw ni Spade mula sa kusina nila.




"Ano?" Tanong ko.



"Sigurado ka bang pupunta sila?" Tanong nya.




"Ewan ko." Sagot ko. Nasa kusina kasi si Spade, nag luluto ng pagkain ng barkada. Tinext ko kasi sila na pumunta dito kina Spade ngayon. Kaso walang nag reply. -_______-




"Anong meron dito?" Tanong ng kakarating lang na si Melody.



"Oh, ba't di mo kasama si Nicole at Ethan?" Tanong ni Spade pagkalapag nya nung niluto nyang popcorn, nuggets saka fries.




"No comment." Sabi nya.




"Inaway nya." Tanong ng kakarating lang na si Drake.




"Ewan ko ba dun! Ilang araw na kong di kinakausap." Sabi ni Melody.



"Tampo lang yun." Sabi ko.



"Ikain nyo na nga lang yan." Sabi ni Drake saka na kumuha nung nuggets.



Maya maya pa dumating na si Nics.




"Oh nasan yung bugok?" Tanong ni Spade.





"Papunta na. Badtrip yun e." Sabi ni Nics.





"Bakit?" Tanong ni Drake.



"Ewan ko? Kahapon pa yun tag sungit." Paliwanag nya.




"Baka meron?" Sabat ko.




"Baka nga." Sagot nya. Mukhang pati si Nics sinungitan ni Ethan dahil wala din sya sa mood. -______-


Ilang minuto pa ang lumipas, nanunuod na kami ng movie habang inaantay si Ethan.



"Oh, anong kalokohan to?" Bungad sakin ng kakarating lang na si Ethan.



"Maupo ka na lang." Sabi ni Drake.


Naupo naman sya sa tabi ni Drake.



"Oh, inumin natin to." Sabi ni Spade hawak yung bote ng wine.



"Bakit anong meron Spade?" Tanong ko.




"Sa pagsasama sama ulit natin." Sagot nya. Nag lagay naman sya ng anim na wine glass sa tapat namin at nilagyan yun nang tig kakalahati.



"Ang dami nyong alam." Kumento ni Ethan. Pero nakipag cheers din naman sya.



At tuloy tuloy na yung inom namin nung wine.




"Alam mo Jaims, bagay kayo ni Nicole." Biglang sabi ni Melody. Agad naman akong napatingin kay Ethan na kasalukuyang nakatitig kay Melody.




I Thought You're Just NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon