Stay.

1K 88 23
                                    

♡Ac♡

Nagising ako, sa isang napakaputing lugar..  Nasan ako? Pag tingin ko sa kamay ko may needle .. anong nangyari?

"Hay salamat sa Diyos at gumising kana anak"

Sabi ni mama na tuwang tuwa. Hinug niya ako. I hug her back. Pero sa pag hug kung yun naalala ko lahat ng nangyari.. asan si Lucky? 😢

"Ma, asan si Lucky?" Kumalas ako sa yakap.. hindi ako sinagot ni mama

"Ma! Asan si Lucky!" Yumuko lang siya at hindi sumagot... asan ba si lucky? :'(

"Maaaaa! Asan si Luckyyyy?!!!" Sinigawan ko na siya..

Tumingin siya sa katabi naming bed, andun siya nakahilatag sa kama, ang dami niyang pasa, yung ulo niya ,yung mata niya .. napaiyak ako sa nakita ko... Bat pa niya pinahiram sakin yung helmet. Edi sana ako yung nasa posisyon niya ngayon.

Pinilit kong bumangun.

"Ac,wag ka munang tumayo . Hindi kapa okay"

"Okay na ako ma!"

"Hindi kapa okay"

"Ma, please kailangan ako ng boyfriend ko" at tumulo luha ko. Hindi nasiya nagmaktol pa.. Inalalayan niya ako papunta kina Lucky.

Pagdating ko dun, tumulo agad ang luha ko.. Wala akong masabi sa mukha niya. 😢 Nandun sina tito at tita. Magang maga ang mata ni Tita.

"Oy,Lucky gumising ka dyan.. umaga na oh" sabi ko sa kanya! Pinilit ko ngang ngumiti :):

Umupo ako sa tabi niya. Hinawakan yung kamay niya.

"Oy, gumising kana dyan oh, mamahalin mo pa ako..." tumulo na talaga luha koo.

"Gusto mo kantahan kita?" Sabi ko. Sabay pahid ng mga luha ko gamit ang kamay ko. Luha please wag ka munang tumulooo. Pero ayaw niya.

"Kakantahan kita Bes ha"

Su-sungkitin mga bituin *sobs*
Para lang makahiling
Na *sobs* sa--nay maging *sobs* a--kin
Puso mo *sobs* at dam---*sobs* damin
Kung pwwede lang
Kung ka---ya langg *sobs*
Kung akin ang *sobs* mund-oo
Ang lahat ng itoy *sobs*
Iaalay ko sayo!

*tiiiinnnggggg*

Anong nangyayari?

"Lucky? Lucky? " umiiyak na talaga ako. Si tito naman agad na tumakbo para tumawag ng doctor. Tumingin ako dun sa machine na may linya... Straight? Lucky please... wag mo kong iwan!! Lucky!!

"LUCKKYYY!!" sumigaw akoo. Hindi ko kaya na mawala siya.. Dumating narin ang doctor at -----

************
Andito ako ngayon. Nakaputi ako . As in puti. Di ko nga alam san ba to. Pero ang puti ng paligid. Lumakad lang ako ng lumakad hanggang sa may nakita akobg lumalakad papunta sa akin. Mataas ang kanyang buhok. Ang puti niya rin.

"Lucky!" Tawag niya sa akin. Ume echo panga yung boses niya... Tintukan ko pa siya. At napatulo yung luha ko... Si ate :'( yubg ate ko na namatay dahil sa isang sakit. Tumakbo ako sa kanya at niyakap ng napakahigpit!

"Ate"

"Ssshhh"

"San ba tayo?"

"Nasa langit tayo bunso" 

Anooo? Nasa langit na kami?

"Bunso, sinusundo na kita"

Sinusundo na kita.. sinusundo na kita.. sinusundo na kita. paulit ulit na pumasok sa utak ko... paano na yan? Paano na sila mama at papa? Paano na ang mahal ko?

"Ate..."

"Tara na?"

Tumango ako. Ewan ko bakit.

Luuuucckkkyyyy!!!!

Napatalikod ako .. yung boses na yun.. :'(

"Ate, di mona ako sasama sayo, Kailangan pa ako sa baba eh, kung dalawa tayo dito sa taas .. paano na sila mama? Ate may naghihintay sakin sa baba.. hindi pa cguro ang taym na mawala ako.. Ate, magkikita tayo sa tamang panahon... I love you ate goodbye" tas hinug ko siya

"You know bunso, proud na proud ako sayo. Pakikiss nlng kina mama ha. Para sakin. " tas nag smile lang ako sa kanya!!

Tumalikod ako at naglakad.

Hindi kita iiwan Ac.

*****************
Umiiyak kami.. Naagapan pa ni Lucky. Kala ko kikunin na siya sakin. :'(
Nandito ako sa upuan. Sana gumising na siya 

"Bess, wag mo namabg paabuting new year yang tulog mo!" Kakantahan ko nlng siya ulit. Hinawakan kk yung kamay niya at at niyakap ng mukha ko

Susungkitin mga bituin
Para lang makahiling
Na sanay maging akin
Puso mo at damdamin
Kung pwede lang
Kung kaya lang
Kung akin ang mundo
Ang lahat ng itoy
Iaalay ko sayook

Tas tumulo yung luha ko..

Omaygahd! Yung kamay ni Lucky...

"Titooo titaaaa" tinawag ko sila ng napakalakas. Tumakbo namn sila

"Bakit anong nangyari?"

"Yung kamay ni Lucky!"

"Anaakkk?"

Dahan dahan minulat ni Lucky yung mga mata niya. Yes!

Lahat kami napaluha sa tuwa.

Binalikan niya ako. Binalikan ako ng mahal ko. 😢😍

***********************
Pagmahal ka . Babalikan ka.

A/N: Okay. Ito napo. Uhmmm para klaro po ang lahat. Hindi po ako nakabasa dung sa fb thingy. Sumulpot lang po ito sa utak ko 😂 . At hindi ko po kinopy yung scene na helmet thingy. Thank you. 😍 Spread the love 💓

Best Friend (Lucky Aces - COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon