Kabanata 1

43 1 1
                                    

Nurse


"Bye..ma at pa! pasok na ako sa trabaho." sambit ko sabay beso sakanila.

"Mag ingat ka anak. Papasundo ka ba mamaya pag-uwi?" sabi ni papa habang lumakad para ihatid ako sa labas kasama si mama.

"Pa..wag na po. Mag ko commute nalang po ako mamaya pag-uwi, tsaka may kasama namn po ako pa.." saad ko sabay akbay sakanyang balikat.

"Oh sige! Pero kapag wala kang kasama pag-uwi mag text ka kang andrea kung sakaling magpapasundo ka."

"Hmm.. si papa talaga! Oh siya sige na po papasok na ako, text ko nalang din si andrea kung magpapasundo ako. Tsaka Mama pakisabi ni andrea na di cya laging mag aabsent sa school kundi babawasan ko ang allowance niya." sabay bilin ko kang mama..

"haynako anak.. iwan ko buh sa kapatid mong yan. Hayaan mo't pagsabihan ko yan mamaya pag gumising nah.. sige na baka malilate ka pa." sabay halik ni mama sa pisngi ko.

"Ok po! bye ulit."

"Mag-ingat ka anak" huling sabi nilang dalawa.

"Opo.." sabay ngiti ko sakanila.

It's been five years since grumaduate ako saaking college degree in nursing. Laking pasasalamat ko saaking mga magulang dahil kahit mahirap lang kami ay pinupursige nila mama at papa para lang maka pagtapos ako saaking pag aaral. Isang guru ang aking mga magulang at may isang kapatid ako na ngayon ay first year in college na sakanyang accountancy. Ako na ang nag papaaral sakanya since my trabaho naman ako at registered nurse na din.

Masaya na ako sa anong meron ako ngayon. At dahil sa pamilya ko sakanila ko natutunang bumagon para sa sarili ko at para sakanila.

Sila ang umalalay saakin nung time na wasak na wasak na talaga ako. Po-ot at pagkumuhi ang nararamdamn ko sa oras na iyon..

(Flashback)

"bes! may load kaba? makiki open sana ako nang account naubusan kasi ako ng load kagabi tsaka titignan ko lang sana kung may message ba ako galing ky lance." tila nahihiya pa ako pagkasabi ko nun.

"Walang problema bes.. tsaka wag ka na ngang humingi ng permiso para namang di kita kilala. Oh ito.. 'sabay bigay niya saakin ang kanyang cellphone.

"Salamat bes!" sambit ko ng nakuha ko na ang cellphone niya.

email...password...sucessfully login...
notification(150).. FR(500)...Message(2)..click...

From: Lance

(video)

Pagka click ko palang ng video ay si lance ang una kung nakita na nakahubad at mukhang pagod ang mukha na natutulog sa kama. Nang biglang mayroong babaeng lumabas galing sa banyo at naka panty at bra lang. Tila nabuhusan ako nang malamig na tubig ng tumabi ang babae ky lance at hinalikan habang ang mukha ni lance ay parang lasing... tila nagising at naghahalikan silang dalawa..

Di ko na tinapos at agad ko ng ni logout nang hindi ko na binasa ang huling mensahi galing sakanya.

"Bes! tapos kna? ang bilis nam-" nang bigla ko siyang niyakap at umiyak ng umiyak sa likod niya.

" ang sakit...ang sakit sakit. Ba't niya ginawa saakin to. Wala nman akong nagawang kasalanan sakanya. Hindi na ba niya ako mahal..kasi ako mahal na mahal ko siya sobra sobra. Gusto ko siyang sumbatan kung bakit nagawa niya saakin yun. bes! ba't ganun.. mahal ko siya.." tila bumuhos na lahat ang hinanakit ko.

"Hush! bes tahan na..please alam mo namang ayokong nakikita kang umiiyak. Ano ba ang nakita mo kanina?!" at bumitiw ako sa pagyakap sakanya at hinarap siya.

"sa video nakita kung my kasama siyang babae at naghahalikan silang dalawa. Bes! T_T."

"OMG! hush..please wag kanang umiyak. I'm sorry.. tahan nah. Ngayon at nalaman mo nang pinaglalaruan ka lang pala hiwalayan mo nah. Nako! makikita kulang yung babaeng yun masasapak ko talaga. Ang bobo din namn ni lance may relasyon kayo pumapatol sa iba. Tahan na, sus madami pang mas deserving para sayo sa ganda mong yan makakahanap ka rin ng iba yung di ka sasaktan." sabay yakap niya saakin at hinagod niya ang aking likuran.

"Di ko na alam gagawin ko."

"Hoy! bruha ka baka may gagawin ka na namang masama nako lagot ka tlaga saakin"

Pagkauwi ko sa bahay di ko napigilang umiyak ng umiyak halos na pumiyok yung boses ko sa kakaiyak. Ano bang nagawa kung kasalanan at sobra sobra namn ang ginawa niya saakin.

"Damn! you lance.." nang biglang nag ring ang phone ko.

lance (Calling....)

"Hello! I know galit ka ngayon, just please hear my expla-"

At ini off ko na agad ang tawag niya. Galit ako galit na galit. Ang kapal ng mukha niyang sabihing magpapaliwanag, kitang kita ko na nga! Bullshit.. Damn you lance!

Sinayang mo lang ang tiwala ko. Mahal kita alam mo yon! pero gago ka pinag taksilan mo ako. Kahit mabigat sa kalooban kung wala ka dito dahil nasa malayo ka iniintindi parin kita. Kahit miss na miss na kitang gago ka tiniis kita. Alam kung ayaw ng pamilya mo saakin dahil mahirap lang ako. WTF**

Alam ko ring kasalanan ko kung bakit nasa States ka ngayon dahil yun ang gusto ko yun ang gusto ng magulang mo na kumbinsihin kang sumama sa kanila para maipagamot ang papa mo at dun mo itatapos ang iyong pag-aaral.

Sinayang mo lang talaga ang pinagsamahan natin. Akala ko di mo ako lolokohin. Akala ko mahal mo talaga ako. Puro lang pala "akala". PAASA ka lance, niloko mo ako.

Hanggang sa umiyak ako ng umiyak at naalala ko na namn yung huling pag-uusap namin bago ang flight niya patungong states.

"Aya! kaya natin to, gustuhin ko mang manatili pero ikaw na ang nag desisyong sasama ako. Masakit mang isipin, pero mas pinili mong sumama ako kysa manatili sayo. Please... hintayin mo ako at tsaka alam na din nila mama na uuwi ako sa graduation mo, sympre pupunta ako proud kaya ako sa soon to be wife ko. Nagkakaintindihan ba tayo? wag kang magpaligaw sa iba, pag nalaman ko agad... abah! uuwi talaga ako kahit hindi mo pa graduation sige ka." Nang bigla niya akong hinalikan ng mariin at tila ninamnam ang aking labi sabay bitaw at sabi...
"I love you Aya jane Heminez."

Wala akong nagawa kundi umiyak ng umiyak sa panahong iyon at ang tanging nagpapa tibay sa loob ko ng mga panahong iyon ay uuwi siya sa graduation ko.

Almost three years na din siya sa state nuon at graduation ko na din. Sa mga panahon ding iyon ay pinutol ko ang ugnayan naming dalawa dahil dun sa nakita kung video.

Graduation. Umasa akong uuwi siya at hihingi siya ng tawad at ipapaliwanag niya saakin lahat kung bakit nagawa niya yun at baka mapatawad ko pa siya. Bobo na kung Bobo, pero mahal ko talaga siya. Tanga na kung tanga wala akong pakialam ang gusto ko makita siya dahil yun ang sinabi niya yun ang pinanghahawakan ko sa lahat.

Pero ni isang katiting na anino mn lang, walang lance ang nagpapakita ng patapos na ang aming graduation. At naka pag desisyon na sila mama at papa na uuwi na kami dahil may kaunting handaan sa bahay na inihanda ng pamilya ko at dahil umuwi din ang mga kapatid ng mama at papa para e.congratulate man lang ako.

Sa puntong iyon! Ubos na ako ubos na ubos. Hanggang sa isang iglap, natutu akong bumangon sa pagka lunod ko dahilan sakanya.

Magsama silang dalawa sa babae niya mga walang hiya!

Perfect CombinationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon