Kabanata 6

11 0 0
                                    

Celebrasyon

Kinabukasan napamulat ako sa ingay na nanggagaling sa baba. Saktong pag tingin ko agad ng orasan ay 6:30am na pala. Today is saturday at bukas day off ko.

Pagkauwi ko agad kagabi ay sobrang pagod na pagod ako. Di ko alam kung bakit! Letsi naman kasi..nakakaiirita kasalanan ko naman din kung bakit pinatulan ko pa ang gagong yun.

Nakakahiya! alam niya sigurong pulang pula yung mukha ko, kaya siguro niya ako tinawanan. Walanghiya! as if naman may mean yun para sakanya, mukha niya.

"Aya! nandito si kean, hinahanap ka bumangon kana jan at nang makapag almusal kana" napatayo agad ako saaking kama at nag-ayos para bumaba na pagkasabi ni mama.

Nakita ko agad si kuya kean na nasa hapag kainan, kasama ang nag iisa kung kapatid na si andrea at si mama.

"Goodmorning" bati ko sakanila ng umupo na ako sa harapan ni kuya kean at si andrea na katabi niya.

"Goodmorning too, blooming ka ngayon" pang iinis na sabi ni kuya.

"Tse!" pinandilatan ko siya ng mga mata ko.

"Hahaahaha"

"Mukha mo." balik kung inis agad sakanya.

Binalingan ko muna ang aking kapatid na nagtetext habang kumakain, ilang beses ko na talagang sinabihan yan na kapag nasa hapag kainan kumain talaga hindi yung nagtetext. Nakakainit ng ulo tlaga pag ganyan.

"Hoy, andrea. Ilang beses ko bang sinabi saiyo na pag nasa hapag kainan ka kumain ka ng maayos hindi yung busy ka diyan sa pagtetext. Gusto mo kukunin ko yan at di ko na ibabalik?" sermon ko agad sakanya.

"Ate. Tinetext ko lang naman si jessie eh, kung nasa school na ba siya. Ate naman!" pagtatanggol pa niya sa sarili niya.

"Hindi ba pwedeng mamaya na pagtapos kana? atsaka bilisan mong kumain para matext mo alam mo namang naiirita ako pag ganyan ang nakikita ko."

"Sorry ate, di na mauulit"

"wag na nga kayong mag kainisan jan! Para kayong mga bata. Tapos na ako,pupuntahan ko lang papa mo sa labas kasama yung tito mo. Kumain ka pa jan kean." aniya ni mama.

"Opo! tita" sabay tango ni mama at lumabas na.

"Alam mo andrea, wag mong pansinin yang ate mo, naiinis lang iyan sa iba kaya binunton saiyo" sabay hagikhik nilang dalawa.

"Aba-hoy kuya! Gago ka talaga."

"Hindi noh! Yung ex mo gago"

"Sakit mo? wala akong paki" nagpapasalamat ako ng hindi na nakinig sa usapan namin si andrea, at nang tumayo na siya at kinuha ang bag niya.

"Bye ate pasok na ako." sabay kiss saakin ng pisngi.

"Bye din kuya kean" winewave niya nalang ang kamay niya sa kapatid ko. "Mag-aral ng mabuti andrea," pabiglang singit niya saaking kapatid.

"Opo kuya! paki kamusta nalang ako ky ate eunice at ky baby janella."

"No problem!"

Atsaka pa ako naka tyempong nilapitan at hinampas ko sa braso itong isang to ng umalis na ang aking kapatid.

"Ouch! para san yun?"

"Para sa pagiging unfair mo saakin, nga pala bat ka nandito?"

"Actually, hihingi sana ako ng pabor saiyo! Pumunta nlang ako dito kysa naman sa magtext pa ako. Gusto ko rin nman bisitahin sila tita at tito alam mo naman matagal tagal na rin akong hindi naka bisita dito, namiss ko sila" aniya.

"Hmmm..ano namang pabor?"

"Malapit na ang birthday ni Eunice gusto ko sanang e.surprise siya. Kahit simple lang pero worth it, at si karla alam niya na din. Siya nalang daw ang bahala sa mga decorations at iba pa. So ang gusto kung ipapagawa saiyo ay kayo ang mag mamanage sa lugar kung saan gaganapin ang celebrasyon."

"Teka,..kayo? bakit sino ba ang kasama ko?" pagtataka kung tanong.

"Si lance. Hep! wag kang eepal jan. Fixed na iyan, kayong dalawa. Alam niya na din. Wag kang aayaw. Sige ka! magtatampo ako."

" Paano kung ayaw ko? Ano ba..kuya, ky karla nalang ako sasama. Dun nalang ako, mas mabuti yung nandun ako kasi mas madami akong nalalaman sa mga decors at iba pa. Alam mo iyan eh." pagpupumilit ko.

"Kung ayaw mo, edi di nalang namin itutuloy itong surprise na ito para ky eunice."

"Kuya?" napasigaw tuloy ako.

"Kasi nga diba, yung event eh gaganapin natin sa Monteciara beach, alam mo namang goals niyang makapunta doon. Alam ko namang nanggaling na kayo doon diba? kasi may operation kayo nuon atsaka nag outing pa kayo. Kaya nga si lance ang ipapasama ko saiyo kasi kabisado niya rin naman ang lugar na iyon, minsan na din siyang pumaslit doon."

"Naman oh! Akala ko ba, galit ka sakanya? At baka nakakalimutan mong galit parin ako."

"Alam ko iyon. Wag mong ipagkakaila saakin. Hindi ako bulag. Oo galit ako. Pero bago pa kami nagkabati binugbug ko muna siya pagkauwi niya. Nilinaw niya saakin kung anong nangyari nuon at ang masasabi ko lang saiyo bigyan mo ng chance yung taong makapag paliwanag saiyo. Pride mo din eh!" pang gigiit niya pa.

"Gago ka talaga diba sabi ko pabayaan muna yun. Atsaka matagal tagal narin naman iyon. Ayaw ko lang talaga idamay kayo sa sitwasyon namin. Hanggang ngayon nga, yung totoo talaga di ko pa tlaga siya mapatawad, saka na siguro. Ay, iwan ko. By the way..." pag-iiba ko agad ng topic.

"Kailan kami pupunta?"

"Sus, mahal mo pa eh-- halata nga sobra!" pinandilatan ko agad siya.

"Hindi noh" agara kung sabi.

Perfect CombinationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon