Kabanata 11

11 0 0
                                    

Three days

Nagising ako dahil sa liwanag na nanggagaling mula sa bintana ng aking kwarto. At agad akong napabalikwas mula sa pagkakahiga ng  napagtanto kong nag ri-ring pala ang cellphone ko na nasa gilid ng unan ko hudyat na siya pala iyon ang tumawag.

"He—"

"Ganyan ka ba talaga! Do you always wake up late?"

Hindi pa nga ako tapos magsalita nun, ayon na agad ang pang bungad saakin.

Walang manners talaga! Pweh.

Napatingin ako sa wall clock. Alas syete y medya na pala ng umaga. Akala ko maaga pa. Kaya pala nag-aalburoto ang isang to.

Panay pa naman pala ang text at tawag niya kagabi na dapat alas sais palang aalis na kami. Madami pa siyang text doon, at hindi ko nlang inindang basahin lahat, paulit-ulit lang naman. Nagsasayang lang ng load.

Sabagay mayaman eh walang pakialam kung winawaldas nlang kung saan-saan ang pera.

"Hey! I'm sorry okay? nakalimutan ko lang talagang mag set ng alarm clock ko kagabi. Teka nga asan ka na ba?"

"Nasa labas ng bahay niyo!" walang pag aalinlangang sabi niya.

"Wha-t?" hindi ko tuloy maisatinig ng buo ang pagsasalita ko.

"Yup! at kung ayaw mong pasukin kita jan sa kwarto mo, bilisan mo."

"Sh*t! anjan na, wag kang lalabas jan sa kotse mo, tang*na mo!" mura ko agad sakanya.

Ini-off ko na agad at hindi ko na inindang ang kanyang sagot.

Siguro mga 15minutes lang natapos na akong naligo. Basta basta nlang ang pagkaligo ko. Dahil hindi na ako mapakali sa isang iyon. Baka totohanin niyang pumasok. Lintik talaga siya pag nakita siya.

I was wearing my black denim short with a v-neck gray shirt hapit na hapit iyon sa katawan ko. Hindi naman ako mataba, hindi din payat kaya sakto lang naman. Maputi din nman ako kaya nabagay lang saakin ang short kung denim na itim. An a white sneakers. Pag ganito talaga ang sinusoot ko, mas komportable akong maglakad. Hindi naman ako kasing classy na manamit sa iba. Simple lang talga.

Nagpupulbo ako at hindi nako nag abalang lagyan ng kahit light make up. Ok naman siguro.

After twenty-five minutes lumabas na ako galing sa  kwarto at kinuha ko na ang bag kong dadalhin.

Actually, nakapagligpit na ako ng mga damit ko kagabi before ako natulog. So mabuti na talaga yung handa na.

Paglabas ko agad ay nakita ko si mama na naghahain ng agahan habang tinutulungan siya ni papa sa paglalagay ng mga pagkain sa mesa.

Ni anino ni andrea, hindi ko makita.

Lumakad ako papalapit sakanila.

"Ma..Pa.." biglang lingon nila sa harapan ko.

"Oh! aalis kana? kumain ka muna!" aniya ni mama habang iginiwad niya saakin ang isang upoan sa kaliwa ko.

"Ma..aalis na ako. Mejo malayo pa iyong pupuntahan namin at siguro bibili nlang ako doon sa labas, habang mag da-drive si karla, eh kakain ako." sambit ko agad.

"Sigurado ka ba anak? Pwde namang papasukin mo muna si karla dito at kumain muna bago kayo umalis. May kotse sa labas, eh hindi ko nlang tinanong kung siya ba iyon. Siguro siya na nga, kanina pa iyan naghihintay!" aniya ni papa.

Nakahinga ako ng maluwag nang hindi pala alam nila kung sino ang nasa loob. Buti hindi talaga lumabas ang mokong na iyon.

"Pa..wag na po!"

"Ilang days ba kayong mawawala nak?" pagtatanong agad ni mama.

"Three days ata ma..text ko lng ho kayo."

"Sige mag-iingat kayo ni karla"

"Opo pa..! nga pala ma.. si andrea?

"Ayon, tulog pa!"

"Ah, ok po! alis na ako." sabay halik ko sa pisngi ni mama at yakap namn kang papa.

Pagkalabas ko agad ay nakita ko ang kotseng Ford na itim, alam ko na agad na siya na iyon. Malapit na ako sakanyang kotse ng pinatunog niya iyon dahilan upang nagulat ako. Jusko! pwde naman sigurong sumenyas siya noh? fvck!.

Perfect CombinationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon