Kabanata 10

24 0 0
                                    

Dedicated to @cha_macky20

Dinner date

Pagkadating agad namin sa isang napaka sikat na restaurant ay pumasok agad kami, at nakaramdam akong hinawakan niya ang siko ko, hinayaan ko nalang iyon.

"This way po maam & sir." aniya sabay ngiti ng isang empleyado.

Nginitian ko agad siya pabalik at agad ding iginawad ang ngiti ni doc ng sumulyap ako sakanya.

Umupo agad kami, at kinuha na ang menu para pumili sa kakainin namin.

Ano ba yan! hindi ko naman maintindihan ang mga pangalan ng mga menu nila, ni isang pagkain dito di ko pa natikman.

Binaba ko nalang ang menu book at sumulyap nlang sakanya na tila hihintay niya akong makapili.

"Alam mo first time ko dito. Ikaw nalang pumili kaya! Di ko maintindihan ang mga pagkain nila. Ganito ba talaga kapag highclass? grabi doc." sabi ko ng nahihirapang tignan muli ang menu book.

"Kaya pala! Kanina pa nakabusangot yang mukha mo, sige ako nlang ang pipili. Ipapatikim ko saiyo ang paborito kung pagkain dito" aniya at sumulyap sa isang waitress.

Nagbigay agad siya ng mga pangalan na oorderin, kaso ni isang salita niya sa mga iyon ay wala akong maalala. Akalain mong nakaka nosebleed ba naman ang mga pangalan na iyon. Ky hirap namang bigkasin.

Pagkatapos niyang umorder ay, binigay niya agad ang menu book sa waitress tsaka ito umalis.

Nakakamangha naman dito. No  doubt masarap siguro talaga ang mga pagkain nila dito kasi booked na lahat ng mga mesa, may  iba naman reserved na.

Dagsa-dagsa ang mga tao.

"Ah..doc! palagi ka ba dito kumakain?" pagtatanong ko sakanya.

"Stop calling me 'doc..aya wala tayo sa trabaho okay! and I just want to make this dinner date, to be perfect with us" aniya na para bang nanghihingi ng pagsang-ayon ko sa sinabi niya.

"Uh! okay! I'm sorry, medjo hindi lng ako sanay"

"From now on, don't you dare call me doc even we are in our work. That's a deal. Ok?"

"huh! hindi naman pwde yun, kasi diba part na din iyon ng pagrespeto. Ayoko!"

"Okay! enough.. basta pag tayong dalawa lang  kevin nlang itawag mo, atsaka gusto ko din naman kasi madinig yung boses mo na tinatawag mo yung pangalan ko"aniya.

"Sos! Ikaw tlaga, dami mong chichiburichi hahaaha! Nga pala, di mo pa ako sinasagot sa  tanong ko ah!"

"Hahaha! okay! sabi mo palagi ba ako dito kumakain?. Well, yes! minsan kasama ko yung mga kaibigan ko and then my family."

"Wow! as in? dito ka palaging nag lalunch or dinner?" pagtatanong ko ulit sakanya.

"Sometimes dinner. But usually I'm always here every lunch hour."

"Ahh..kaya pala hindi kita gaanong nakikita every lunch"

"So hinahanap mo pala ako every lunch? aniya na para bang sinusuri niya at binigyan diin ang pagtanong ko sakanya.

"No! I mean, minsan lang naman kasi yung mga kasamahan ko sa  station nagtataka lang saiyo kung saan ka nga ba naglalunch. Alam mo namang madaming  nahuhumaling saiyo" sabi ko sabay kuha ng basong may lamang tubig.

"So ikaw hindi?" pabalik niyang tanong na ikinagulat ko naman.

Tila inubos ko na lahat ang laman ng tubig sa baso ng diretso kung nilagok iyon dahil ni isang salita  ko lang sa tanong niya ay hindi ko matugunan.

Perfect CombinationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon