Kabanata 12

16 0 0
                                    

Fashion

Biglang bumukas ang pintoan ng kanyang kotse sa harapan at tila galit na galit pa akong tignan.

"Ano pang hinihintay mo? gusto mong buhatin pa kita jan sa tinatayoan mo? biglang sabi niyang pagalit.

"Ba't ka galit?"

"I said get in" may diin niyang pagsabi

Ayoko nga. Ano siya hello? tatabi ako sakanya sa harap? The hell! over my beautiful and gorgeous body. Tse!

"Oo! papasok na nga diba? pero dun ako sa likod hindi dito. The hell! Gusto ko pang matulog noh!" sigaw ko agad sakanya.

Di bali, hindi naman siguro sobrang lakas yung sigaw ko talaga para madinig nila.

"Anong akala mo saakin driver mo? kung gusto mong matulog pwde nman dito sa harap, naghahanap ka pa tlaga ng mapaglusotan, hindi ko naman kasalanan yan kung bakit kulang ka sa tulog mo!" sigaw niya pabalik saakin.

"Ayoko! dun na ako" sabay turo ko sa likod at aakamang lalakad na sana patungo doon.

Nang may pagbabanta ang kanyang boses, na tila pikon na sakin..

"Sige! mag matigas kapa diyan at mapipilitan talaga akong lumabas at bubuhatin kitang ipasok dito." aniya nanlilisik na ang kanyang mga mata sa sobrang galit sa inasal ko.

Wala na. Wala na talaga akong magagawa pa. Pag pinipilit ko pa ang sarili ko sa gusto ko mas lalong totohanin niya talagang lumabas at pag nagkataon makikita kami dito sa labas hindi pa naman nila alam.

"Damn!" sambit kong padabog na nagmartsa patungo sa harap.

Tila nang-iinis pa ang mokong!

"Susunod naman pala eh! Tsk.. hindi ka parin nagbabago your still Aya na matigas ang ulo, laging sinusunod ang gusto, but damn! starting this day ako ang masusunod!" He said with a calm voice.

Tinignan ko siyang may pagtataka sa sinabi niya. And then naka ngisi lang ang loko! Urgh! pag ganyan siya palagi iwan ko nlang. Malulusaw nlang talaga ako sa kakatingin sakanyang ngumingiti ng ganyan.

Fvck.,this feeling! Natutulala nlang ako tinignan siyang nakangiti habang nagmamaneho siya.

Sh*t! Ba't ang lakas parin ng karisma ng mokong na ito.

Noong magkasama pa kami hindi naman talaga gaano kalaki yung pangangatawan niya sakto lang. But now? ang laki ng pinagbago. Kahit moreno nakakapag dagdag ng appeal sakanyang katawan. Na para bang pagkasama ko siya, safe ako palagi. Ang mga matang kulay brown na nagbibigay sakanyang perpektong mukha at ang kanyang
ilong na matangos at ang labi niyang pulang pula.

Nauuhaw yata ako. Tubig! Tubig! woohh..sobrang init naman dito.

"Seat belt mo ayosin mo. Hindi yung pinagnasahan mo ako jan sa utak mo" aniya at napa ayos ako saaking upoan bigla habang inayos ko ang seatbelt ko ng hindi na agad tumitingin sakanya sabay paypay ko sa leeg gamit ang kamay ko sa sobrang init yata. Fvck! nahuli pa ako.

"Wooh! grabi ang init" I said habang tumitingin parin sa labas.

"As if naman mahina ang aircon dito" He said.

Tinaponan ko agad siya ng pagalit na tingin.."Sinabi ko bang ang hina ng aircon mo dito sa kotse?"

"Bakit hindi ba?" bulyaw niya agad pabalik saakin.

"Shut up!"

Bigla hininto niya ang kanyang sasakyan sa pagmamaneho, buti nlang na ayos ko agad ang seatbelt ko kung hindi abay! iwan ko nlang.

"Magpapakamatay ka ba? kasi kung gusto mo, wag mo akong idamay. Bw*s*t ka! sigaw ko sakanya.

Hindi man lang ako sinagot at pinangdilatan lang niya akong tignan mula ulo hanggang sa paa na para bang sinusuri niya talaga ang sinusoot ko.

Pinagtaasan ko agad siya ng kilay. Habang ang mukha naman niya ay sobrang frustrate sa kakatingin sa soot ko.

"What?"

"Ganyan ka ba magdamit sa sarili mo? Sh*t!" pagalit niyang sabi.

"What? Anong paki mo sa sinoot ko. Fashion iyan. Wag kang ano!"

"Fashion? eh kita nanga binti mo, fashion pa din? yang t-shirt mo sobrang hapit na hapit sa katawan mo, fashion? mahilig ka ba tlagang magbalandara sa katawan?"

"How dare you! Anong gusto mong susuotin ko!? yung sobrang haba ng mga tela na kulang nlang igapos ako? Yung pang madre? may God, bagong henerasyon na ngayon. Atsaka ginusto ko ito, wag mo akong pangunahan at kung ipapakita ko man ang katawan ko wala kang paki. So Shut up ka nlang!" Pasigaw kong sabi habang binalik ang pagtanaw sa labas at hinihilot hilot ko ang ulo ko sa sobrang hyper ng isang ito.

May godness! makakapatay ata ako ng tao ngayon. Pati ba naman ang damit ko, magagalit?. The hell is wrong with him.

Perfect CombinationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon