Kabanata 15

10 0 0
                                    

Feeling mo!

"Mamaya nga pala pagkatapos nating maghaponan nagpapa sched na agad ako para makausap na natin mamaya ang kanilang manager dito" aniya habang inaayos ko ang mga gamit ko sa closet.

"Anong oras ba?"

"Alas syete ang pinapa sched ko."

"Ah ok!"

"Bilisan munang mag-ayos diyan. Maliligo muna ako." aniya at hindi ko inindang tinignan man lang dahil busy ako sa pagliligpit.

"Sige."

Sa kakaligpit ko ay naalala kong tatawagan ko pala o itetext nalang sila karla at kean? ni isang mensahe kong text para sakanila ni hindi ko agad nareplyan. Baka ano na namang iniisip ng mga iyon habang kasama ko siya.

Tetext ko nalang pala, mahal ang load. Masyadong expensive kasi (haha) pagtext makakatipid pa ako (haha).

Ako:

Kar, I'm sorry I didn't even bothered to text you kanina kasi sobrang napuyat ako sa biyahe. Nga pala nandito na kami mga one hour narin. Tetext agad kita mamaya sa kong anong mapag uusapan namin sa manager dito:)

At ni send ko na agad.

Pagkatapos ko agad maitext si karla ay si kuya kean agad tinext ko.

Ako:

I'm sorry I didn't even bothered to reply your text 'kuya kasi nakatulog ako sa byahe. But, hey! you know what? I'm so mad at you! urgh! you did not mention it to me na magsasama kami sa iisang room? the hell!. Kung alam ko lang eh di sana nagpapa booked ako sa malapit na hotel dito. Damn you kean!

Pagkatapos kong ma isend iyon sakanya ay tska naman ang paglabas ni lance kagagaling ng banyo.

Nakita ko agad ang kanyang hubad na katawan sa itaas dahilan upang mabalandara ang kanyang 'Abs!

Wooh! sobrang init. Grabi! malakasan nga ang aircon.

Nasobrahan yata ang init ng papalapit na siya sa aking pwesto at tila nakatitig parin ako sakanyang katawan na para bang walang pakialam sakanyang presensya.

Sa puntong huminto siya sa harapan ko ay tsaka lang ako nakabalik sa huwestro ko ng tumikhim siya.

"Ha?! ah- ano..." tila hindi ko mabigkas ng maayos ang mga salitang inilabas ko ng titig na titig siya saakin. Damn!

Sa sobrang paninitig niya ay, gusto ko ng lamunin ako ng sa sahig ngayon. Ni hindi ko alam ang gagawin ko sa sobrang hiya dahil sa paninitig ko din sa katawan niya na nahuli din ako.

Ngumisi siya at hinihintay niyang dugtungan ko pa ang sasabihin habang tinataasan ako ng kanyang kilay na sakto lang ang kapalan at perpekto ang kanyang pagka kurba. Hiya naman ako saakin!

"Ah, I mean...maliligo na din ako" sabay turo ko sa pintoan ng banyo at lumakad na papunta doon ng natapilok ako at konting konti nalang mamumudmud na talaga ang mukha ko sa sahig at nahalikan na sana.

Mabutit nahawakan niya agad ako at idiniin ang kamay niyang nakahawak malapit sa tagiliran ng 'breast ko! at ang isa naman naka suporta sa bewang ko.

Bigla akong natulala ng hindi parin binibitawan ang kanyang paghigpit na hawak sa dalawang kamay niyang naka suporta.

Kulang nalang mahalikan niya ako sa sobrang lapit na ng mukha namin. Mga hiningang nalalanghap ko na sa sobrang bango niya nanlalambot ang aking mga tuhod.

Kinakabahan na baka isang galaw ko lang ay magkamali ako. Sh*t! ang puso kong sobrang bilis ng tibok nito ay napapraning na ako.

"Sa susunod tingin-tingin din sa paglalakad. Damn! kung hindi pa kita na hawakan agad bagsak ka talaga. Naghahanap ka lang yata ng sakit sa katawan" aniya ng napaayos agad ako sa aking pagtayo na siya namang pagtalikod niya sa harapan ko at hinubad ang tuwalyang nakapulopot sa kanyang bewang na agad ko namang tinalikoran,walanghiya! magkakasala pa yata ako. Hell!

"Ah...I'm sorry ok, kasalanan ko bang natapilok lang naman ako. Duh! at ang bastos mo maghuhubad ka lang naman, wag naman sa harapan ko" sigaw kong pagalit sa kanya agad.

Hinarap niya ako at ningitian..."As if naman ayaw mong makita" bitiw niyang salita at lumakad papunta sakanyang closet.

Abah!

"Sus! mas madami-dami narin naman akong nakita na sobrang ganda pa sa katawan mo noh! as if din naman ikaw lang? hah!" sabay irap ko agad sakanya ng magsasalita pa siya sana ng lumakad na ako papunta sa banyo.

"Feeling mo!" pahabol ko agad bago ko ni lock ang pintoan ng banyo.

After one hour na yata ang pagliligo ko ay natapos na rin at akmang kukunin ko na sana ang damit ko? ahh.. Sh*t! damit ko?! nasa kama nakalimutan ko palang kunin..damn!

No choice. Lalabas ako at kukunin kahit naka tupis lang, siguro naman nasa kusina or sa sala siya diba? bahala na nga.

Pinihit ko agad pabukas ang pintoan ng di sinasadyang siya agad ang nakita kong nakatayo patalikod malapit sa kama at may hawak na cellphone na mukhang may binabasa.

Teka, phone ko yan ah! OMG! pinapakialaman niya ang cellphone ko! the hell with him.

Sinugod ko agad siya ng malalaking hakbang at .."Hey! who told you na pwde mo ng pakialaman ang phone ko?" sigaw ko agad sakanya ng nasa harapan ko na siya ng di man lang ako sinagot sa tanong ko at patuloy parin niyang binabasa ang nasa mga mensahi doon.

"Akin na nga!" akmang kukunin ko na sana ng itinaas niya ang kaliwa niyang kamay na hawak ang cellphone ko para hindi ko maabot iyon sa kamay niya.

What the hell. Pinandilatan ko agad siya ng tumingin siya sa mukha kong sinusuri mula ulo hanggang paa. At ningitian lang ako. Abah!

Pinilit ko paring abutin kahit ang hirap dahil sa sobrang tangkad niya.

Nahihirapan akong abutin iyon. Pagpipilitin ko pang abutin iyon ay baka ito ang dahilan na mahubaran ako sa suot kung tuwalya lang. Sucks!

"Akin na nga eh! pakialamero ka talaga" sabi ko ng huminto na ako sa kakaabot sa cellphone ko.

"Are you dating with him?" aniya tanong na pinagtakha ko naman.

Kunot noo kong tinignan siya at sinagot "who?" sabi ko agad ng hindi parin lubusang nawala ang pagtatakha ko sa tanong niya.

"Who? bakit madami ba sila? kaya hindi mo agad makilala?" seryosong sabi niya ng hindi ma alis alis ang kanyang paninitig saakin.

"Hah!" mapakla kong ngiti sakanya.

"Ano?" pabalik niyang tanong saakin.

"Eh, ikaw din naman ah siguro nga ang dami na ng mga dinedate mo!" pasigaw kong pasabi "atsaka ba't ko pa pala pagdududahan eh ganyan ka naman talaga noong un--"

Sh*t! Nadulas tuloy ako sa mga salitang inilabas ko. Nasabi ko na. Hindi ko na mababawi pa iyon. Ni hindi ko talaga napigilan mailabas ang mga salitang iyon. But, It was all true naman diba?!

"Anong sabi mo?" aniya at hinigit ako palapit sakanya.

Sa sobrang lapit namin sa isa't isa pinagpawisan agad ako sakanyang ginawa ng mas lalo pa niyang ipinag diin ang mukha niya sa mukha ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Perfect CombinationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon