Kabanata 4

23 0 0
                                    

Shit!

From: bessy.karla

Bes, nasa hospital si kuya nandito din ako ngayon.

Kakatapos ko lang magbihis at mag aalmusal na sana nang naka tanggap ako ng text ni karla.

Agad namn ako nagmamadali para makapunta na sa hospital. At di ko na inabala pang mag rereply pa sakanya, dahil hindi ako mapakali kung na panu si kuya. T_T

"Anak..hindi ka ba mag-aalmusal? papasok kana agad? maaga pa nman."

Nilingon ko agad si mama ng nasa pintuan na ako.

"Ma..nagmamadali po ako kasi si kuya kean nasa hospital daw ho! hindi ko din alam kung bakit..basta babalitaan ko nalang po kayo mamaya, aalis na po ako ma." tila pagmamadali kung sabi lumabas na ng dinig ko pa ang huling tugon ni mama.

"Mag-ingat ka anak. Balitaan mo kami." ang pag kaway nalang ang aking tinugon.

"Aya ang aga mo yata ngayon?." aniya isang kasamahan ko dito sa station.

"Emergency lang. Nakita mo ba si karla?" pagtatanong kung hindi mapakali at palipat akung tumingin at nag babasakaling makita siya dito.

"Nasa room 520 siya ngayon. Actually, may idinagdag si doc kevin na pasyente pala saiyo." sabay bigay niya saakin ng record book ng isang pasyente. "Tignan mo nlang jan kung anong room,nalimutan ko kasi."

"Ah..sige thankyou! mamaya ko na aalamin. Sige pupuntahan ko lang si karla ngayon." at tumakbo na ako ng mabilis para makaabot agad.

Nang pagbukas ko ay isang pasyente agad ang aking nakitang nakatalikod sa kanyang hinihigaan. Parang kinakabahan ako, at ang bilis ng pintig ng aking puso, likod palang niya parang alam ko ng siya yun.

Pero hindi..malabong mangyari yun! hindi...hindi siya iyan. Imahinasyon ko lang to. Hay! nako aya, kung ano-ano na iyang iniisip mo, di ka panga halos makatulog kagabi sa kakaisip.

Nakita ko agad si karla na nakatayo sa gilid ng lamesang pinaglagyan ng mga prutas at bulaklak,habang si kuya may kausap sa phone niya.

Pati ba naman dito? Damn..,this day. Di ko na tuloy napigilang magmura ng magmura.

"Shit.. karla? kuya?." maluhaluha kung sabi sa kanila ng makita nila ako.

"Hey! aya , ang aga mo yata, diba mamaya pa ang duty mo??" sabay yakap ni karla saakin.

"Akala ko?...aka--la ko" palipat lipat kung tingin sakanilang dalawa.

Napatingin agad si kuya saakin. Ano wala lng? Ano bah! nalilito na ako. Lord, please pagtibayan niyo ang loob ko. Hindi muna ngayon. Ba't parang ang bilis naman.

"I'm sorry! akala mo siguro ako noh?" pait niyang tawa.

Loko talaga!

"bes, I'm sorry! di ka naman kasi nagreply agad, akala ko tulog ka pa."

"okay lang, akala ko lng talaga kung ano na nangyari ky kuya."

"Ow, tol wag ka munang gumalaw na para bang wala kang sugat jan, baka mainat yan hoy!" biglang pigil ni kuya, at aakmang tatayo ang pasyente.

Nakatalikod parin yung pasyente saamin. Parang walang pakialam kung gaano kami ka ingay. Hindi man lang natinag.

"Sino siya?" pagtatanong ko ky karla tila parang kinakabahan siyang umamin saakin.

"Ahm-- bes, si la-nce!"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Para bang ayaw gumalaw ng aking mga paa upang umalis dito. Panu anong nangyari?

At nang humarap na siya ay siyang pagtagpo naman ng aming mga mata. Mas lalo siyang tumangkad, ang his body was more masculine, na para bang inaalagaan talaga ng ilang years ang katawan niya. Kumukurba ang mapupulang labi. At mas naging mas mature siyang tignan ngayon. But then, the way i look into his eyes, he is so damn cold and hatred.

So, siya pa ang may ganang galit na galit akong tignan ngayon ha! ang kapal ng mukha.







Perfect CombinationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon