Kabanata 2

25 0 0
                                    

Kuya



"Goodmorning manong guard." bati ko habang papasok sa loob ng Saint john hospital.

"Goodmorning din iha:) blooming ka ngayon" biglang sabi namn ni kuya at sabay sabi ko..

"Bolero niyo po manong.." pangiti ngiti kung sabi sabay lakad na at hindi na iniinda ang kanyang reaksyon.

----------------

Room 308 at 410 kung saan dito naka pwesto ang aking pasyente.

Bawat pasyente saaming hospital ay may tig-iisa o dalawang nurse ang mag mamanage. Hindi tulad ng ibang hospital na pa iba-iba ang kanilang nurse na mag mamanage sa kanilang pasyente araw-araw.

Ginagawa nmin to para hindi magiging conflict ang bawat pagmamanage namin sa kanila. Less risk ito sapagkat madali lang ma momonitor namin sila kung magka aberya mn.

"Hello ate aya:) kamusta po?." pagpasok ko palang ay iyon na ang kanyang bungad saakin. Mukhang masigla na ang aking pasyente. Nakakagaan naman nang feeling...

"Hello din sa pinakamaganda kung pasyente. Okay lang si ate aya, ikaw kamusta na ang pakiramdam mo mukhang okay na ang aking jessa." saad ko sabay check sakanyang temperature at BP.


Pangiti-ngiti lang siya at naglalaro na ng kanyang doll nang biglang nagsalita ang mama sa bata.

"Iha..okay naba siya? aniya sabay kuha ko ng record at sinusulat ang temperature at BP sa bata.

"yung temperature niya po medjo normal na at ang blood pressure niya namn ay ok na din po, at base sa record ko dito yung pletelet niya medjo tumaas na din, so ang e aadvice ko lang po sainyo ay lagi niyo po siyang pa iinumin ng tubig at dapat po kumain sya ng kumain para mas magiging malakas siya at mas lalo tumaas ang kanyang pletlet. Paalala kulang po na sabi ni doc saakin bawal po siyang pakainin ng mga coloring food, at yung mga matatamis na pagkain. Bibigyan ko nalang din kayo ng gamot para inumin niya after sakanyang lunch meal." paliwanag ko sakanya habang kinukuha ko ang gamot at ibinigay na sakanya.

Uso talaga ang dengue ngayon. Naku! mga pisting lamok talaga.

Nang tinignan ko ang bata, mukhang nag-eenjoy siya sakanyang nilalaro. Palapit ako sakanya at hinahaplos haplos ang kanyang ulo at tumingin saakin.

"Malapit na ang lunch mo, inumin mo agad ang gamot mo para mas gumaling ka. Di ba gusto mo ng umuwi? hayaan mo pag malalamn na bukas na okay ka na pwdeng kanang ipapauwi ni doc okay? At agad niyang iginawad saakin ang napaka malaking ngiti niya.

"Sympre din po magaling kasi ang nurse ko. Maganda na mabait pa." masiglang niyang komento habang pangiti ngiti nman ako sabay lalabas na sa kanyang room.

"Ikaw talaga mahilig kang bumanat ha! hmm..sige na bbye aalis na ako pagaling ka little girl." Sabay kaway ko sakanya at sabay tango ko naman sakanyang mama.

"Hi! tapos kana?." biglang bungad saakin ni kuya kean habang naglalakad ako ng biglang nang gulat sa tabi ko.

"Ikaw talaga kuya kean ang hilig mong manggulat talaga. Jusko! wag munang gawin ulit yun ah." saad ko at agad naman niyang kinurot ang aking ilong.

"Oo.. na po! sorry nah:)." nagpapa cute niyang sabi.

"Anong oras kayo matatapos mamaya? itetext ko nlang sana kayo kaya lng naiwan ko sa bahay yung phone ko.Si karla tinatanong ko pilosopo eh.. bipolar ng kapatid ko." naiinis niyang sabi.

"Mamaya pang 9:30pm ang uwian namin. At tsaka may lakad kami mamaya ni karla alam mo na girls bond."

"Girls bond ka jan. Walang lalakad sainyo mamaya. Susunduin ko kayo kasi miss na miss na kayo ng anak ko tsaka ni Eunice. Balak kung dun na din kayo mag dinner ni karla pagkatapos ng work niyo."


"Kuya! epal ka talaga. Sige na nga.. idadahilan pa talaga ang mag ina niya para di kami matuloy..tssss ."

"Hahaha you know me Aya. Pag sainyo nah strict ako alam niyo yan. Sige bye nah.. may meeting pa akong pupuntahan. Text ko kayo mamaya." aniya sabay halik sa noo.

Sweet talaga ni kuya, kahit na hindi ko siya tunay na kapatid pero para sakanya kapatid ang turing niya saakin kahit na may karla na siyang kapatid.

Nagkakilala kami ni kuya kean dahil ni karla at medjo second year na siya roon ng business management at first year palang kami nuon ni karla.

Hanggang sa naging close kami at naging official turingang kuya ko na siya.

Eunice is her wife. Bago palang sila ikinasal at my isang baby angel na silang two years old.

Lance and kuya kean ay magbabarkada pa noong Secondyear palang silang nagkakilala, pareho din silang kursong business management at mga varsity player pa nuon.


Alam niya ang sitwasyon ko ky lance, sobrang galit siya nuon. Parang gusto niyang bugbugin ng bugbugin si lance dahil sa ginawa niya. Buti nanjan si ate eunice sa tabi niya palagi para pa kalmahin siya.

Perfect CombinationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon