Kabanata 3

25 0 0
                                    

Balita


"Hello po..." biglang  takbo ni baby janella para yumakap saakin at ni karla.

"Ang bango namn ng baby namin. Tsaka gumanda lalo ah.." sabay kinorot ang pisngi niya ni karla.

"Oo nga! hmm.. saan pa nga ba magmamana eh di sa mother, Hahahha." sambit ko naman.

"Wag kayo ganyan. Iniinis niyo naman kuya niyo. Simangot tuloy siya." ani eunice

Hahahhaha..tawa namin lahat maliban ni kuya.

"At ako talaga ha! tsk.. okay na nga lang sa mommy niya magmamana kaysa naman sa kapatid ko." bulyaw niya sabay tingin ni karla.

"Luh..ang kapal mo talaga kuya. Sige ka isusumbong kita ky mama at papa. As if nman gwapo ka eww.." biro ni karla habang natatawa.

"bakit? maiinlove ba ang ate Eunice mo saakin kung hindi? oh ano babe?.."

"Sympre! ikaw pa.. bibigay ba ako kung hindi? tsaka It doesn't matter to me kung gwapo ka o hindi babe, bastat mahal kita at mahal mo ako,walang problema.." aniya.

"Ehemm..wag nga kayo mag drama jan! Nandito si Aya oh.., bitter pa nman yan." sabi ni karla sabay yakap sa likod ko, at ako talaga ang pinag tripan.

"Hahaha..hindi na iyan magiging bitter, dahil malapit na ang kanyang prince charming." sabay pulupot ng bewang sa kanyang asawa.

"Prince charming?woah! sa libro lng makikita yan, di naman nag e-exist yan eh,.. tsaka anong pinagsasabi mong prince charming jan ha?! loko ka tlaga kuya." hahampasin ko sana siya ng biglang nagtago nga namn sa likod ni eunice.

"tama na yan! kumain na tayo baka lumamig pa iyong hinanda ko." ani eunice.

"bes?." biglang siko saakin ni karla habang naglalakad na kami papunta sa hapag kainan.

"hmmm..?." lingon ko agad sakanya.

"Wag kang magugulat ha! Nakauwi na pala yung ex mo, nandun kasi kaninang umaga bumisita sa baby nila kuya. Alam mo nman close yan sila kuya." pagpapaliwanag niya, habang ako hindi mapakali.

Akala ko ba, okay na ang lahat? Nakakapag move-on na ako diba? uulit parin ba yung dati?
Bat hindi ako mapakali? ba't biglang gusto kung makita siya at gusto kung pag sampal sampalin siya? Akala ko ba naghihilum na itong sugat sa puso ko.

"Kailan pa alam  ni kuya kar?." pagtatanong kung hindi mapakali.

"Iwan.. di rin nman niya sinasabi  saakin na nakauwi na pala yung gago na yun! 

"So anong balak mo ngayon?!." aniya.

"Wala no! at wala akong paki kung nakauwi na siya dito, baka masampal ko lang siya pag nakita ko." pagalit kung sabi.

"Woooh! grabi ka namn, hindi mo parin ba mapapatawad? bessy, alam ko ang mga ganyan eh-- pag ang isang tao hindi pa naghihilom ang sugat sa nakaraan at patuloy parin itong naging poot sa galit ay ibig sabihin lang jan, hindi ka pa nakaka move-on at pwde ring sabihin nating mahal mo pa siya." nang-iinis niyang sabi.

kinurot ko tuloy ang tagiliran niya.."Bessy! ano ka ba, hindi no! di ko na siya mahal, wag kang ano jan."

"Aya,karla.. anong pinag-uusapan nyo jan ha?." tila nagulat kami sa seryosong boses ni kuya ng nasa hapag-kainan na kami.

May tinatago ka ba saakin kuya? akala ko ba kakampi kita, noong una nga halos gusto mung bugbugin si lance, ba't ngayon parang okay na. Iwan ko sainyo.

"Ah..ano wala kuya! tinatanong kulang kung susunduin ba si aya ng papa niya, diba aya?" aniya.

"Ahm--oo! kuya totoo yun."

Perfect CombinationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon