Kabanata 13

9 1 0
                                    

Namamanhid

"Fvck! this day!" sabay mura at hampas niya sakanyang manobela atsaka ko pa naramdamang umaandar na ang sasakyan.

Hindi ko na inindang lilinungin pa siya. Nakaka bwisit. Mas mabuting matulog nlang muna. Mas mabuting tumahimik nlang at baka ano pa ang masumbat ko sakanya, kung sabagay matagal pa naman ang seven hours and thirthy minutes na aabot kami doon sa hotel na pupuntahan namin.

Napamulat ako ng naramdaman kong huminto ang kotse.

Nilingon ko agad siya ng binuksan niya ang bintana ng kanyang sasakyan.

"limang  big size ng burger at dalawang mango float, spaghetti atsaka chickenjoy miss" aniya.

Wow ha! ang dami. Gutom na nga pala ako. Hapdi pa ng tiyan ko. Paano yan, hindi pa kami nagka bati simula kanina. At sa pagkakaalam ko kailan naman kami magbabati eh pagkasama ko siya  para kaming aso't pusa. Tsk...

Gutoom ne telege eke eh! sene kemein neleng eke kenene se behey.

"Ito na po lahat sir.." pa cute cute pang sabi ng babae sabay bigay niya sa mga supot na inorder ng loko. "Thankyou sir" sabay ngiti ng babae.

Tinignan ko naman ang loko at iginawad naman pabalik ang ngiti dun sa babae.

Kung makapag harutan nman ang dalawang to. Ito naman si girl, subo agad! asos.., matinik yan girl!

Paglingon niya agad sa pwesto ko ay akala pa niya sigurong tulog pa ako. Kaya nagulat pa ata.

"Ano?" tinaasan ko agad siya ng kilay.

Naku! Aya..gutom ka diba! ayan nagsisimula ka na naman.

"Wala! akala ko lang tulog ka pa. May four hours pa tayong byahe, kumain ka muna. Alam kong hindi ka kumain sa inyo. Ito.." sabay bigay niya sa isang supot na may limang burger at isang mango float.

Ang bait naman. Mwahahahaha!

"Ang dami naman niyan" tila pinakalma ko na ang boses ko. Ito na. Kainin ko muna ang pride ko. Getem eh!

"Ayaw mo? buti nga binilhan kita ng madami, tignan mo nga yang katawan mo sobrang payat mo!"

Napatingin naman agad ako sa katawan ko.

"Hindi naman ah!" singhal ko agad sakanya.

"Tss.." sabay irap niya at binigay na saakin ang supot na iyon.

Wala nang hiya,hiya! Kumuha na ako ng isang big burger at kinagatan na iyon habang sinulyapan ko siyang sobrang focus  sakanyang pagmamaneho.

"Ikaw hindi ka ba kakain? ang aga mo kaya kanina sa bahay." sabi ko ng napagtanto kung gutom din cguro din siya.

Mas mabuti na sigurong minsan huminto nlang muna sa mga salitang puro nlang away at sigawan. Nakaka wala ng boses at nakakasawa. Try ko nlang din makipag sundo sakanya na walang pasakit na salita.

"Paki-kagat nalang  ng burger mo" aniya hindi parin sumusulyap saakin dahilan upang magkonsentret siya sakanyang pagmaneho.

No way! kinagatan ko na. Tapos makikikagat pa siya. No!

Binalingan ko siyang may pagtatakhang mukha. Kahit naman hindi siya sumulyap saakin , alam kong sa  gilid ng mga mata niya alam niya ang ekspresyon ko ngayon.

"Ayaw mo?" aniya.

"Ha? ano kasi kinagatan ko na. Kukunan nlang kita nang isa, isusubo ko nlang saiyo" aakmang kukuha na sana ako ng isang burger nang binagalan niya ang pagmamaneho at binalingan ako ng mapanuring mata niya.

And then he smirk.."Ba't ayaw mo? natikman ko na yang labi mo, pakagat lang ayaw mo?" at pinabilis na niya ang kanyang pagmamaneho.

Pinamulahan agad ako ng mukha! Ugh! Gusto kong magtago ng hindi niya makikita ang pagmumukha ko. Sh*t!

Chill aya..chill!

"Oh! kagat na" sabay abot ko sakanaya para masuboan siya. Tsss...

"Thanks!" aniya matapos kainin ang burger ko sabay ngiti niya.

Wag kang ngumiti gago ka! Baka bibigay pa ako.

"Tubig?" wow ha! ang bait ko naman.

Sympre, baka mabilaukan pa iyan. Paktay ako. Duh!

Napalingon agad ako sa tabi ko ng tumunog ang kanyang cellphone. Mariel? girlfriend niya siguro.

"Excuse me" aniya at sinagot ang tawag.

Tumango nlang ako at umupo na ulit ng maayos habang tanaw ko mula sa bintana ng kanyang sasakyan na nadadaraanan namin.

"Hi! yeah.. I missyou too" aniya sa kausap niya.

God. I can't believe this. Why? paulit ulit nlang ba ako babalik sa dati? damn this feeling. Iba talaga eh. Parang may mean talaga sila sa kausap niya ngayon. Ba't  parang kinikirot ang puso ko na paunti unti.

Hindi ko namalayang tumulo na pala  ang luha ko dahilan upang yumuko ako at pinunsan iyon.

Bwisit na luha. Traydor talaga.

"Hahaha! Imissyou and I loveyou too, yeah! I promise bibisita ako tell your dad and mom okay?!."

Yun parin ang nadidinig ko. Iwan kong tapos na ba. Hindi ko naman binigyan pansin na sumulyap sakanya.

Patuloy pa din ang luha kong tumutulo habang hawak ang cellphone kung kanina ko pa binabasa ang mga text nila doc, karla at kean. Mismo ang mga text nilang nagpapahiwatig ng pagmamahal hindi ko nafefeel. Pisting luha talaga. Pati puso ko namamanhid sa mga text na binabasa ko.

Perfect CombinationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon