"Oh my, malalate na ako!"
Kasalukuyan akong tumatakbo papuntang academy dahil limang minuto na lang ang natitira bago magsimula ang aming first subject sa umaga.
Walking distance lang sana ang layo ng bahay namin sa paaralan pero ngayon ay running distance na kasi late ako.
"Hala! Nakalimutan ko ang mga requirements na ipapasa ko mamaya!" litanya ko at mabilis na nag U turn pabalik sa bahay namin. Wrong timing naman, eh!
"Anak, bakit napaaga yata ang dating mo?" rinig kong biro sa akin ni Mama Mary habang papasok ako sa loob. Kahit hinihingal ako ay kinaya ko pa rin!
"Nakita niyo po ba ang mga requirements ko, Ma? Nakalimutan ko kasi," wika ko habang hinahabol ang aking paghinga sabay kamot sa batok.
"Heto. Buti nakita ko. Oh siya, pumunta ka na sa school niyo, late ka na," wika ni Mama sabay abot ng folder.
"Salamat ma! Love you!" paalam ko sa kanya at kumaripas ng takbo papuntang akademya.
Nalate ako ngayon kasi kagabi gumawa pa ako ng research papers at portfolio na supposed to be ay group work. Ewan ko ba pero sa tingin ko ay ayaw sa akin ng mga kaklase ko. Parang insecure sila or something.
Natatanaw ko na ang entrance ng St. John Academy ngayon. Kahit hinihingal ay mabilis akong tumakbo papunta sa malaking gate na kulay pilak. Napatingin ako sa aking orasan at masasabi ko na late na talaga ako.
Pero biglang nawala ang aking pagkabahala nang maaninag ko ang loob ng aming napakagandang paaralan.
This school is considered the best in the country kasi lahat ng bagay dito ay nasa whole new level. Ang owner kasi ng school na ito ay mula sa ibang bansa kaya parang na-innovate niya ang school na ito just like the universities abroad.
Mayroon itong dalawang malaking building na kinokonekta ng bridge sa gitna. Gawa sa glass halos lahat ng infrastructure rito kaya bongga talaga! At marami ding matatagpuang mga tanim at halaman na nagpapakitang environmental friendly ang paaralang ito.
Dream school ko talaga 'to!
Pero nabalik naman ako sa reality nang mabunggo ako ng isang estudyanteng mabilis na tumakbo papasok. Hindi ko na sinermunan ang taong iyon dahil wala ng oras. At sanay na akong masaktan, joke!
Ipinakita ko na kay kuya guard ang ID ko at tumakbo na rin na parang nagmamarathon papuntang second floor kung saan ang first class namin.
Naalala ko na si Ma'am Ramos pala ang guro namin sa unang klase which is Math. I'm so dead! Strikto pa naman siya at palaging nagbibigay ng detention slip sa mga estudyanteng late.
Bago ako kumatok ay huminga muna ako ng malalim. Pinihit ko ang doorknob at dahan dahan akong pumasok sa loob ng classroom namin.
"Miss Evans?" rinig kong striktong tawag sa akin ni Ma'am Ramos. Here comes the stepmother of Cinderella.
"Good morning po ma'am. Bakit po?" magalang kong tugon sa kanya habang tinatago ang aking kaba.
"Ilang beses ka na ngang nahuli ngayong linggo?" tanong ni ma'am. Hindi ko alam na Biyernes na pala ngayon.
"Three times po," mahina kong sagot.
"Bawas bawasan ang pagiging late baka masuspend ka ng one week, Miss Evans. Am I clear?" tanong ulit ni ma'am habang nakataas ang isang kilay. Her word usage is nice pero may something sa way ng pagsabi niya nun kaya kinabahan talaga ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/69805779-288-k53901.jpg)
BINABASA MO ANG
Irreplaceable
FantasíaClair Evans is contented and happy with her simple life. But an unexpected event barrels her into a magical world that she never knew existed. Battling fiery enemies and hideous monsters, Clair struggles to adapt and survive in Endova. But the walls...