Chapter 6

834 33 0
                                    

"Jasmine, may multo ba dito sa academy?" tanong ko sa aking kasama habang sabay kaming naglalakad papunta sa hall kung saan kami magkaklase. Ikatlong araw na ngayon ng stay ko dito sa Queentia. So far, I couldn't deny na nagugustuhan ko ang school na ito. Pero may something talaga dito na hindi ko maipaliwanag. Kagaya lang ng mga lumulutang na ilaw na nakita ko noong nakaraan.

Kumunot ang noo ni Jasmine sa tanong ko. "Kahit wala akong third eye ate, masasabi kong wala namang nagpaparamdam dito sa QA. Bakit niyo pala natanong?"

Nadismaya ako ng konti sa sinabi niya. Nagmamalikmata lang ba ako? Parang totoo talaga yung nakita ko.

"Bigla lang pumasok si isip ko, Jasmine. Siya nga pala, salamat nga pala ulit dahil tinulungan mo akong ibalik lahat ng mga libro noong Lunes," pahayag ko sa kanya. Iyon kasi ang binigay na consequence sa akin dahil nabasag ko ang malaking vase noong nakaraan. Mabuti nga at iyon lang ang parusa sa akin at hindi na ako hiningan ng pera para pambili ng bago. Mukhang mamahalin pa naman yun.

"Ten times ka na yatang nagthank you ate. Walang anuman po. Buti nga naexercise ko yung mga balikat ko," sagot niya ulit sabay ngiti. Bakit ang bait bait ni Jasmine? Mahihirapan tuloy akong magpaalam nito sa kanya kapag aalis na ako.

Aalis ka nga ba, Clair?

Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa hall kung saan gaganapin ang aming Beautification Class. "Girls, please quickly settle in." Pagpasok namin ay iyon agad ang aming narinig. Malawak ang hall kung saan kami ngayon, may mga malalaking bintana rin at chandelier sa itaas. Pero ang pagkakaiba ng hall na ito sa iba naming classrooms ay may mga life-size mirrors ito na nakatayo sa gitna ng kwarto. Pabilog ang pagkakaayos ng mga salamin at mahihilo ka kapag tititig ka sa mga ito.

Like a kaleidoscope.

"Pick your own mirror. The number of mirrors are enough for all of you." Naghiwalay muna kami ni Jasmine para maghanap ng bakanteng mirror dahil taken na halos lahat. Sa pag-iikot ko ay may nakita na rin ako sa wakas. New students kaming lahat dito dahil nasa kabilang room ang mga Elite.

"Before we start, let me introduce myself to all of you. I am Lady Gabriella Florae Felicidy, your instructress." Nakalugay ang hanggang bewang niyang ginintuang kahel na buhok na lalong bumagay sa kanyang maputing kutis. May suot na eyeglass si Lady Gabriella pero nangingibabaw pa rin ang berde niyang mga mata.

Sabay sabay naman namin siyang binati na may kasamang curtsy, ayon na rin sa itinuro sa amin na princess etiquette.

"Because this is our first meeting in this Beautification Class, I am giving you a simple task. What is beauty? Look into the mirror and see."

Pagkatapos ibigay ni Lady Gabriella ang instructions niya ay natahimik kaming lahat. Ano ba ang gusto niyang iparating? Naguguluhan ako.

"Each one of you will then explain to me what you see in the mirror. This is an instrument that can be used for self-reflection. Because after ten minutes, you will all define beauty and yourself in front of everyone."

Lahat kami ay sabay humarap sa aming kanya-kanyang salamin. Kahit hindi ko masyadong nakuha ang mga bilin ni Lady Gabriella ay nagsimula na lang ako.

While standing in front of the mirror, I realized that it was too awkward. Minsan lang kasi ako nag-aayos at hindi naman ako ganun kaself-conscious pero ngayon na tinitignan ko ang sarili kong repleksyon, nakaramdam ako ng kaunting pagkailang. Dahil pabilog ang pagkakaayos ng mga salamin at nasa loob kaming banda nito ay nakikita ko rin ang ibang new students. At habang pinagmamasdan ko ang mga repleksyon nila sa aking salamin ay parang nakaramdam ako ng inggit.

Inggit? Mali ang mainggit sa iba, Clair.

Pero sa paraan kasi ng pagdala nila sa kanilang mga sarili ang lalong nagpapaganda sa kanila. At ano na lang kaya ako? Na mahilig kumain na para bang walang bukas at walang diet diet sa aking vocabulary. Napabuntong-hininga na lang ako.

IrreplaceableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon