"Naubos mo na ba?"
Nahihiya akong tumango sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Nagpakilala siya sa akin bilang si Lady Sarah kahapon pagkatapos umalis si Lady Venice. Nang makita ko siyang nakasuot din ng puti ay may hinala agad ako na siya ang Head ng Infirmary. Her long dark bown hair suits her well and I can see her innate gentleness when looking at her face.
Iniabot ko sa kanya ang vial na may lamang replenishing potion na ipinainom niya sa akin kanina lang, para manumbalik ang aking lakas. Nung una ko ngang nakita yung berdeng likido sa loob ng maliit na glass ay nagdalawang-isip ako na kunin iyon. Malay ko ba, baka lason yun, kadalasan kaya sa mga green liquid ay poison. But Lady Sarah assured me that it was safe that's why I drank it all up. Parang tubig lang din naman siya pero nang maubos ko ay gumaan ang aking pakiramdam.
"Kumusta na ang pakiramdam mo ngayon, Clair?" Tanong niya naman sa akin pagkatapos kong iabot ang lalagyan sa kanya.
"Feeling much better po. Meron pa bang ibang potion aside sa ininom ko?" Napatanong din ako sa kanya. Now I know na totoo talagang may nag-eexist sa bagong mundo na ito, may part sa akin na unti-unting tinatanggap ang lahat ng mga pagbabago. Dahil sabi nga ni Madame Elizabeth, I need to accept myself so that I can accept the world where I truly belong in.
"Hindi ko maibibilang ang iba't ibang klase ng potions dahil sa sobrang dami nila. With enough ingredients and knowledge about potion brewing, you can create any potion you want to have," sagot niya naman sa akin sabay ngiti. Naalala ko sa kanya yung mga nurse na nakikita ko sa mga ospital. Lady Sarah really had that comforting aura around her.
Nakita ko rin na siya ang gumawa ng replenishing potion na ipinainom niya sa akin kanina. And I found it cool.
"Natry niyo na pong gumawa ng love potion?"
She silently chuckled and she seemed to reminisce a certain memory. "Yes but it turned out a mess. I won't do it again," sagot niya nang nakangiti. "Magpapagawa ka ba Clair?"
"Natanong ko lang po. Wala po akong balak," sagot ko na lang habang nakayuko. Lady Sarah had that mischievous grin na parang binibgyang malisya ang tanong ko. Kaya I decided to change the topic.
"Mind reader po ba kayo?"
Lady Sarah said no and I let out a sigh of relief. "Did Madame Elizabeth's mind reading skills surprised you?" Tanong niya kaya napatango ako.
"As far as I know, siya lang naman ang may kakayahang magbasa ng isipan ng iba sa buong academy. It was a very rare skill that can be very useful but difficult to learn. But you can stop her from reading your thoughts by imagining that you're building an impenetrable wall around your mind to block her away. You should never lose your focus because your wall can easily crumble if you're distracted."
Sounds easy, pero ang hirap gawin.
"Madame Elizabeth is not a mind reader alone because she's popularly known as The White Force. It's her alias for she can manipulate energy to create force fields. She is the one who generated the invisible shield protecting Queentia Academy today."
Kaya naman pala nung makalabas ako sa academy ay naramdaman ko na parang delikado. It was the shield of the school that made us all safe and secure inside its towering walls.
"Woah! Ang galing naman nun! Kayo po pala, Lady Sarah, ano po yung ability niyo?"
"My gift is involved with nature that's why I'm called as a naturalist. I can communicate with different animals and creatures and I can hear the voice of nature itself."
Pagkatapos nun ay nakita kong lumapit si Lady Sarah sa may bandang bintana kung saan may nakapatong na tatlong paso. Wala iyong laman pero nang itapat ni Lady Sarah ang kanyang palad doon ay may kakaibang nangyari. The seeds that were actually buried deep within the soil slowly grew up into three buds. And with a snap of her finger, they all opened up and bloomed into magnificent flowers.
BINABASA MO ANG
Irreplaceable
FantasyClair Evans is contented and happy with her simple life. But an unexpected event barrels her into a magical world that she never knew existed. Battling fiery enemies and hideous monsters, Clair struggles to adapt and survive in Endova. But the walls...