Natauhan na lang ulit ako nang tumigil silang apat sa harapan namin ni Jasmine. Nakayuko si Jasmine sa tabi ko. Akala ko'y nahihiya lang siya pero iyong pagyuko niya kasi ay parang way of greeting ng mga Koreans na napapanood ko sa mga KDrama. So maybe royalty nga ang apat na ito? Nagpanic naman ako kaya ginaya ko rin ang ginawa ni Jasmine.
"Kahmsamnida," aksidente kong nasabi nang magbow din ako. Napaface palm ako sa aking sarili sa isip ko. Ano bang pinagagawa mo, Clair?
Pero habang nakayuko ako ay nandyan pa rin ang apat na lalaki kaya tumingala ako sa kanila. At muli kaming nagkatitigan nung lalaking may ash gray na buhok at charcoal colored eyes. Naramdaman ko naman ang biglang pag-init ng pisngi ko. Hindi ko na napansin ang ibang kasama ng lalaki dahil sa kanya lang talaga nakafocus ang paningin ko. Kung ice lang ako, baka kanina pa akong natunaw dahil sa super intense pero nakakakilig na titig niya.
Are you even real?
"What do you think?"
Napaatras ako nang makarinig ako ng boses sa loob ng aking ulo. Nakatitig pa rin sa akin ang lalaki kaya feeling ko na siya ang nagsalita. Pero nagulat ako nang tinaliman ako nito ng tingin bago nila kami nilagpasan. Ang sungit!
Pero atleast ngayon alam kong kailangan ko na talagang matutong gumawa ng mental barrier para safe ang mga inner thoughts ko. Paano na lang kasi kung puro mind reader pala silanhg lahat, edi wala na akong privacy nun.
"Excuse me ladies, we're running late. See you around later. And by the way, my name's Prince. The prince charming you've been waiting for your entire life," makahulugang wika ng lalaking katabi ng nagwalk-out. Baby faced siya pero halata rin sa mukha niya ang pagiging casanova. Bumagay naman sa kanya ang blonde niyang buhok, parang KPop idol siya. Hay nako Clair, napaghahalataan ka na!
Nakita ko ring kumindat siya sa amin at marami namang nagtiliang mga estudyante dahil doon. Wow naghintay talaga sila para sa mga lalaking to. Yung dalawa namang natira ay tahimik lang. Iyong isa ay nakasuot ng glasses pero hindi siya mukhang nerd dahil sa tikas niya. Nagtama ang mata namin at nginitian niya ako at mukha naman siyang mabait kaya ngumiti rin ako pabalik. Ang haba talaga ng hair ko! Habang seryoso naman ang katabi niya na may messy dark brown hair at dire-diretso lang sa paglakad.
Sumunod na rin ang ibang mga students sa kanila kaya naiwan kami ni Jasmine sa hallway. "OMG Ate! Ang gwapo po pala talaga ni Prince Jacob! OMG!" Nagulat naman ako sa reaksyon ni Jasmine. Parang late kasi eh. Feeling ko nagpipigil lang siya kanina. Iyon kasi ang turo sa amin sa Princess Etiquette. Dapat maging composed and graceful pa rin kahit sa anong sitwasyon. Na hindi naman naapply ng mga female students na habol pa rin ng habol sa apat. Fans club lang ang peg?
"Sino sa kanila, Jasmine? Prince din kasi yung pangalan nung isa?" Tanong ko naman sa kanya.
"Yung ash gray po yung buhok, siya po si Prince Jacob. Iyong isa naman po ate sadyang Prince lang talaga ang name niya."
Napatango naman ako. Reasonable naman. Rich kid yung Jacob eh kaya suplado ang datingan. Pero naalala ko naman kung paano bumilis ang tibok ang puso ko kanina. Makapacheck-up nga ako sa susunod sa Infirmary. Baka may sakit pala ako sa puso. Oh no! Huwag naman sana! Gusto ko pa magkalove life!
Pero hindi pa pala nasasagot ang gumugulo sa akin. Bakit napadpad ang mga nagagwapuhang nilalang na iyon sa academy namin?
Tuluyan na rin kaming nakalabas ni Jasmine sa school building ng Queentia na pwede mo ring maihalintulad sa isang palasyo. And ngayon ko lang din naappreciate yung ganda ng infrastructures sa school namin dahil ngayon lang din naman ako nakalabas. Mostly kasi ay sa loob ng palace yung mga subjects namin kaya no need na lumabas. At nung tumakas nga ako last time di ko rin napansin ang karangyaan ng school dahil nagpapanic na ako nun.
BINABASA MO ANG
Irreplaceable
FantasyClair Evans is contented and happy with her simple life. But an unexpected event barrels her into a magical world that she never knew existed. Battling fiery enemies and hideous monsters, Clair struggles to adapt and survive in Endova. But the walls...