"Looks like all of you already got it. Now I'll be calling you one by one to execute this greeting."
Kakatapos lang kami turuan ni Lady Venice patungkol sa simple curtsy na isang paraan daw ng pagbati ng mga royalty. Madali lang naman yun gawin dahil basic pa lang naman at magaling din kasi magturo ang teacher namin.
While looking at her earlier, Lady Venice may appear cold and very authoritative on the outside. She got this long gray hair na nakapony tail, which is a significant characteristic about her. At kumikilay goals din siya, na bumagay naman sa kanya pero dahil dun, nagmukha siyang strikta.
Kaya nga pagkapasok namin kanina ni Jasmine sa class niya about Princess Etiquette ay kinabahan kami dahil baka terror ang teacher namin. Na tipong may konti lang na mali sa posture and stuff ay pagagalitan na kami at palalabasin sa hall.
Yes, she is indeed strict. Pero may something sa kanya na biglang nagpagaan sa loob ko. She really seems dedicated with her role in Queentia Academy and I can see in her face that she's eager to teach us. Kahit alam ko na paulit ulit niyang tinuturo to sa mga students every year. Dedicated pa rin siya sa kanyang ginagawa.
The Princess Etiquette Class is our first and only subject this Monday. Laking pasasalamat ko na lang kay Jasmine dahil kung hindi dahil sa kanya, ay baka nalate na naman ako sa first day of class. Sa klaseng ito ay pinagsama-sama ang lahat ng student sa Queentia Academy. And there were almost three hundred students in this school, including me. At hindi kami sa classroom nagklase ngayon, dahil nasa Function Hall kami ng academy. Everything about this hall was really nice. Bright chandeliers, shiny floors, gigantic marble columns, wonderful paintings and a spacious area. Perfect for our class!
At dahil nga magkakasama ang lahat ng students ngayon, ang ibig sabihin nun ay makikita rin namin ang 4 Reigning Queens kuno ng academy. Speaking of, nakita ko silang mahinhing nakaupo sa mga upuan na nasa harap namin. Nakapuwesto kasi ang mga upuan namin ngayon ng pabilog kaya kaharap ko sila habang nasa gitna sina Lady Venice. Nang magtama ang paningin namin ni Scarlet, nakita ko na may ibinulong siya sa tatlo niya pang kaibigan. And after that, they started laughing. Kahit malayo ang distanya namin sa isa't isa, alam ko na ako ang pinag-uusapan nila. But hello, I don't care. Bahala sila sa buhay nila.
Sa loob ng hall, namayagpag ang katahimikan. Parang takot kasi halos lahat kay Lady Venice, kahit na ang grupo ng mga Elite students, yung mga estudyanteng ilang taon nang nag-aaral sa academy, na kinabibilangan ng apat na reyna.
"Just practice a little more. Now, who's next?" Rinig kong sambit ng aming teacher. Nakita kong tumayo ang katabi ni Jasmine at naglakad na papunta kay Lady Venice. Is it just me o parang napansin ko na mas tumahimik ang hall? And I can see some students whispering to each other. Anong meron?
Umusog ako ng konti palapit kay Jasmine na katabi ko sa bago magtanong. "Jasmine, bakit ganun ang reaction nila sa student na iyon?"
Tiningnan muna ni Jasmine si Lady Venice baka kasi mapagalitan kami kung mahuli niya kaming nagtsitsismisan. Busy pa naman ang aming guro kaya nagsalita na rin si Jasmine. "Siya po si Lily Summer. Only daughter ni Madame Eliza, Ate Clair."
I didn't expect that. "Woah! May anak pala si Madame. Pero bakit parang ilap ang ibang students sa kanya?"
"Baka takot lang sila sa Headmistress ate. But I tried approaching her before, and she just stared at me quietly. Kaya inakala ko na snobber siya at ayaw makipag-usap sa iba. Pero mali ako dahil hinusgahan ko agad siya. Lily can't talk to others because she's mute," bulong sa akin ni Jasmine.
Eksaktong natapos na rin si Lily kaya nagpaalam na sa akin si Jasmine dahil siya na ang susunod.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nalungkot ako sa kalagayan ni Lily. Napakahirap siguro kapag hindi ka nakakapagsalita dahil hindi mo maipalabas ang gusto mong sabihin. Parang wala ka ring pinagkaiba sa isang taong nakakulong o sa ibong nasa loob ng hawla. You don't have the freedom most people have.
BINABASA MO ANG
Irreplaceable
FantasyClair Evans is contented and happy with her simple life. But an unexpected event barrels her into a magical world that she never knew existed. Battling fiery enemies and hideous monsters, Clair struggles to adapt and survive in Endova. But the walls...