"Queentia Academy offers subjects ranging from General Mathematics to Language Arts just like other schools. But aside from teaching academic-based learnings, we have our princess training program on how to act like a royalty because who knows, one of you may become one in the future. Our Princess Etiquette, Beautification, and Values sessions aim to unleash a girl's capability from within and to equip them with the skills fitted to be called a Royal."
Nandito pa rin kami sa dorm habang nakikinig sa introduction ni Madame Elizabeth patungkol sa academy. Magkaharap kami ngayon habang nakaupo sa isang plush maroon sofa na sa tingin ko ay kasya ang limang katao.
Simula nung nakita ko ang Headmistress kanina hanggang ngayon, wala ni isang salita ang lumabas sa bibig ko. Ikaw kaya ang makakita ng isang epitome of Barbie sa real life?
Madame Elizabeth's looks were so undeniably perfect. Parang nasa early twenties lang siya tignan with her light blonde hair arranged in a bun and flawless skin. And nabighani talaga ako sa aquamarine eyes niya. Kaya nga nagulat ako kanina nung nalaman ko na nasa late thirties na pala siya.
Paano ko nalaman? Well, kanina kasi, pagkatapos niya akong iwelcome ay biglang bumukas ang flat screen television na nasa likuran niya. Kasabay ng pagpapakilala niya sa kanyang sarili ay kusa ring lumalabas ang mga data na iyon sa screen. Bongga!
"Excuse me, Clair. Are you still with us?" Nabalik naman ako sa katinuan ng marinig kong tawagin ako ni Madame. Hala! Nakakahiya naman. Ilang minuto kaya akong natulala?
"Ay sorry po Madame Elizabeth Summer. Yung mind ko kasi, kung saan saan na pumupunta," sabi ko sa kanya with matching peace sign. Pero agad ko iyong binaba dahil naalala ko na formal dapat. Kung magiging teacher ko si Madame, baka may minus points na ako kahit hindi pa kami nagkaklase.
"You can call me Madame Eliza for short. Or if you prefer the longer one, you can address me with Madame Elizabeth Amber Lorraine Schleiden Summer. That's my whole name by the way," wika ni Madame with matching smile. Nagulat naman ako sa nalaman ko. Nainggit naman ako ng slight dahil ang iksi lang ng pangalan ko. Pinag-isipan ba talaga ni Mama ang name ko? Anong laban ng Clair Evans sa pangalan ni Madame?
"Wow, ang cool po ng name niyo, Madame Eliza," rinig kong komento ni Jasmine na nasa tabi ko lang din. Halatang nastarstruck din siya kay Madame dahil ngayon lang din siya nakapagsalita.
Nakita ko ang pagngiti ni Madame nang marinig niya ang sinabi ni Jasmine. "Excuse po Madame Elizabeth Amber Lorrai---, ay sorry! Madame Eliza, pwede po bang magtanong? Hindi ba kayo nahirapan nung bata pa kayo sa pangalan niyo?" Napatanong na lang ako out of the blue.
"It wasn't a struggle for me though. But it was quite tiring if you try to write it in a piece of paper," napatango na lang ako sa sinabi ni Madame. Sino ba naman ang hindi mapapagod dun? Yung simpleng pagsulat ko ng Clair Evans sa papel kapag may quiz ay nakakapagod na, yung name pa kaya ni Madame? Ay kung sabagay, tamad din ako minsan magsulat.
"And before I forget, Jasmine will be your official tour guide for this day. Classes will start tomorrow and I hope that you can adjust well to this new environment, Miss Evans. If anything is bothering you, you can always approach me," wika ni Madame na sinagot ko ng ngiti. Even though she looks authoritative at first, mabait din pala si Madame. The students here are lucky to have her.
"Take care of each other, Miss Meyers, okay?"
Kumislap ang mata ni Jasmine habang suot ang isang I-was-born-ready look sa kanyang mukha. "Makakaasa ka po sa akin, Madame Eliza!" Bubbly na sagot ni Jasmine with matching salute.
"Alright. Enjoy your stay here, girls. I'll be going now," wika ni Madame at naglakad na palabas sa dorm namin. Pero may naalala ako kaya pinigilan ko muna ang pag-alis ni Madame Eliza.
"Wait po, Madame Eliza. Kilala niyo po ba si Maria Evans? Former student din po siya dito," wika ko sa Headmistress. Natigilan siya saglit at parang may malalim na iniisip. But after some time, she smiled at me habang dahan-dahang binubuksan ang pinto.
"Of course. She's my bestfriend."
BINABASA MO ANG
Irreplaceable
FantasyClair Evans is contented and happy with her simple life. But an unexpected event barrels her into a magical world that she never knew existed. Battling fiery enemies and hideous monsters, Clair struggles to adapt and survive in Endova. But the walls...