Chapter 2

11.8K 490 72
                                    

Wake up, my love.

Wake up.

My love.

---

Nagising ako dahil sa boses na iyon. It gave me the chills pero the voice sounds familiar kahit napakacreepy nun.

Pero ang ipinagtataka ko ngayon ay kung bakit hindi ako ginising ni Mama Mary? Parati niya kaya akong ginigising para pumasok sa school. Pero wait! Sabado na nga pala ngayon.

Babangon na sana ako pero may napansin akong weird. Bakit parang mas lumambot yung kama ko ngayon at bakit iba na ang kulay nito? Napabalikwas ako ng bangon at namutla ang mukha ko sa aking nakita. O to the M to the G! Hindi ko to kwarto!

Kinukusot kusot ko pa ang mga mata ko dahil baka nananaginip lang ako pero walang effect eh. Sinampal ko na nga rin ang sarili ko ng super lakas pero ayun, nasaktan lang ako at narealize ko na gising talaga ako.

Andami ng tanong ang bumabagabag sa brain ko ngayon. Namumula nga ang pisngi ko dahil napalakas ang sampal ko kanina tas unti unti nang namamatay mga brain cells ko! I need answers as soon as possible!

Pilit ko ring inaalala yung mga nangyari bago ako napunta sa kinaroroonan ko ngayon pero blank eh. Wala akong naaalala! Yung naalala ko lang ay yung pauwi na ako sa buhay tas blurry na afterwards.

Omg! Baka hindi talaga ako nakauwi sa bahay dahil may kumidnap sa akin dahil nabighani sila sa beauty ko?

O baka kinuha ako ng bali-balitang puting van para ibenta yung internal organs ko? Halaa! I'm gonna die!

But hindi ako papayag na mamatay ng walang lovelife! Kahit hindi ko alam kung saan ako ngayon, kakapit pa rin ako sa aking sense of direction. Makakaalis ako dito ng buhay, tiwala lang!

Pero kung ikikidnap nga talaga ako, bakit pa ako nilagay dito? Parang panghotel nga yung room na ito kaya parang malabo ngang mangyari yun. Diba kadalasan sa mga teleserye ay sa bodega nila dinadala ang mga kinikidnap nila? Baka mayaman talaga yung kumidnap sa akin. Baka pogi siya tas siya na pala yung kaforever ko, OMG!

Pero kahit na! I need to get out of here first baka kung ano pa ang mangyari.

Agad akong pumunta sa may bandang bintana para roon dumaan palabas. Makakaya ko namang tumalon ng ikalawang palapag at maglambitin no. Pero nalula ako nang matantsa kung gaano kataas ang lugar kung saan ako ngayon. Seriously? Nasa tore ba ako ni Rapunzel ngayon? Ilang palapag ba ang lugar na ito?

No choice na ako. Dadaan na ako sa may bandang pintuan tsaka tatakbo palabas. Sana lang hindi nakalock ang pinto ng room na ito.

And yes, answered prayer! Bukas lang pala ang pinto. Agad kong kinuha ang isang babasaging vase na nakadisplay sa mesang nandito ngayon. Weapon lang for self defense.

Huminga ako ng malalim saka dahan dahang lumabas.

Isang malaki at engrandeng living room ang bumungad sa akin. Nang mapatingin ako sa side ay may iba pa palang rooms doon. Hala! Baka doon din nakakulong ang ibang biktima. Tatawagan ko na lang ang mga pulis pagnakaalis na ako dito para iligtas sila. Mahirap talaga kapag walang back-up!

Halfway na ako papunta sa pinakamalapit na pinto nang may narinig akong magsalita.

"Gising ka na po pala, Ate Clair," Nabitawan ko ang dala dala kong vase dahil sa gulat. Buti nga lang at may carpet dito kaya hindi iyon nabasag.

IrreplaceableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon