Chapter 4

1.2K 34 1
                                    

"Wow Ate Clair! Best friend pala ni Mama mo si Madame! Ang cool lang!" komento ni Jasmine na may patalon-talon pa. Nakikita ko sa kanya ang ilang avid fangirls ng mga artista or boy bands. Pareho silang may ganung cheerful and energetic attitude.

Pero kanina, hindi kaagad ako nakareact sa sinabi ng Headmistress. Bigla tuloy akong nacurious dahil dun at marami na namang tanong ang nabubuo sa aking isip. I recalled the times na nagkekwentuhan kami ni Mama Mary at ang ipinagtataka ko ay parang wala siyang naishare sa akin na mga memories about sa mga araw na nag-aaral pa lang siya. Or about sa mga naging kaibigan niya.

Weird.

At lately lang din niya ipinaalam sa akin na nag-aral pala siya dito sa Queentia Academy at best friend niya pa ang Headmistress dito. My mom is really full of surprises.

"Ate! Diyan pa po ba kayo?"

Nagising naman ulit ako sa katotohanan at napaface palm sa aking sarili. Lutang na talaga ako ngayong araw. Ang aga pa kaya tapos information overload na kaagad ako. Baka hindi na maprocess ni brainy ang upcoming information at baka magshut down na lang siya ng tuluyan, ay huwag naman po!

"Yes, sorry Jasmine. May iniisip lang," tugon ko na lang sa kanya. Tumango siya after niyang marinig ang sinabi ko bago huminga ng malalim. Pagkatapos nun ay may lumitaw na malawak na ngiti sa kanyang mukha.

"Okay, ate Clair! Ngayon, ready ka na po ba?" Pinabayaan ko na lang muna ang mga bagay na bumabagabag sa akin dahil stress lang ang matatanggap ko kung poproblemahin ko pa sila. And right now, I chose to relax. And super excited na rin ako sa mga makikita ko sa Queentia Academy. Biglang tumaas ang expectations ko about this school. Sana hindi ako madisappoint.

"I'm ready, Jasmine!"

"Let the adventure begin!" Biro niya at mahina naman kaming nagtawanan.

And as we stepped outside of our dorm ay namangha kaagad ako. Nung una ay nanibago ang aking mata dahil parang ang liwanag na ng lugar. I only lately realized the reason why it was so bright. Pagkalabas namin sa aming dorm ay isang glass wall ang bumungad sa amin. At dahil made of glass ito, nakikita namin kung ano ang nasa labas. And I was greatly mesmerized by the abundant forest and the distant mountain ranges outside. Kahit hindi pa ako nakapunta sa sikat na Baguio City, parang nafefeel ko na ang lugar na iyon sa mga nakikita ko ngayon.

Agad akong napalapit sa glass wall. Gusto ko sana iyong hawakan pero kinabahan ako ng slight dahil baka mabasag. Sapat na ang mga nabasag kong baso noon. Ayaw ko nang maexpell dahil sa pagsira ko ng property ng school.

Pero parang nabasa ni Jasmine ang iniisip ko kaya bigla siyang nagsalita. "There's no need to worry, Ate Clair. The glass walls may seem fragile pero they're as strong as steel. You can try breaking it pero masasayang lang yung energy niyo," Jasmine told with a smile.

Naamaze naman ako sa sinabi ni Jasmine at parang totoo nga talagang matibay. May ganito pa lang klaseng glass?

After kong malaman na safe naman ay parang bata akong dumikit sa glass wall habang pinagmamasdan ang nasa labas. It was a bit cloudy dahil parang nahihiya pang lumabas ang araw mula sa likod ng mga ulap. Well, cloudy days are my favourite days. May mga ibon ding lumilipad in group or in pair. Wow, buti pa sila may partner.

"Ate!"

"Ay kabute! Ginulat mo naman ako Jasmine eh!"

Mahina siyang humingi ng tawad at nagpeace sign. "Mga dalawang minuto ka rin po kasing tulala ate eh. Iinvite sana kitang kumain. Handa na ang mga pagkain ngayon sa Dining Hall."

Biglang lumiwanag ang mukha ko sa sinabi ni Jasmine. Sa pagkamangha ko sa mga nakikita ko ay parang nakalimutan kong maging gutom. Pero thanks to Jasmine, naalala ko na mas mahalaga pa rin ang pagkain. And I'm starving! Ngayon ko lang din napansin!

IrreplaceableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon