"Ate Clair wait for me!" Rinig kong sigaw ni Jasmine na mukhang hinihingal pa sa kakatakbo. Nauna kasi akong umalis sa stadium dahil wala na talaga akong mukhang maihaharap pa.
Nang maabutan niya ako ay hinimas ko ang likuran niya dahil napagod nga siya. Natouch naman ako dahil hinabol nga talaga ako ni Jasmine. I can feel that she's really concerned about me.
Nagulat naman ako nang yakapin niya ako. "Don't feel bad po, Ate Clair. Just think about it po, you didn't do anything but still, a class showed up for you, Ate. Grabe yung impact nun ate, effortless na effortless ang dating!" Pagcocomfort niya sa akin kaya napapangiti na lang din ako. I don't know kung nature ba talaga ng mga Healers to na katulad niya pero nakakagaan lang talaga ng pakiramdam kapag kasama ko si Jasmine. Nakakawala ng stress.
"Congrats po pala! You're officially a Mage po!" Bati niya ulit sa akin. Nagpasalamat naman ako sa kanya at inalala ang mga nangyari ilang minuto lang ang nakalipas.
"Keeper," pagbabasa ko rito.
But the moment I stopped reading, some letters vanished and new ones appeared until they formed a new word.
"Congratulations, Clair Evans! You're a Mage!" Anunsyo ni Madame Elizabeth sa buong stadium. Pero hindi na ako lumingon pa para makita ang reaksyon ng mga tao at dire-diretsong lumabas sa arena.
But out of my peripheral view, I can see Scarlet sharply staring at my running figure.
Sa pag-aalala ko ay hindi ko namalayan na nasa harapan na kami ng aming dorm. Hindi ko na muna tinanong si Jasmine kung ano ba ang Keeper class dahil ayaw ko munang balikan ang nangyari kanina lang. Maybe I'll ask her some other day. I just need to chill first.
We were about to enter our dorm but Jasmine and I observed that something wasn't right. Bakit nakabukas ang pintuan ng dorm namin?
Kinabahan naman kami ni Jasmine. Kami pa lang kasi ang nandito sa floor namin dahil hindi pa tapos ang initiation rites at nandun pa sa stadium ang ibang kaklase namin. Nagkatinginan kami ni Jasmine at sabay kaming napalunok.
We counted up to ten before we decide to enter inside. Pero nagulat na lang kami nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang babae.
"Hello! I'm your new roommate!"
Literal na lumundag ang puso ko dahil sa pagkagulat at ganun din si Jasmine.
"Hala Drea! Paano ka napadpad sa dorm namin?" Tanong ko sa babaeng nakasandal na ngayon sa may bandang pintuan.
"Ayaw niyo ba akong maging karoommate?" tanong niya sa amin at napapout pero maganda pa rin. Pero bakit ako mukhang bibe?
"Joke joke lang yun Drea! Welcome to our Dorm Sweetie Dorm!" Bati ko naman sa kanya kaya bumalik na ang sigla sa kanyang mukha. Pinakilala ko rin si Jasmine sa kanya at sa una nga ay nahihiya pa si Jasmine kaya tumahimik siya pero dahil natural na friendly si Drea ay nakuha naman niya agad ang loob ng aming li'l sis.
Each dorm has three private rooms kaya sakto lang ang paglipat ni Drea. Wala kasi siyang kasama sa nauna niyang dorm at nalungkot siya kaya nagrequest siyang ilipat ng dorm. And destiny talaga na napunta siya sa amin dahil kulang kami ng isa!
Tinulungan din namin si Drea na ayusin ang mga gamit niya. Sa dami ba naman ng mga gamit niya, natagalan talaga kami. Nagtaka nga ako kung paano niya nadala mag-isa ang mga maleta niya eh. But I remembered that she can create portals! Napaka useful talaga ng ability niya and practical din!
BINABASA MO ANG
Irreplaceable
FantasyClair Evans is contented and happy with her simple life. But an unexpected event barrels her into a magical world that she never knew existed. Battling fiery enemies and hideous monsters, Clair struggles to adapt and survive in Endova. But the walls...