Mythology

1.2K 4 0
                                    

Taken from the story of the three brothers Wodan Will and We'.

Frida, Wodan and the great wolf Fen..

-Norse Mythology-

----------

Mabuhay ang bagong kasal!!

Masayang masaya si Frida ng araw ng kasal niya. Katabi niya si Wodan na minamahal niya at nagmamahal sa kanya.

Mabait si Wodan at isang sundalo ng hari. Panahon iyon ng mga Viking, proud na proud si Frida sa kanyang kabiyak. Matalino si Wodan at madalas itong kausap ng hari. Ito ang pinagkakatiwalaan ng hari sa pakikipagdigma. May dalawang kapatid si Wodan. Ang dalawamput anim  na taong gulang na si Will at ang dalawamput tatlong taon gulang na si Wea.

Mahal ni Wodan ang mga kapatid niya at hinayaan niya itong tumira sa bahay nila ni Frida. Masipag ang mga ito at maaasahan. Alam niya na kaya nitong ipagtanggol ang kanyang asawa kung sakaling may mangahas na manggulo. Siya mismo ang nag train sa mga ito. Madalas na wala sa bahay si Wodan dahil na rin sa ito ang pinuno ng kanilang hukbo.

Kapag wala ako, kayong dalawa ang mag aalaga sa ate niyo. Madalas na bilin ni Wodan sa dalawang kapatid. Kaya kapag malayo si Wodan si Will ang gumagawa sa mabibigat na trabaho na naiiwan ng kuya niya. Si Wea naman ay palaging nakaalalay kay Frida sa gawaing bahay.

Isang araw nagpaalam si Wodan. Kailangan niyang umalis para makidigma. Namatay ang hari at kay Wodan ipinamahala ang kaharian bago ito nalagutan ng hininga.

Napalago nga ang kaharian pero bumalik ang emisaryo ng kalaban. Tinanggap ni Wodan ang hamon at nagpasyang sa malayo makipagtuos para naman di maapektuhan ang bayan nila.

Umiyak ng umiyak si Frida. Bakit aalis ka? Bakit ka lalayo? Paano na ako mahal ko? Panay ang singhot ng babae.

Niyakap ni Wodan ang asawa. Mahal na mahal niya si Frida. Kung siya lang ang masusunod ayaw na niyang lumayo. Pero kailangan niyang ipagtanggol ang naiwan ng hari. Hindi ganun kalaki ang kanilang lugar pero ang mga nakatira rito ay mapayapang mga tao at may pagkakaisa.

Para sa kinabukasan natin ito. Para sa mga magiging anak natin. Bulong niya sa asawa. Hindi siya binitawan ni Frida ng humakbang siya palayo, kaya naman naisipan niyang buhatin ito at dalhin ito sa kanilang kwarto.

Wodan... Lumuluhang kumapit si Frida sa asawa. Kung papayag lang ito gusto sana niyang sumama. Alam niya na may maitutulong siya dahil nagkapag aral siya ng mahika.

Agad na ginawaran ni Wodan ng halik ang asawa. Ramdam niya ang sakit ng dibdib nito.sa kanyang paglayo. Pinaglandas niya ang kamay sa malambot na katawan nito. Paulit ulit na hinalikan ang pisngi at labi.

Frida. Mahal na mahal kita! Unti unting bumaba ang kanyang labi sa dibdib ng asawa. Maingat niyang kinalas ang mga ribbon ng suot nitong damit.

Maganda si Frida, mula pa ng makita niya ito kasama ng mga nahuling slave ng makipglaban sila sa Vanir, nahulog na ang puso niya sa babae. Kaya naman nakipagkasundo agad siya imbes na tuluyang sakupin ang lugar nito.

W-wodan.tila hirap sa paghinga si Frida. Ilang beses na nilang ginawa ang ganun pero para sa kanya palaging unang pagkakataon na nagsama sila.

Sa wakas na kalas na ni Wodan ang ribbon sa suot na bestida ng asawa. Marahan niyang intinaas ang damit nito saka pinagmasdan ang kabuoan ng dyosa sa kanyang harapan. Napasinghap si Frida sa nakikitang pagkislap ng mga mata ni Wodan. Naramdaman niya ang mga kamay nito na nag papala sa kanya. Walang nakalimutang padaanan ang kanyang kamay. May halong gintong spark na lumalabas sa mga daliri ng lalaki hudyat na buhay ang mahika nito. Napupuno naman ng init ang balat ng babae. Sumunod ang kanyang labi sa pagsamba sa katawan ng asawa. Napapikit si Frida. Tumataas ang kamalayan niya. Tila siya nililipad ng hangin kaya bahagya na niyang naramdaman na pinaglayo ni Wodan ang kanyang mga hita. Sinakop ng labi nito ang labi niya. Marahang halik at saka ito unti unting pumasok sa kaibuturan niya.

OneShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon