Vampire Bride

746 3 0
                                    

Mabagal na naglalakad pauwi si Selene. Hindi naman sa ayaw na niyang umuwi, pero kagabi, sininturon siya ni Tomas, ang kanyang ama. Hindi naman ganuon kalaki ang nagawa niyang pagkakamali, nabasag ang basong hinuhugasan niyang nang dumulas iyon sa kanyang kamay.

Hindi naman mamahalin iyon kundi isa sa mga ordinaryong klase ng baso. Pero galit na galit pa rin si Tomas. Nakadama ng sakit sa kalooban si Selene. Lumaki siyang puno ng pagmamahal ng ama mula ng mamatay ang kanyang mama. Hindi siya nito pinabayaan. Lumaki siyang masayahin at maunawain kaya naman pilit niyang inuunawa kung bakit naging bayolente ang ama niya. May problema siguro ito sa trabaho. Yun lang naman ang naisip niya kung bakit ito nagbago, gaya ng ginawa nito kahabi.




" Selene! " Malakas ang boses nito habang pababa ng hagdan.  Inimis agad ni Selene ang nabasag na baso at inilagay sa basurahan para hindi ito maapakan ng kanyang ama.

" Pa..." Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha niya ng humarap siya sa ama. Napaatras si Selene. Ito ang unang beses na pinagbuhatan siya ng kamay ng ama.

Napansin nito na dumudugo ang kamay niya na naihawak niya sa nabasag na baso, saglit na kuminang ang mata ng ama. Akala niya ay aamuin siya nito pero nagkamali siya. Kinalas nito ang suot na sinturon saka padaskol na itinulak siya sa mesa. Napadapa sa mesa ang kalahati ng katawan niya. Bago pa siya nakabawi ay agad na ibinaba ng ama niya ang suot niyang short. Isang malakas na hampas ang tumama sa kanyang pigi.

" Ahhhh!" Napasigaw siya sa sakit. Akala niya ay tapos na pero sunod sunod na hampas ang nagpamanhid sa kanyang katawan. Naramdaman niya na may tumulo mula sa kanyang pang upo. Paos ang boses niya. Walang tigil siya sa pagsigaw kanina. Napakahigpit ng kapit niya sa gilid ng mesa. Sobrang siyang nanghina. Pero mas malaking takot ang naramdaman niya ng pahablot na hinila ng ama ang kanyang manipis na blusa. Dinig ang pagkapunit nito. Isang hawi at nabaklas ang pagkakakawit ng kanyang bra saka sunod sunod na hampas muli mula sa sinturon ang naramdaman niya.

" Pa! Tama na! T-ta...ma..naa." Umikot ang mata ni Selene at naramdaman niya na lumuwag ang kapit niya sa mesa saka. Kasunod niyon ay kadiliman.

Mabagal na hagod ng maligamgam na bimpo ang gumising sa kamalayan niya. Pakiramdam niya, nag aapoy ang likod niya. Iminulat niya ang mata at nuon niya napansin na nasa sarili siyang kwarto. Nakita niya ang ama niya na matyagang pinapahid ang likod niya ng tubig. Tila ingat na ingat ito. Matapos na masigurong wala nang dugo sa kanyang katawan. Tumayo si Tomas. Hinaplos nito ang pisngi niya saka saglit na hinagkan. Nakita niya na naiiyak ang ama pero di siya makapagsalita. Hinagkan siya nito ng madiin sa noo gaya ng palagi nitong ginagawa mula pa ng maliit siya. Tumutulo ang luha nito na umalis ang iniwan siya sa kwarto.

Gusto niyang magtanong kung anung nangyari. Mabait na ama si Tomas. Mula ng mamatay ang kanyang ina hindi siya nito pinabayaan. Pero nag iba na yata ito ng ugali.

Pinahid ni Selene ang likod ng kamay sa kanyang noo. Kanina pa masama ang pakiramdam niya. Pinainom siya ng gamot ni Tomas kanina bago ito pumasok sa trabaho pero hindi ito nagsasalita. Tahimik lang itong umiiyak. Sinubuan din siya ng bagong lutong sopas saka muling hinalikan sa noo matapos nun ay iniwan na siya.

Humakbang si Selene natatanaw na niya ang kanilang bahay. Pumunta siya sa palengke kahit gabi na dahil tumawag ang ama niya at pinabibili siya ng karne. Bumabagal ang kilos niya dahil sa sama ng pakiramdam. Tatlong bahay na lang ang layo niya sa kanila ngabangga siya ng isang lalaki.

Matipuno ang katawan nito. Asul ang mata at napatingin sa kanya ng mapaupo siya sa semento. Napangiwi si Selene. Kumirot ang sugat niya sa pigi na gawa ng pagkakapalo ng sinturon.

"Hey..." Inalalayan siya ng lalaki na tumayo.

"T-thank you." Yun lang ang nasabi niya saka siya ulit naglakad pauwi sa kanila. Hindi niya napansin ang lalaki na matamang nakatingin sa kanya habang papalayo siya dito.

OneShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon