Mythology 3

591 1 0
                                    

Inayos ang maliit na kaharian.  Duon na maninirahan ang mag asawa. Naipanalo ni Wodan ang laban at marami silang nakuhang kayamanan. Sobra pa para maipasaayos ang kanilang maliit na kaharian.

Nagpiging ang mga tao at nagpasalamat sa kanilang mga anito. Sinuri ng manggagamot si Frida at ibinalita nito na maayos na ang kalagayan ng babae. Kailangan na lang hintayin na gumising ito.

Nagpaiwan naman sa kanilang bahay ang magkapatid na Will at Wea.

Kapag kailangan mo ng tulong, tawagin mo lang kami kuya. Sabi ni Will saka lumuhod sa kanyang harapan. Ganun din ang ginawa ni Wea.

Masayang itinayo ni Wodan ang mga kapatid at niyakap. Nagpasalamat siya sa pagbabantay nito at pagaalaga sa mag ina niya.

Nagising si Frida kinabukasan at ganun na lang ang saya niya ng masilayan ang mukha ni Wodan.

Nang gabing iyon ay pinagsaluhan nila ang saya at pinawi ang pangungulila sa isat isa.

Ilang buwan matapos nuon, nagdalantao si Frida. Nagdiwang ang maliit nilang kaharian ng ipanganak ang batang si Torr. Gaya ni Baldir, malakas at guwapo ang bata. Hinayaan ni Wodan na itrain ito ng kanyang mga kapatid.

Nagkaruon din sila ng dalawang prinsesa at tuloy tuloy na ang kaligayahan sa puso ni Frida.
 

Pero nang lumaki ang mga anak, muling umalis si Wodan. Mayruon na namang nagtangkang sumakop sa kanila.

Nalungkot si Frida, pero pinilit niyang magpakatatag para sa mga bata. Hanggang sa haloa isang taon na naman na wala si Wodan. Nanghina na naman ang katawan ng babae.

Agad na pumunta sa palasyo sila Will at Wea. Inilagay si Frida sa tore sa pinakataas ng kastilyo. Nagbantay ang dalawa at nagpadala ng sulat sa kapatid.

Nagumpisa na naman na maglaban ang kapangyarihan ni Frida. Nag apoy ang buong katawan nito.

Walang magawa sila Will at Wea kungdi ang maawa sa kalagayan nito. Hindi sila makalapit sa lakas ng apoy.

Nakahinga lang sila ng maluwag ng mawalan ng malay si Frida at unti unting namatay ang apoy sa paligid nito. Agad nila itong nilapitan at pilit na pinainom ng tubig.

Nang ikalawang gabi, nagumpisa na naman ito. Mabuti nalang at dumating si Wodan.

Frida...? Agad na nilapitan ni Wodan ang asawa. Naluluhang niyakap siya ni Frida.

Akala ko hindi ka na babalik... Sambit nito.

Nandito na ako mahal ko. Hindi na ako aalis muli. Pangako ni Wodan sa babae .

Tila musika naman sa pandinig ng babae ang sinabi ni Wodan. Hindi mo na ako iiwan? Tila batang tanung niya.

Kinintalan ni Wodan ng halik ang labi ng asawa ...pangako ...
sabi niya. Tapos ay ngumiti siya ng matamis sa asawa.

Nakahinga ng maayos ang mga kapatid ni Wodan. Iniwan nila ang mag asawa at pinayapa ang mga anak nito na nasa bulwagan ng palasyo.


Matapos ang isang linggo, muling nanumbalik ang lakas ni Frida. Natapos na rin ang pakikidigma mg asawa at nagkaruon ng kapayapaan sa buong lugar.


Tumakbo si Frida at pilit na hinanap si Wodan sa kaguluhan, maraming mga tao sa paligid at may hawak na armas. Umiilaw ang kaamy niya sa mahika na hawak. Binato niya ng bolang apoy ang nagtangkang lumapit sa kanyang anak na prinsesa para patayin ito.

Matapos ay iginala niya amg paningin sa paligid. May hinahanap siya.

Wodan!!! Sigaw ni Frida. Natatakot siya ! Kailangan niyang makita ang asawa.

OneShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon