Inaraw araw ni Will ang pagasikaso sa babae hanggang sa napilitang kumilos mag isa si Frida. Nahihiya siya sa inaasal niya. Pinasaya niya ang sarili, babalik pa si Wodan.
Dumaan ang ilang buwan, lumaki ang tiyan ng babae. Nagdadalan tao pala siya. Maayos niyang naipanganak ang panganay nila ay pinangalanan itong Baldir. Mas masaya na ngayon si Frida umasa siya na makikita ni Wodan ang anak sa pag uwi nito, pero nag isang taon na ang bata, walang Wodan na umuwi. Ang kasiyahan sa puso niya unti unti nang napalitan ng pag aalala at takot. Nawalan ng pagasa si Frida na muling makikita ang asawa.
Ilang kapwa kabalyero nito ang dumating at umalis pero walang Wodan na bumalik sa kanila.
Maraming inaasikaso si Wodan.pagbabalita ng kaibigan nitong si Himdahlr. Magagaling ang mga kalaban pero matalino ang pinuno . kapag naipanalo na niya ang laban ipinangako niyang uuwi siya sayo.
Ngumiti si Frida sa narinig. Tiningnan niya si Baldir na nuon ay tinuturuan ni Wea na humawak ng espadang kahoy. Nagtama ang tingin nila ni Wea.
Sabi sayo, uuwi ang kuya. Konting panahon na lang Frida.Dumating ang taglamig. Pero kakaiba sa ibang taglamig, Nabalutan ng maputing niyebe ang paligid. Kasabay ng paglamig ng panahon ang pagka buhay ng kawalang pag asa sa dibdib ni Frida. Dalawang taon ang nakalipas mula ng may nakauwing kabalyero sa kanila. Ayon sa ilang mangangalakal, matindi ang labanan sa may silangan. Wala ng kabalyero na nakabalik pa mula sa laban.
Kasunod noon, nagkagulo sa kanilang lugar. Bilang isang shield maiden, nakipaglaban si Frida. May mga nagtangkang manggulo sa lugar nila pero maagap ang mga natirang kalalakihan sa lugar nila. Nagapi nila ang mga ito.
Isang gabi, agad na nagmulat ng mata si Will. Puno ng pagtataka na iginala niya ang mata sa madilim niyang kwarto. Anung nakagising sa akin? Muling pumikit si Will para ipagpatuloy ang naunsyaming pagtulog ng marinig niya ang matinis na boses ni Frida. Agad siyang bumangon.
Binalya niya ang pinto ng kwarto nito dahil naka lock. Wala si Baldir nuon at nasa bahay ng kakambal ni Frida. Alertong iginala niya ang tingin sa paligid sa pag aakalang may nakapasok na masamang loob.
Pagbukas ng pinto, nanlalaki ang mata na napatitig siya sa babae. Puno ng liwanag ang katawan ni Frida. Tila mga gold spark ang nakabalot sa katawan nito. Bahagyang nakaangat sa kama ang katawan nito habang nanginginig.
Ahhhh! Sigaw ng babae. Agad na tinakbo ni Will si Frida.
Frida! Dumilat ka! Gumising ka! Puno ng pagaalala ang boses ni Will. Tila kinukulam ang babae at natatakot siya sa nangyayari dito.
Nagalumpihit ang katawan ng babae. Tila may nananakit dito. Bumungad naman si Wea sa pinto. Maging siya ay nagising sa komosyon. Bago pa siya nakalapit ay umikot ang kakaibang mahika sa loob ng kwarto. Tila hinihigop nito ang lakas ng mga nanduon. Nanlalambot na napaupo sa sahig si Wea. Hindi niya maintindihan.
Frida! Pinilipilit pa ring gisingin ni Will ang babae. Akala niya ay hindi na ito titigil sa pagnginginig. Maya maya ay natahimik na ito. Napasalampak siya sa sahig ng biglang dumilat si Frida.
Kulay ginto ang mga mata nito. Bahagyang umiilaw ang katawan at wala sa sarili na tumayo at tinahak ang pinto.
Frida! Sigaw ni Will. Alam niya na wala sa sarili ang babae. Paglapit niya ay nabalot ng napakabangong amoy ang katawan nito.
Lumingon ito sa kanya saka mapang akit na ngumiti. Napakunot noo si Will. Nang magtama ang kanilang mata saka lang niya naintindihan ang nangyayari.
BINABASA MO ANG
OneShots
Short Storydark world where sinful desires are possible welcome to the dark recesses of my mind.. -freia