Ilang linggo na tulala si Selene. Tila isang robot ito na sumusunod sa tuwing inaalalayan ng ama. Pero hindi na siya ang dating Selene na masayahin at palangiti. Malungkot na nakatingin lang si Tomas sa anak. Pumunta siya sa eskwelahan kanina para ipaalam na hindi na papasok pa si Selene. Ilang mga kaklase na rin nito ang dumating pero nanatiling nakatulala lang ang babae.
" Selene." Naiiyak si Mar sa nakikitang hitsura ng babae. " kasalanan ko Im sorry." Bulong niya na narinig naman nila Josef.
" Huh? Anung sinasabi mo?" Tanung ni Tomas sa lalaki.
" Nuon kasing isang araw pinilit ko siyang isama para maka date." Napatingin ito sa dalawang lalaki sa gilid niya na masama ang tingin sa kanya. " Ayaw niya. Hinila ko siya pero nakita ako nila Josef kaya nakauwi siya agad. Mula noon di na siya pumasok."
Napatiim bagang si Tomas. Pero alam niya na hindi iyon ang dahilan. Pinisil niya ang balikat ni Mar. Alam niya kung gaano kalaking takot ang pinagdaanan nito bago nakapagsabi sa kanya lalo nat sa sariling paniniwala, ang lalaking ito ang dahilan ng pagkatulala ng anak niya.
" Wala iyon. Im sure hindi naman iyon ang dahilan. May...may natanggap kasi kaming balita. " Napahawak sa noo si Tomas. Kailangan niyang pagtakpan ang totoong nangyari.
Napatingin sa kanya si Mar at kapagkuwan ay tila nabunutan iti ng tinik sa dibdib. Bahagyang lumiwanag ang mukha nito. " Sana po malagpasan niya ito." Sabi niya.
Nakaalis na ang lahat ng mag umpisang maglinis ng bahay si Tomas. Nakaupo lang si Selene sa couch bukas ang TV ng bigla na lang itong sumigaw. Napatakbo si Tomas sa anak. Takot na takot ito habang maririnig naman ang drama sa TV. Pinapalo ng ina ang anak na nakagawa ng mali.
" Tama na pa!" Sigaw ni Selene. Niyakap ni Tomas ang anak pero nagpipiglas ito kaya naman naitulak siya nito at tumama ang likod ng lalaki sa mesa. Agad na nag iba ang mukha ni Tomas. Inabot niya ang sinturon saka unti unting hinubad iyon. Pilit na nilalabanan niya ang compulsion na idinikta ni Lukas sa isip niya.
" T-takb-bo anak...d-dali!" Nanulas sa bibig niya ang utos. Napatayo si Selene saka napatitig sa kanya. Kitang kita sa mukha niya ang pakikipaglaban sa kung anumang utos. "S-sa k-kwarto m-mo.."
Agad na nakatakbo si Selene. Pero bago pa niya mai lock ang kwarto naiharang na ni Tomas ang paa nito. Umigkas ang kamy niya saka ihinampas sa katawan ng anak.
" aaahhh! " Sigaw ng babae. Sunod sunod na palo ng sinturon. Tumutulo ang luha sa mga mata ni Tomas. Hindi niya mapigil ang sariling mga kamay. Nakasabunot ang isa sa buhok ng anak habang patuloy ang pag hagupit ng sinturon.
Isang malakas na pwersa ang nagpabitaw sa kanya sa anak. Humagis siya sa gilid at tumama sa pader.
Nakatayo si Lukas sa harap niya habang nakalabas ang mga pangil nito. Sumulak ang galit sa dibdib ni Tomas. Kasalanan ni Lukas ang lahat! Sinugod niya ang bampira. Nagpambuno sila at nagpalitan ng suntok. Gayunman mas malakas ito sa kanya. Napahiga siya sa sahig habang sinasakal siya ng bampira. Nanlilisik ang ma mata nito. Pero nagulat sila pareho ng undayan ng saksak ni Selene ang bampira. Nabitawan nito si Tomas. Hawak ang balikat na tinamaan ng saksak ng kutsilyo.
" Layuan mong papa ko!" Sigaw nito. Napaatras si Lukas at napatitig sa mukha ng babae. Ito na ba ang pagbabagong hinihintay niyang mangyari?
Galit na galit si Selene sa lalaking nanakit sa kanyang ama, tila nagising siya mula sa pagkakatulog. Agad niyang nilapitan si Tomas. Pero naghihingalo na ang lalaki. Bali ang likod nito sa lakas ng pagkakahagis ng bampira. Napaiyak si Selene. " Papa... Huwag mo kong iwan." Tangis niya.
" P-patawarin mo ako. Hindi ko ginustong saktan ka a-anak..." Sabi ni Tomas bago ito nalagutan ng hininga.
" Papa!" Napatitig si Selene sa hawak na kutsilyo at bago pa nakakilos si Lukas ay inundayan nito ang sarilimg dibdib.
BINABASA MO ANG
OneShots
Short Storydark world where sinful desires are possible welcome to the dark recesses of my mind.. -freia